Home » Tungkol sa Amin

Tungkol sa Amin | Software.Fish

Ang global na team namin sa Software.Fish ay binubuo ng mga eksperto sa cybersecurity, mga propesyonal sa privacy ng data, at mga tech buff. Alam namin na mula sa lahat ng antas ng pamumuhay ang mga mambabasa namin: mga may-ari ng negosyo, estudyante, remote na manggagawa, propesyonal, at marami pa. Kaya misyon naming pasimplehin ang mga komplikadong teknikal na impormasyon para mas madali itong maintindihan. Sa ganitong paraan, kahit na ang hindi tech-savvy ay lalakas ang loob na i-manage ang digital life niya!

Sinisikap naming maghatid ng wasto at napapanahong impormasyon para makapagdesisyon ka nang tama tungkol sa pananatiling ligtas, malakas, at protektado sa internet. Naglaan kami ng daan-daang oras sa pag-test, pagsusuri, at pagkompara ng iba't ibang digital na produkto, kabilang ang mga VPN, antivirus, password manager, PDF editor, at iba pa.

Gumagamit ang mga eksperto namin ng mga white-hat na teknik para makita ang mga potensiyal na leak, data breach, kahinaan sa seguridad, at iba pang mga banta online. Eskandalo sa pagkapribado ng data? Nakompromisong impormasyon ng user? Mga bagong player sa VPN market? Anuman ito, ang team namin ang bahala rito, dahil geek kami sa mga bagay na ito. Gamit ang kaalaman namin, sinusuri at nira-rank namin ang mga produkto para matulungan kang magdesisyon kung ano ang bibilhin. Isang bagay ang sigurado. Magrerekomenda lang kami ng mga produktong pinaniniwalaan namin at itataya namin dito ang aming reputasyon! Maingat at mabusisi ang pagsusuri namin. Ipapaliwanag namin kung paano gumagana ang bawat produkto o serbisyo at kung bakit mo ito dapat bilhin (o hindi). Pero, sa huli, nasa iyo pa rin ang desisyon.

Paano Kami Kumikita

Bibigyan ka ng Software.Fish ng mga detalyadong rebyu, naka-table na paghahambing, blog article, at iba pang kapaki-pakinabang na content. Sinisikap naming makipagsosyo sa pinakamalaki at talagang iginagalang na mga brand para bigyan ka ng mga eksklusibong diskuwento sa kanilang mga produkto at serbisyo. Libre ang pag-access ng anumang content ng site - kumikita kami sa pamamagitan ng pagtanggap ng bayad sa advertising mula sa kasosyo naming mga brand kapag nag-click ka sa mga link namin at bumili. Naaapektuhan ng partnership na ito ang iskor at order ng presentasyon ng mga brand sa site namin.

Makakakita ka ng mga affiliate link sa mga rebyu, table na nagkokompara, at blog article. Kapag nag-click ka sa mga link na ito, makakatanggap kami ng maliit na komisyon o referral bonus. Paminsan-minsan, itatampok din namin ang sponsored na content (may ganitong label) sa blog namin. Tandaang hindi namin itinatampok ang lahat ng brand sa partikular na software vertical – doon lang kami sa mga talagang magaling. Puwedeng mabago nang walang paunang abiso ang lahat ng impormasyon sa site namin, kabilang ang pagpepresyo at ranking ng produkto.