ALAMIN KUNG ANO ANG SINASABI NG MGA USERTrustpilot Rating: 4.1 sa 5 mula sa 3,001 rebyu
"Para sa baguhan sa trabaho, nakakalula ang onboarding, ang maging pamilyar sa kompanya, at pag-track kung ano ang kailangang gawin. Maganda ang naging transition ko dahil sa Monday.com. Lagi kong alam kung ano ang dapat kong gawin sa bawat oras; inalis nito ang pabalik-balik na komunikasyon. Enjoy ako sa paggamit ng Monday.""Mula nang gamitin namin ang Monday.com sa aming kompanya, ibang lebel na ngayon ang pag-manage namin ng impormasyon. Minsan, ilang minuto lang at naisasagawa na namin ang bagong proseso, na karaniwang inaabot ng mga araw o linggo kung walang Monday.com. Ang bilis na ito ang kalakasan talaga namin ngayon. Gumagawa pa nga kami ng mga app at konektor sa pamamagitan ng API ng Monday para pasimplehin ang pag-access sa lahat ng impormasyon namin at isama ito sa iba pang data.""Social media coordinator/marketing specialist ako. Gumamit na ako ng iba't ibang program ng software sa project management para sa iba't ibang proyekto at brand na nakatrabaho ko. Ang Monday.com ang paborito ko sa ngayon! Napaka-functional nito. Visual akong tao, kaya gusto ko kung gaano ka-visual ang monday.com sa mga chart at color coding. Salamat sa pambihirang produkto!"PAANO ITO GUMAGANA? Gumagana ang Monday.com bilang tool sa project management sa pamamagitan ng pagbibigay ng visual na interface para ma-manage at ma-track ng mga team ang kanilang mga proyekto at gawain. Narito ang overview kung paano ito gumagana:
1.
Paggawa ng proyekto: Para makapagsimula sa Monday.com, puwede kang gumawa ng bagong project board at i-customize ito para bumagay sa mga pangangailangan mo. Puwede kang magdagdag ng mga kolum, label, at istatus, at pumili mula sa iba't ibang pre-built na template para makatipid sa oras.
2.
Pagdaragdag ng mga gawain: Kapag na-set up na ang iyong project board, puwede kang magdagdag ng mga gawain at italaga ang mga ito sa mga miyembro ng team. Puwede kang magtakda ng mga deadline, priyoridad, at magdagdag ng anumang mga kinakailangang detalye, tulad ng mga paglalarawan, attachment, at komento.
3.
Collaboration: Napapadali ang pag-collaborate mo at ng mga miyembro ng iyong team sa Monday.com. Puwede kang magtalaga ng mga gawain, magdagdag ng mga komento, at mag-share ng mga file sa isa't isa. Tinitiyak din ng tool na makakatanggap ka ng mga real-time na update at notification para mapanatili ang consistency sa mga miyembro ng team.
4.
Pag-track sa progreso: Habang kinokompleto ang mga gawain, puwedeng i-update ng mga miyembro ng team ang kanilang istatus, at puwedeng masubaybayan nang real time ang pag-usad ng proyekto. Puwede mo ring gamitin ang automation para i-streamline ang mga paulit-ulit na gawain at bawasan ang mano-manong gawain.
5.
Pag-uulat at analytics: Puwede mong samantalahin ang mga built-in na tool sa pag-uulat at analytics sa Monday.com para subaybayan ang pag-usad ng iyong mga proyekto, pag-aralan ang mga trend, at bumuo ng mga custom na ulat. Makakatulong ito sa iyo na matukoy ang mga bagay na kailangan pang mapabuti at ipakita ang tagumpay ng mga proyekto sa inyong mga stakeholder.
SINO ANG DAPAT GUMAMIT NG MONDAY.COM?Ang Monday.com ay versatile na tool sa project management na puwedeng gamitin ng iba't ibang indibidwal at team sa iba't ibang industriya. Narito ang ilang halimbawa kung sino ang makikinabang sa paggamit ng Monday.com:
Mga project manager: May visual na interface ang Monday.com na magagamit ng mga project manager para ma-manage ang mga gawain at workflow ng kanilang team. Puwede nilang subaybayan ang progreso, tukuyin ang mga bottleneck, at unahin ang mga gawain para mapanatili sa iskedyul ang mga proyekto.
