Ang Pinakamagaling na mga Adblocker
Paul Velasco | Na-update noong 6/24/23SEO Consultant sa Online Marketing Nagmamadali? Ito ang aming nangungunang Ad Blocker para sa 2025:
Pigilan ang pagsulpot ng mga nakakainis na ad online gamit ang mga nangungunang ad blocker na ito!
"Ako lang ba, o parang sinusundan ako ng mga ad kahit saan?" Hindi lang sa iyo nangyayari ito. Tinatawag ang mga itong online retargeting ads - na sinusubukang hilahin pabalik sa website ang mga taong hindi bumili noong una para kompletuhin ang pagbili.
Kunwari, bibili ka ng ice cream maker, pero nagdesisyon kang sa ibang araw na lang bumili. Makalipas ang isang oras, habang binabasa mo ang paborito mong blog, bigla mo na lang makikita ito sa banner ad. Sunod-sunod mo nang makikita ito kahit saan, sa Facebook feed mo, sa YouTube, kahit sa mga website na wala namang kinalaman sa homemade ice cream. "Stalker ads" ang tawag dito ng New York Times.
Higit pa sa pagiging nakakairita at intrusive, hindi na makontrol at nagiging mas delikado na ang mga tracking ad na ito sa internet. Ipinapakita ng bagong pananaliksik na ang mga mobile malware ay binubuo na ngayon ng 72% mobile adware - software na nangha-hijack ng device para magpasok ng mga istorbong ad sa iyong screen. Hindi lang iyon, kapag aksidente mong napindot ang mga ad na ito, baka may ma-install na spyware, trojans, virus, at iba pang uri ng malware sa device mo.
Ad lang naman ito, kaya gaano ba ito kalala? Depende. Puwedeng bumagal lang ang computer mo, o mas malala, mapasok ng mga hacker ang computer mo at gawin ang sumusunod:
- Nakawin ang identidad mo.
- Ubusin ang laman ng credit card mo.
- Mangikil sa iyo ng pera.
- Makakuha ng pinansiyal na impormasyon at ilabas ang lahat ng pera mo sa bangko.
Oo, hindi lang istorbo ang mga stalker ad! Pero puwede ka namang makaiwas sa panganib gamit ang ad blocker — software program na kayang pigilan ang lahat ng uri ng mga ad na lumitaw sa screen mo — pop-up, on-page na ad, at iba pa.
Overview ng pinakamahusay na mga Ad Blocker para sa 2025:
- 🥇 1. TotalAdblock — Ang #1 rekomendasyon namin para sa pinakamagaling na ad blocker sa 2025, makukuha ito nang libre kasama ng subscription mo sa TotalAV.
- 🥈 2. Surfshark Adblock — Ang Private Internet Access PIA ay may proprietary na ad blocker na gumagana sa DNS, kaya mas mabilis at mas mahusay ito pagdating sa pag-block ng mga ad, tracker, at malware.
- 🥉 3. Private Internet Access Adblocker — Bina-block nito ang delikadong mga pop-up ad habang pinapabilis ang pag-load ng page. Mag-browse nang mabilis nang wala o halos walang istorbo!
- Mga Madalas Itanong tungkol sa mga Ad Blocker (FAQs).
Bukod sa proteksiyon sa malware at tracker, ano pa ang makukuha kong pakinabang sa paggamit ng ad blocker?
- Mas magaling at mas magandang karanasan sa pag-browse. Dahil wala na ang mga abalang ad, biglaang sound effect, at mga video na awtomatikong nagpe-play, matututukan mo na ang artikulong gusto mong basahin o video na gusto mong panoorin. Mas maganda sa paningin ang puting espasyong kapalit ng mga ad.
- Mas mabilis mag-load ang mga page. Dahil walang mga ad na naglalaman ng mga teksto, larawan, at graphics na nagpapabagal ng browser, mas mabilis i-load ang aktuwal na content na gusto mong makita.
- Patagalin ang mobile data mo. Hindi lang matagal mag-load ang mabibigat na ad, malakas din itong kumain ng data. Ipinapakita ng maraming pananaliksik na inuubos ng mga ad ang higit sa kalahati ng allowance sa mobile data ng isang user. Kapag naalis ang mga ad na ito, puwedeng tumagal ang mobile data mo at makakatipid ka ng pera sa kalaunan.
