Mga Tuntunin sa Paggamit | Software.Fish
Binibigyan ng Software.fish ng impormasyon at mga tool ang mga user para mas maintindihan nila ang iba't ibang produktong software. Ang website ng Software.fish (kolektibong tatawaging "Site") ay copyright ng Software.fish. Pinahihintulutan namin ang mga user na ma-access ang website na ito sa kondisyong tatanggapin nila ang lahat ng mga tuntunin at kondisyon (kolektibong tatawaging "Mga Tuntunin") nang walang pagbabago.
Pagtanggap sa mga tuntunin Sa paggamit ng site na ito, pumapayag kang sumailalim sa mga tuntunin at lahat ng kaukulang batas at maging responsable sa pagsunod sa mga naangkop na lokal na batas. Kung hindi ka pumapayag sa mga tuntuning ito, hindi mo dapat gamitin ang website. Protektado ng kaukulang mga batas sa copyright at trademark ang mga nilalaman ng website na ito.
Lisensiya ng userAng nilalaman ng website ng Software.fish ay para sa personal at indibidwal na paggamit lang at hindi para sa komersiyal o iba pang layunin. Sa ilalim ng Limited Use License na ito, hindi puwedeng baguhin o kopyahin ng mga User ang Mga Materyal, gamitin ang mga ito para sa komersiyal na layunin o para sa anumang pampublikong display (komersiyal o di-komersiyal), subukang i-decompile o i-reverse engineer ang Software o Mga Serbisyong nakapaloob sa Software.fish site para kopyahin ang naka-copyright o iba pang content, ilipat ang content sa ibang tao, o sa ibang server. Awtomatikong mawawalan ng bisa ang lisensiyang ito kung lalabag ang mga user sa alinman sa mga paghihigpit na ito at ititigil at tatapusin ito anumang oras ng Software.fish. Kapag nagamit na ng mga user ang mga materyal na ito o kapag natapos na ang lisensiyang ito, dapat sirain ng mga user ang na-download nilang content, elektroniko man o naka-print ang mga ito.
Disclaimer Ang mga materyal sa website ng Software.fish ay makikita sa umiiral na kondisyon nito. Hindi kami nagbibigay ng mga warranty, hayag man o hindi, at itinatanggi namin ang lahat ng iba pang warranty, kabilang ang, nang walang limitasyon, anumang ipinahiwatig na mga warranty o kondisyon ng merchantability, non-infringement, mga karapatan sa intelektuwal na ari-arian o iba pa. Hindi rin gumagawa ng mga representasyon o warranty ang Software.fish tungkol sa katumpakan, inaasahang mga resulta, o reliability ng paggamit ng Content sa o kaugnay sa Internet Site nito o sa anumang mga site na naka-link sa Site na ito.
Ang content ng website, tulad ng mga teksto, graphics, larawan, at impormasyong mula sa Software.fish Licensors at iba pang content ng Software.fish na website, kabilang ang anumang Serbisyo ("Content"), ay para sa mga layuning pang-impormasyon lang. Dapat na maingat na basahin ng mga user ang lahat ng impormasyong ibinigay ng mga tagagawa ng mga produkto, online man o sa aktuwal na mga label o packaging ng produkto. Bagama't sinisikap naming i-update ang impormasyon sa Site, hindi kami gumagawa ng mga representasyon o warranty, hayag man o hindi, na tumpak, kompleto, o bago ang impormasyon sa Site. Ang Software.fish ay website ng pagkompara at pagsusuri na nakadepende sa advertising. Para magamit ng lahat ang site na ito nang walang bayad, gumagamit kami ng mga link na pumapayag sa aming maningil ng bayad sa referral mula sa mga brand partner site namin. Ang order at ranggo ng mga brand partner namin sa chart ng pagkompara ay maaaring maapektuhan ng mga komersiyal na bagay, at ng popularidad, conversion, at data sa performance. Nagbabago paminsan-minsan ang mga rating, order, at ranggo.
Ang responsibilidad namin sa kawalan o pinsalaAlam ng user ang risk sa paggamit ng website at mga serbisyong ito. Walang anumang pananagutan ang Software.fish o ang mga supplier nila para sa pinsala (kabilang ang pagkalugi o pagkawala ng data o pagkaantala ng negosyo). Wala kaming anumang pananagutan sa content na resulta ng paggamit ng mga website namin, kahit na nasabihan sa paraang pasalita o pasasulat ang Software.fish o isa sa mga awtorisadong kinatawan namin tungkol sa posibilidad ng naturang pinsala.
Kabayaran Sumasang-ayon ang mga user na bayaran, ipagtanggol, at i-exclude kami sa lahat ng pagkalugi, bayarin, pinsala, at gastos, kabilang ang makatwirang bayad sa abogado, dahil sa paglabag ng User sa Mga Tuntunin ng Paggamit na ito at/o paggamit ng User ng Website at para bayaran kami ng danyos sa lahat ng pinsala.
Mga rebisyon / pagkakamali Maaaring may mga teknikal, typographical, o photographic na mga pagkakamali ang content ng Software.fish Website. Walang pananagutan ang Software.fish sa katumpakan, pagiging kompleto, o pagiging updated ng materyal sa website nito. Maaaring gumawa ang Software.fish ng mga pagbabago sa content ng website nito anumang oras nang walang paunang abiso. Pero hindi ginagarantiya ng Software.fish na regular na maa-update ang content na ito.
Mga link sa mga third party na providerHindi pa nate-test ng Software.fish ang lahat ng website na naka-link sa website na ito at wala kaming pananagutan sa content ng naturang naka-link sa mga website. Ang pagsasama ng link ay hindi nangangahulugang aprobado ng Software.fish ang site. Alam ng user ang risk sa paggamit ng naturang naka-link sa website.
Mga pagbabago sa mga tuntuning ito Maaaring baguhin ng Software.fish ang Mga Tuntunin sa Paggamit na ito anumang oras nang walang abiso. Sa paggamit ng website na ito, sumasang-ayon ang mga user na mapasailalim sa pinakabagong bersiyong ito ng Mga Tuntunin sa Paggamit.
Kaukulang batasAng anumang mga claim na may kinalaman sa Software.fish Website ay napapailalim sa mga batas ng United Kingdom, anuman ang mga salungatan ng mga batas sa bansa ng user. Maliban kung iba ang itinakda rito, lahat ng mga hindi pagkakaunawaan na direkta o di-direktang resulta ng o nauugnay sa Mga Tuntunin sa Paggamit o sa Site ay dapat lutasin lang sa mga korte ng United Kingdom. Pumapayag ang user, at hindi na niya mababawi ito, sa hurisdiksyon na ito at sa eksklusibong hurisdiksyon ng naturang hukuman sa ganitong hindi pagkakaunawaan.
Mga tanongKung may mga tanong ka tungkol sa Mga Tuntunin sa Paggamit na ito, mag-email sa hello (at) Software.fish