Mga marketing team: Magagamit ng mga marketing team ang Monday.com para i-manage ang mga campaign, subaybayan ang mga lead, at mag-collaborate sa paggawa ng content. Magagamit din nila ang tool para i-streamline ang mga workflow ng pag-aproba at i-manage ang mga campaign sa social media.
Mga IT team: Puwedeng gamitin ng mga IT team ang tool na ito para i-manage ang kanilang mga proyekto, i-track ang mga tiket, at magtalaga ng mga gawain sa mga miyembro ng team. Makikita rin nila na kapaki-pakinabang ito sa pag-manage ng mga proyekto sa pagbuo ng software, pag-track sa mga bug, at pag-manage ng mga release.
Mga HR team: Makikinabang din ang mga HR team sa pamamagitan ng paggamit nito para i-manage ang mga proseso ng onboarding, i-track ang mga benepisyo ng empleyado, at i-manage ang mga rebyu ng performance. Puwede rin nilang gamitin ang tool para makipag-collaborate sa recruitment at pag-manage ng mga posting ng trabaho.
Mga organisasyon sa edukasyon at non-profit: Magagamit ng mga organisasyong ito ang Monday.com para i-manage ang kanilang mga proyekto, i-track ang mga donasyon, at i-manage ang mga assignment ng mga boluntaryo. Magagamit din nila ito para i-streamline ang pagpaplano ng mga event at makipag-collaborate para sa mga panukalang grant.
Sa pangkalahatan, ginawa ang Monday.com para mapadali ang collaboration, ma-streamline ang mga workflow, at magbigay ng mga insight sa pag-usad ng proyekto para matulungan ang mga team na maging mas produktibo at efficient.
ANO-ANO ANG MGA FEATURE NITO?
Top-tier na tool sa project management ang Monday.com, na may ipinagmamalaking mga feature na nagpapaangat dito sa kompetisyon. Narito ang ilan sa mga pangunahing feature na dahilan kung bakit magandang opsiyon ang Monday.com:
Pag-manage ng mga gawain
May iba't ibang feature sa pagpaplano at pag-manage ng mga gawain ang Monday.com na nakakatulong sa mga user na manatiling organisado at epektibong i-manage ang kanilang mga workflow.
Nako-customize na mga board ng mga gawain: Gumawa ng sariling mga workflow sa pamamagitan ng pag-customize ng mga kolum para sa bawat yugto, at ilipat ang mga gawain mula sa isang kolum tungo sa susunod habang umuusad ang mga ito.
Mga detalye ng gawain: Puwede kang magdagdag ng mga detalye ng gawain tulad ng mga paglalarawan, deadline, at mga tag para matiyak na ang lahat sa team ay may impormasyong kailangan nila para makompleto ang gawain.
Calendar view: May visual na kalendaryo rin ang Monday.com na nagpapakita ng visual na representasyon ng mga timeline ng proyekto, deadline, at pag-usad ng gawain.
Mga Gantt chart: Tinutulungan ka nitong gumawa at mag-manage ng mga timeline ng proyekto, magtakda ng mga dependency sa pagitan ng mga gawain, at subaybayan nang real-time ang pag-usad ng proyekto.
Mga dependency sa gawain: Dito ka makakapagtakda ng mga dependency sa gawain, na nangangahulugang dapat makompleto ang isang gawain bago magsimula ang isa pa. Nakakatulong ito para matiyak na natapos ang mga gawain sa tamang ayos.
Pag-automate ng workflow: Sa feature na ito ng Monday.com, puwede mong i-automate ang mga karaniwang gawain, tulad ng pagpapadala ng mga notification, pag-update ng mga kolum ng istatus, at pagtatalaga ng mga gawain sa mga miyembro ng team.