- Mas mahabang buhay ng baterya. Kumakain din ng maraming system resources ang pasulpot-sulpot na mga ad. Kapag walang mga ad, privacy tracker, at hindi kinakailangang mga script mula sa mga web page, hahaba ang buhay ng baterya ng phone mo.
Magandang desisyon na gumamit na ng ad blocker, hindi ba? Ngayong alam mo na ang mga pakinabang ng pag-block ng mga ad, tingnan naman natin nang mas malalim ang mga nangungunang Ad Blocker sa 2025:
1. TotalAdblock — Mas Mabilis, Mas Ligtas, Walang Ad na Pag-browse

Ang TotalAdblock ay mula sa parehong grupo sa likod ng premyadong antivirus software na TotalAV. Simple lang ang pangako nila, payapa kang makapag-surf sa web nang walang mga ad, at talaga naman, natutupad nila ito! Nang subukan namin ito, na-block nito ang mga redirect at ad, pop-up, third party na tracker, autoplay na video ad, banner, at kahit in-video ad sa Facebook at Youtube.
Mas masaya ring manood sa YouTube kapag walang abalang mga ad. Dahil hindi pinuputakte ng mga ad na nagdudulot ng congestion, napansin naming mas mabilis ang pag-load. Puwede mo ring i-off ang mga push notification sa pamamagitan ng pag-enable sa Quiet Mode! Siyempre, kung gusto mong suportahan ang mga paborito mong website, pumunta ka lang sa tab na Mga Katanggap-tanggap na Ad at i-type ang kanilang URL.
Bottom Line:Sa pangkalahatan, mahusay ang TotalAdblock sa pag-alis ng lahat ng uri ng ad. Hindi nakakagulat na nakakuha sila ng iskor na 4.8 sa 5 sa mahigit 47,900 rebyu sa Trustpilot! Inirerekomenda namin ito sa sinumang naghahanap ng malinis, mas mabilis, at mas ligtas na karanasan sa pag-browse anuman ang device o operating system.
Gumamit ng TotalAdblock - I-block ang Nakakairitang mga Ad at Tracker!

Ang Private Internet Access ay malakasang VPN na may sariling ad blocker na bahagi ng kanilang feature na MACE. Bina-block nito ang mga ad, tracker, at malware sa DNS, kaya mas mabilis at mas mabisa ito sa pag-block ng mga mapaminsalang request bago pa man mag-load ang mga ito.
Halimbawa, kapag nag-type ka ng URL sa web browser, dadalhin ito ng MACE sa ad blocker. Pagkatapos, tinitingnan nito kung meron ito sa database ng mga ad server na na-flag dahil sa pagbabahagi ng mga code na maaaring makapinsala. Kung may match, iba-block ng MACE ang browser mo para hindi makapag-download ng anumang mga ad, kaya nagiging mas mabilis ang pag-load ng page at bumababa ang bandwidth usage.
Noong sinubukan namin ito, na-block ng PIA ang mga ad at tracker, pati na rin ang mga kaduda-dudang domain. Kinontak pa nga namin ang customer support para alamin kung ilan talaga ang na-block nilang mga ad at tracker, at nagbigay sila ng detalyadong listahan ng mga ad domain na kasalukuyang pini-filter ng MACE!
Bottom Line:Sa kabuuan, natuwa kami sa performance ng MACE at irerekomenda namin ito sa lahat ng gustong bawasan ang clutter sa mga website at i-boost ang kanilang seguridad at pagkapribado online. Mapoprotektahan mo ang hanggang 10 device nang sabay-sabay, pero sa kasamaang palad, hindi ito gumagana sa iOS. Pero puwede ito sa iba pang mga OS, browser, at device, tulad ng Windows, Mac OS, Android, Linux, Chromebook, Chrome, Firefox, Opera, at routers. Subukan ito sa loob ng 30 araw nang walang risk!
Gumamit ng Private Internet Access Adblocker - I-block ang Nakakairitang mga Ad at Tracker!
