Home » Patakaran sa Pagkapribado

Patakaran sa Pagkapribado | Software.Fish

Mahalaga sa amin sa www.Software.fish na igalang ang pagkapribado ng mga user namin at kolektahin lang ang impormasyong kailangan para i-manage at i-optimize ang mga website at negosyo namin.

Impormasyon ng User

Kinokolekta ng Software.fish ang impormasyong hindi maikakabit sa pagkakakilanlan mo, tulad ng uri ng browser, wika, petsa at oras ng pagbisita, at nagre-refer na website. Karaniwan ito sa karamihang websites at awtomatikong ibinibigay ng mga web browser at server. Kinokolekta ng Software.fish ang impormasyong ito para maintindihan ang behavior ng user at para ma-optimize ang mga website nito. Hindi ipinapasa ng Software.fish ang alinman sa impormasyong ito sa mga third party.

Hindi nangongolekta ang Software.fish ng personal na impormasyon tulad ng mga Internet Protocol (IP) address. Pero binibigyan kami ng ilang software vendor na nakalista sa mga website ng Software.fish ng access sa impormasyong ito kapag bumili sa website nito ang na-refer na user. Hindi ibinebenta ng Software.fish ang impormasyong ito.

Mga Cookie

Ang cookie ay line ng code na tinatandaan ang website sa device ng user para ma-access agad niya ito sa web browser kapag bumalik siya. Gumagamit ang Software.fish ng cookies para aralin at suriin ang behavior ng user at sukatin kung gaano katagumpay sa pagbebenta ng mga kasosyo namin.

Sa mga user na ayaw ng cookies sa kanilang mga device, puwede nilang i-set ang kanilang browser na tanggihan ang cookies. Pero baka hindi nito paganahin ang ilang mga feature, at baka hindi gumana nang maayos ang lahat ng bahagi ng Software.fish website.

Paglipat ng Negosyo

Sakaling ma-acquire ang Software.fish o ang mga website nila, puwedeng ilipat sa mga third party ang nakolektang impormasyon ng user.

Mga external na link

Nagli-link lang ang Software.fish sa mga mapagkakatiwalaang kompanya, pero wala itong kontrol sa mga website nito at kung paano itinatabi ang impormasyon ng user. Ang anumang interaksiyon sa mga affiliate na website ay sakop ng kanilang mga patakaran sa pagkapribado at mga tuntunin ng paggamit.

Mga pagbabago sa patakaran sa pagkapribado

Maaaring rebisahin ng Software.fish ang Patakaran sa Pagkapribado sa paglipas ng panahon. Nangangahulugan ang patuloy na paggamit ng Software.fish Sites na tinatanggap ng user ang mga naturang pagbabago. Ang huling pag-update ay noong Enero 21, 2020.

Mga Tanong

Kung may mga tanong ka tungkol sa patakaran sa pagkapribadong ito, mag-email sa hello (at) Software.fish