Sa kabuuan, layunin ng mga feature na ito sa pagpaplano at pag-manage ng mga gawain na tulungan ang mga team na manatiling organisado, masubaybayan ang progreso, at epektibong makapag-collaborate. Ganap na nako-customize ang software, kaya naaayos ng mga user ang kanilang mga workflow para tumugma sa partikular na kahingian ng mga ito.
Pag-automate ng Workflow
Kilala rin ang Monday.com sa maganda nitong feature sa pag-automate ng workflow na tumutulong na i-automate ang karaniwan mong mga gawain, bawasan ang mano-manong data entry, at i-streamline ang mga workflow. Kabilang ang sumusunod sa mga pangmalakasang feature ng Monday.com sa pag-automate ng workflow:
Mga custom na tuntunin sa pag-automate: Gumawa ng mga custom na tuntunin sa pag-automate batay sa mga partikular na kondisyon, tulad ng pagtatapos ng isang gawain, nalalapit na deadline, o pagdaragdag ng bagong item sa isang board.
Mga awtomatikong abiso: Puwedeng magpadala ang Monday.com ng mga abiso sa mga miyembro ng team kapag may mahalagang pangyayari, tulad ng pagtatalaga ng gawain, o kapag papalapit na ang deadline.
Mga update sa istatus: Awtomatikong naa-update ang mga kolum ng istatus batay sa mga pagbabago sa iba pang kolum o kapag natugunan ang ilang partikular na kondisyon.
Mga pagtatalaga ng gawain: Ang Monday.com ay puwedeng awtomatikong magtalaga ng mga gawain sa mga miyembro ng team batay sa partikular na pamantayan, gaya ng workload o expertise.
Pag-integrate sa mga third party na app: Nai-integrate din ang tool sa project management na ito sa iba't ibang third party na app, tulad ng Slack, Google Drive, at Trello, para mas ma-streamline pa ang mga workflow.
Visual na project management
Puwede mong gamitin ang ilang visual na tool sa project management ng Monday.com para sa komprehensibong view ng mga proyekto mo. Makakatulong ito sa iyong masubaybayan ang lahat ng aspekto ng mga proyekto mo at ihanay ang mga ito sa mga layunin mo. Kabilang dito ang:
Mga Kanban board: Nagbibigay ang mga Kanban board ng visual na representasyon ng mga gawain at workflow, kaya makikita mo ang katayuan ng bawat gawain sa isang tingin. Puwede mong ilipat ang mga gawain sa pagitan ng mga kolum para maipakita ang pag-usad.
Mga Gantt chart: Ang feature na Gantt chart ng Monday.com ay nagbibigay ng malinaw na graphical na representasyon ng timeline ng isang proyekto, kabilang ang mga dependency sa gawain at milestone. Dito, mabilis mong matutukoy ang mga potensiyal na pagkaantala at maaayos mo agad ang plano. Gamit ang feature na ito, madali mong makikita kung paano naaapektuhan ng mga pagbabago sa isang gawain ang buong timeline ng proyekto.
Calendar view: Ipinapakita sa calender view ang visual na representasyon ng mga deadline, milestone, at event, kaya madaling ma-track ang mahahalagang petsa.
Timeline view: Magagamit mo ang feature na ito para madaling mailarawan ang iyong proyekto o mga iskedyul ng gawain sa iba't ibang yugto. Nagpapakita ito ng graphical na representasyon ng mga gawain at deadline, kaya madali lang ma-track ang progreso at matutukan ang proyekto mo.
Map view: Sa feature na ito, makikita mo sa isang mapa ang data mo. Makakatulong ito sa pag-track ng mga lokasyon, pag-manage ng mga team sa field, o pag-visualize ng data na iba-iba ang lokasyon.
Chart view: Puwede mong gamitin ang iba't ibang opsiyon sa chart at graph para mailarawan ang data mo para sa epektibong pag-track ng progreso, pagsusuri ng data, at pagtukoy sa trend. Makakatulong ito sa iyo na maghatid ng malinaw na mensahe sa audience mo tungkol sa performance ng iyong data.