Paano namin pinili ang Nangungunang Ad Blocker sa 2025?
Mahirap pumili ng ad blocker mula sa daan-daang mabibili sa app store. Huwag mag-alala. Para makatipid ka sa oras, pinili namin ang mga pinakamagandang opsiyon sa pamamagitan ng sumusunod na mga tanong:
- Bisa: Mabisa ba ang ad blocker sa pag-block ng karamihang ads?
- Compatibility: Magagamit ba sa karamihang web browsers ang ad blocker?
- Performance: Pinapabagal ba ng ad blocker ang browser o naaapektuhan ba ang performance ng ilang device?
- Pagkapribado: Iginagalang ba ng ad blocker ang pagkapribado ng user at pinoprotektahan ang user data?
- Configuration: Madali bang i-configure at gamitin ang ad blocker? May mga pagpipilian bang customization?
- Presyo: Libre ba o may bayad ang ad blocker? Ano ang mga feature o pakinabang na meron sa pricing model?
- Reputasyon: May magandang reputasyon ba at track record sa mga user at eksperto ang ad blocker?
- Support: May maganda bang customer support ang ad blocker at may magagamit ba para sa troubleshooting?
- Pag-update: Regular bang naa-update ang ad blocker para matugunan ang mga bagong ad format at banta sa seguridad?
Mga Nangungunang Ad Blocker - Mga Madalas Itanong (FAQs)
💻 Ano ang ginagawa ng ad blocker?
Ang ad blocker ay application na tumutulong na mapaganda ang karanasan mo sa pag-browse sa pamamagitan ng pagtanggal ng mga pop-up ad at iba pang mga ad. Sa teknikal na usapin, hindi naman talaga nito bina-block ang mga ad. Ang ginagawa nito, pinipigilan nitong ma-download ang mga ad sa pamamagitan ng pag-filter ng mga web request. Nagdudulot ito ng mas mabilis na pag-download at mas malinis na mga web page.
🛑 Dapat ka bang gumamit ng ad blocker?
Oo! Kayang pigilan ng magaling na ad blocker ang mga nakakairitang ad na makaistorbo sa mga gawain mo online, protektahan ka sa malware, pigilan ang mga advertiser na i-track ka sa web, at babaan ang bandwidth at paggamit ng data.
✅ Ligtas bang gamitin ang mga ad blocker?
Gumamit ka lang ng mga mapagkakatiwalaang brand, at makakatiyak kang ligtas ang mga ad blocker. Mag-ingat sa mga di-gaanong kilalang brand. May mga fake app na nagpapanggap na mga libreng ad blocker, pero ang totoo ay nangongolekta ng data tungkol sa pag-browse mo at iba pa.
Transparensiya at Pagtitiwala: Nilalayon ng website na ito na tulungan kang mahanap ang perpektong software para sa mga pangangailangan mo sa pamamagitan ng madaling maintindihang listahang naghahambing. Maaari mong mabasa sa seksiyong Tungkol sa Amin ng website na ito ang higit pa tungkol sa kung paano kami nagsusuri at tungkol sa background namin. Hindi itinatampok ng Software.fish ang lahat ng software sa merkado, sa halip ay pinipili namin kung ano ang itinuturing naming nangunguna sa bawat vertical. Sinusubukan naming panatilihing naka-update at bago ang site na ito, pero hindi magagarantiya ang katumpakan ng impormasyon pati na rin ang mga tampok na presyo sa lahat ng oras. Nasa USD ang lahat ng presyong makikita sa site na ito kaya maaaring magkaroon ng kaunting pagkakaiba dahil sa mga pagbabago sa currency. Bagama't libreng gamitin ang site, nakakatanggap kami ng mga komisyon mula sa kasosyo naming mga kompanya ng software. Kung nag-click ka sa isa sa mga link namin at pagkatapos ay bumili, babayaran kami ng kompanyang iyon. Nakakaapekto ito sa pagraranggo, iskor, at pagkakasunod-sunod ng presentasyon ng software sa aming listahan at sa ibang lugar sa buong site. HINDI nagpapahiwatig ng pag-endorso ang mga listahan ng software sa page na ito.