Collaboration
May ilang tools sa collaboration ang Monday.com na tumutulong sa mga team na makapag-collaborate nang mas mahusay. Kasama sa mga feature na ito ang:
Real-time na collaboration: Sa Monday.com, makakapag-collaborate nang real-time ang mga miyembro ng team, na nagpapadali sa pagbabahagi ng mga ideya, pagbibigay ng feedback, at pagtutulungan para maabot ang mga layunin.
Collaborative na pagkokomento: Puwede kang magkomento sa mga gawain at proyekto sa Monday.com para magkaroon ng talakayan at feedback. Sa pamamagitan nito, epektibong makakapag-usap at makakapag-collaborate ang mga miyembro ng iyong team, at alam ng lahat ang anumang pag-usad at problema ng proyekto.
Pag-share ng mga file: Madali mong maibabahagi ang mahahalagang dokumento at asset sa mga miyembro ng iyong team sa Monday.com sa pamamagitan ng pag-attach ng mga file sa mga gawain at proyekto. Pinapasimple ng naka-streamline na file sharing ang collaboration at makakatulong ito sa iyo na panatilihing organisado ang iyong mga gawain at proyekto, at hindi mo na kailangan ang mano-manong paghahanap ng dokumento.
@mentions: Oo! Hindi na lang ito para sa mga social media account mo! Puwede mo na ring gamitin ang @mentions sa Monday.com para ipaalam sa mga miyembro ng team mo ang tungkol sa mga partikular na gawain, komento, o proyekto. Sa feature na ito, natitiyak mong alam ng team ang nangyayari at mas epektibo kayong makakapag-collaborate.
Mga activity log: Nirerekord ng mga activity log ng Monday.com ang lahat ng pagbabago at pag-update sa proyekto, kaya mas madali ang pagsubaybay sa pag-usad ng proyekto at pagtukoy ng mga potensiyal na isyu.
Access ng bisita: Puwede mong gamitin ang Monday.com para bigyan ng access ang mga kliyente, kontratista, o iba pang mga panlabas na collaborator, kaya mas madali sa iyong makipagtrabaho sa kanila. Gamit ang feature na ito, madali kang makakapag-collaborate at makakapag-share ng mga file sa mga panlabas na stakeholder, nang hindi kinakailangang magpalit ng mga platform o mano-manong mag-manage ng maraming account.
Mga Integration
Ang Monday.com ay may iba't ibang integration sa iba pang software application na nagpapahusay sa functionality nito at ginagawa itong mas kapaki-pakinabang para sa project management. Narito ang ilan sa pinakamahalagang integration:
Mga tool sa komunikasyon: Puwedeng ma-integrate ang Monday.com sa mga tool sa komunikasyon tulad ng Slack, Microsoft Teams, at Zoom, na nagpapadali sa komunikasyon mo sa mga miyembro ng team at sa pagbabahagi ng mga update.
Pag-store at pag-share ng mga file: Gumagana ito sa mga tool sa cloud storage tulad ng Dropbox, Google Drive, at OneDrive, para ma-access at ma-share mo ang mga file mula sa platform.
Pag-track sa oras at pag-invoice: Nai-integrate din ito sa mga tool sa pag-track sa oras at pag-invoice tulad ng Toggl, Harvest, at QuickBooks, kaya mas madaling subaybayan ang oras na ginugol sa mga proyekto at ma-manage ang pag-invoice.
CRM: Makikinabang ka sa paggamit ng integration ng Monday.com sa mga CRM tool tulad ng Salesforce, HubSpot, at Pipedrive, na magbibigay sa iyo ng sentralisadong lokasyon para i-manage ang data at interaksiyon sa kostumer. Sa integration na ito, puwede mong i-sync ang data sa dalawang platform nang walang aberya, kaya mas madaling ma-track ang mga interaksiyon sa kostumer at mabisang ma-manage ang iyong pipeline ng benta.
Project management: Puwedeng mag-sync ang Monday.com sa iba pang app sa project management tulad ng Trello at Asana, para madali mong mailipat ang data sa pagitan ng mga ito.
Sa paggamit ng iba't ibang integration ng Monday.com, mas marami kang magagawa sa parehong environment. Sa ilang opsiyon sa integration, puwede mong i-customize ang iyong mga workflow para sa mas magandang karanasang tumutugon sa mga pangangailangan mo, kaya bubuti ang pangkalahatang efficiency at mai-streamline ang iyong mga proseso sa trabaho.
Pag-uulat
Puwede mong subaybayan ang pag-usad ng proyekto at makakuha ng mga insight gamit ang maraming feature sa pag-uulat ng Monday.com. Narito ang ilang halimbawa:
Nako-customize na mga dashboard: Sa feature na ito, makakagawa ka ng mga custom na dashboard na nagpapakita ng data at metrics na pinakamahalaga sa mga proyekto mo. Pumili mula sa iba't ibang widget, tulad ng mga chart, graph, at talahanayan, at i-customize ang mga ito para ipakita ang impormasyong kailangan mo.
Mga template ng pag-uulat: Puwede kang magsimula nang maaga sa pagsulat ng mga ulat sa tulong ng koleksiyon ng mga template sa pag-uulat ng Monday.com. Kabilang sa mga template na ito ang mga ulat sa katayuan ng proyekto, mga ulat sa pag-usad nito, at mga ulat sa performance ng team.
Advanced na pag-filter: Puwede mong i-filter ang iyong data sa Monday.com sa iba't ibang paraan, kaya matututukan mo ang partikular na mga gawain, deadline, o miyembro ng team. Sa naka-streamline na paraang ito, matutukoy mo ang mga trend at pattern at makakakuha ka ng insight sa performance ng iyong proyekto, na sa huli ay tutulong sa iyong magtrabaho nang mas mabisa at produktibo.
Real-time na data: Puwede mong gamitin ang mga feature ng pag-uulat ng Monday.com para makakuha ng real-time na data at subaybayan ang pag-usad ng proyekto. Sa pamamagitan nito, magagawa mo ang kinakailangang mga pagsasaayos at matutukan ang performance ng iyong proyekto.
Mga opsiyon sa pag-export: Sa pamamagitan nito, makakapag-export ka ng data sa iba't ibang format, kabilang ang CSV, Excel, at PDF, kaya mas madali ang pagbabahagi ng mga ulat sa mga miyembro ng team o iba pang stakeholder.
Sa Monday.com, mas marami kang magagawa sa mas kaunting oras, at mas maganda ang mga resulta ng mga proyekto mo. I-access ang real-time na data at iangkop ang mga dashboard sa partikular mong mga kahingian sa tulong ng mga feature sa pag-uulat. Sa impormasyong ito, puwede mong plantsahin ang mga estratehiya mo at palakihin ang posibilidad na magtatagumpay ang proyekto.
MADALI BA ITONG GAMITIN?
Oo, kilala ang Monday.com sa simple at madaling gamitin nitong tool sa project management. Moderno at intuitive ang interface ng software na nagpapadali sa pag-navigate at pag-unawa. Ginawa itong maganda sa paningin, nang may drag-and-drop na functionality at nako-customize na mga layout para bumagay ang tool sa partikular mong mga pangangailangan.
Bukod dito, may ilang template at pre-built na workflow din ang Monday.com na magagamit mo para simulan nang i-manage ang mga proyekto mo. Ginawa ang mga template na ito para sa iba't ibang industriya at uri ng proyekto, at madaling ma-customize ang mga ito para sa partikular mong pangangailangan.
May ilang feature at tool din ang software na madaling i-access at gamitin. Halimbawa, may magaling na function sa paghahanap ang platform, kaya madaling hanapin ang mga partikular na gawain o proyekto. May calendar view rin ito, na nagbibigay ng madaling maintindihang visual na representasyon ng mga timeline ng proyekto mo.
USER INTERFACE
Intuitive ang user interface ng Monday.com, kaya puwede itong magamit ng parehong teknikal at di-teknikal na mga user. Sa maayos na pagsasama-sama ng mga kulay, icon, at animation, pinapagaan at pinapasaya ng Monday.com ang navigation.
"Board" ang tawag sa pangunahing screen ng Monday.com, na puwede kang gumawa at mag-organisa ng iba't ibang proyekto o workflow. Ang board ay binubuo ng mga kolum na kumakatawan sa iba't ibang yugto ng proyekto, at mga row na kumakatawan sa mga indibidwal na gawain o item sa bawat yugto.
Madaling i-drag at i-drop ang mga item sa mga kolum o row para ma-update ang istatus ng mga ito o ilipat ang mga ito sa ibang yugto. Bukod pa rito, puwede kang magdagdag ng iba't ibang elemento sa bawat item, tulad ng mga deadline, mga assignee, at mga label, para matulungan kang ayusin at subaybayan ang pag-usad ng iyong mga gawain.
Isa sa mga natatanging feature ng user interface ng Monday.com ang pagpapakita ng impormasyon sa iba't ibang paraan, tulad ng mga chart, graph, at talahanayan. Makakatulong ito sa paglalarawan ng progreso o pagtukoy sa mga bagay na kailangang pagbutihin.
DESKTOP AT MGA MOBILE APP
Puwede mong gamitin ang desktop at mobile app ng Monday.com para i-manage ang mga board mo. Para ma-download ang desktop app, pumunta lang sa website ng Monday.com at i-download ito sa iyong Windows o Mac operating system. Native na gumagana ang app sa computer mo, kaya mas mabilis itong mag-load at mas maganda ang karanasan ng user kompara sa web browser na bersiyon. Maa-access mo ang dagdag na mga feature tulad ng offline na access sa mga board at mga notification para sa mga bagong update.
Para sa mobile app, magpunta sa app store at i-download ito sa iyong iOS o Android device. Gamitin ito para i-access at i-manage ang iyong mga board, kahit na malayo ka sa desk mo. May access ka pa rin sa mga feature tulad ng viewing at editing boards, pag-update ng mga gawain, at komunikasyon sa mga miyembro ng team. Puwede ka ring alertuhin ng mga push notification sa mga bagong update o pagbabagong ginawa sa mga board mo, kaya nananatili kang konektado at produktibo. Madali lang gamitin ang desktop at mobile app ng Monday.com, kaya wala kang makikitang aberya nasaan ka man.
LIGTAS BA ITO?
Sineseryoso ng Monday.com ang seguridad at proteksiyon ng data. Narito ang ilan sa mga hakbang nila para matiyak ang seguridad ng kanilang platform:
1. Encryption: Gumagamit ng SSL/TLS encryption ang Monday.com para protektahan ang lahat ng ipinapadalang data sa pagitan ng mga browser ng mga user at ng kanilang mga server.
2. Kontrol sa pag-access: Gumagamit ang Monday.com ng mga kontrol sa pag-access para matiyak na ang mga awtorisadong user lang ang may access sa data sa platform.
3. Two-factor na authentication: May two-factor na authentication ang Monday.com bilang opsiyon ng mga user para magdagdag ng layer ng seguridad sa kanilang mga account.
4. Mga backup ng data: Nagsasagawa ang Monday.com ng mga regular na pag-backup ng data ng user para maiwasang mawala o ma-corrupt ang data.
5. Mga sertipiko sa pagtupad: Tumutupad ang Monday.com sa ilang pamantayan at regulasyon sa industriya, kabilang ang GDPR, SOC 2, at ISO 27001.
6. Pagsusuri sa seguridad: Regular na sinusuri ng Monday.com ang seguridad at mga kahinaan nito para matukoy at matugunan ang mga potensiyal na panganib sa seguridad.
Sa pamamagitan ng pagsunod sa mga pamantayan ng industriya at best practice, layunin ng Monday.com na bigyan ng ligtas na platform ang mga user nito.
MAGKANO ITO?
May ilang plan sa pagpepresyo ang Monday.com para sa tool sa project management nito. Narito ang overview ng kanilang pagpepresyo:
Indibidwal: Libre ang Indibidwal na plan ng Monday.com na may hanggang 2 user, 500 MB na storage, at access sa ilang board at template. Hindi kasama sa libreng bersiyon ang ilang feature, tulad ng mga automation at integration.
Basic: Nagsisimula ang Basic na plan sa P450 bawat user kada buwan (kapag taunan ang billing) at kabilang dito ang access sa kahit ilang board, 200+ na template, at iOS at Android app.
Standard: Nagsisimula ang Standard na plan sa P550 bawat user kada buwan (kapag taunan ang billing) at kabilang dito ang Timeline at Gantt view, Calendar view, at mga integration sa mga kilalang app tulad ng Google Drive at Dropbox. Kasama rin sa Standard na plan ang mga automation at mga karaniwang feature ng analytics.
Pro: Nagsisimula ang Pro plan sa P890 bawat user kada buwan (kapag taunan ang billing) at kabilang dito ang lahat ng feature ng Standard na plan, pati na rin ang dagdag na mga feature tulad ng pag-track ng oras, advanced na analytics, at mga custom na field.
Enterprise: Ginawa ang Enterprise na plan ng Monday.com para sa mas malalaking organisasyon at nakabatay ang presyo nito sa mga partikular na pangangailangan ng organisasyon. Kabilang dito ang lahat ng feature ng Pro plan, pati na rin ang dagdag na mga feature sa seguridad at pag-customize, tulad ng single sign-on (SSO), audit log, at custom na pahintulot ng user.
Mahalagang tandaan na may 14 na araw na libreng trial din ang Monday.com sa lahat ng kanilang bayad na plan, kaya puwede mong subukan ang mga feature at kakayahan ng mga tool bago kumuha ng plan.
MAY LIBRENG BERSIYON BA?
Oo, may libreng bersiyon ng tool sa project management ang Monday.com. Sa libreng bersiyong ito, na tinatawag na "Indibidwal," puwedeng ma-manage ng mga team ang mga gawain at makipag-collaborate sa mga proyekto nang may hanggang 2 user at nagbibigay ito ng access sa ilang board at template. Hindi magagamit sa libreng bersiyon ang ilang feature, tulad ng automation at integration.
Pero maganda pa ring opsiyon ang Indibidwal na plan para sa maliliit na team o indibidwal na nangangailangan ng simpleng tool sa project management para i-manage ang kanilang mga gawain at proyekto. Kung kailangan mo ng mas advanced na feature, integration, o gusto mong magdagdag ng mas maraming user, puwede kang mag-upgrade sa bayad na plan. May ilang bayad na plan ang Monday.com, kabilang ang "Basic", "Standard," "Pro," at "Enterprise," na may iba't ibang level ng mga feature at kakayahan.
CUSTOMER SUPPORT
May customer support ang Monday.com na makokontak sa pamamagitan ng email, telepono, chat, at komprehensibong help center. Nagbibigay ang help center ng maraming resources, tulad ng mga artikulo, tutorial, at video, para tulungan ang mga user sa paglutas ng mga problema at pag-unawa sa mga feature ng software.
Kung kailangan mo ng tulong, puwede mong kontakin ang support team ng Monday.com sa email o telepono. May 24/7 na suporta sa email ang kompanya, at asahan mong tutugon sila sa loob ng 24 na oras. Puwede ka rin namang humiling ng callback, at tatawagan ka agad ng isa nilang kinatawan.
Para sa mas agarang isyu, may suporta sa live chat ang kompanya sa website nito. Magagamit ang feature na live chat sa mga oras ng negosyo, at asahan mo ang mabilis nilang pagtugon.
Sa pangkalahatan, kilala ang Monday.com sa mahusay nitong customer service na may layuning magbigay ng maagap at epektibong suporta sa mga user nito.
BOTTOMLINE
Ang Monday.com ay mahusay na platform sa project management, na may magandang user interface, maraming pagpipiliang tool, at maraming third-party na integration. Medyo mahina ang libreng plan at Basic na tier, pero angat ang mga feature ng Standard at Pro na mga plan. Bukod dito, magaling ang customer support, madaling mahanap at maunawaan ang resources sa pagsasanay, at angat ang seguridad at pagkapribado. Kung kailangan mo ng software sa project management na magagamit mo agad, para sa iyo ang Monday.com. Iminumungkahi naming subukan mo ito gamit ang kanilang 14 na araw na libreng trial (hindi kailangan ang credit card) para malaman mo kung para ba talaga ito sa iyo.Subukan ang Monday.com - Maging Mas Produktibo!