Ang mga eCommerce website builder ay mga tool at platform na magagamit mo sa paggawa ng sariling site ng online store. User-friendly at intuitive, hindi kailangan dito ang anumang kaalaman sa programming o mga kasanayan sa coding – masusulit mo ang mga ito kahit na baguhan ka.
Meron silang drag-and-drop na functionality na puwede mong i-customize ang halos lahat ng aspekto ng site mo nang walang masyadong abala. Madali at mabilis mong magagawa ang gusto mong layout, magagamit mo ang daan-daang libreng themes, at i-embed ang anumang feature na gusto mo sa iyong website ng eCommerce.
Siyempre, meron silang mga built-in na kakayahan sa eCommerce na puwede kang tumanggap ng mga online na order at magproseso ng mga pagbabayad nang madali.
Sa pangkalahatan, mas bagay sa mga baguhan ang mga web-based na eCommerce website builder, kaya mas madaling makasanayan ang mga ito. Kailangan mo lang ng koneksiyon sa internet, at puwede kang mag-sign in sa gusto mong platform at simulan ang paggawa ng iyong online store.
Ang mga offline na eCommerce website builder ay nangangailangan ng mas teknikal na kasanayan. Ida-download mo ang software sa computer mo at gagawin mo nang direkta sa program ang site mo – hindi mo kailangan ng koneksiyon sa internet, at puwede mong i-launch ang site mo kapag handa ka na.
Gamit ang mga eCommerce website builder, makakabuo ka ng malakas na presensiya online na umaakit ng mga kostumer. Magagamit mo ang mga tool na ito para gawing eCommerce store ang kasalukuyan mong site o gumawa ng bagong online store.
Sa eCommerce site builder, makakagawa ka ng komprehensibong site na naglalaman ng lahat ng kailangan mo at ng mga online na kostumer mo – detalyadong page ng produkto, walang aberyang karanasan sa pagbili, maayos na mga online na transaksiyon, at iba pa.
Sa mapagkakatiwalaang builder, mao-optimize mo ang iyong site para sa mga search engine, mapapabilis ang pag-load ng page mo, makakaakit ka ng mas maraming traffic sa website, at makakabuo ng higit pang mga lead. Kung gusto mong maungusan ang mga kakompitensiya, kailangan mo ng maganda at gumaganang website ng eCommerce na humuhuli sa interes ng audience mo. Maliban kung web developer ka, posible lang ito gamit ang eCommerce website builder.
Maraming benepisyo sa paggamit ng mga eCommerce website builder, dahil isa itong magandang solusyon para sa maliliit at katamtamang laking negosyo sa iba't ibang mga industriya at niche. Retailer ka man, blogger, artista, tagagawa ng hand-made na aksesorya, o anuman, makikinabang ka sa paggamit ng mga builder na ito.
Makakagawa ka ng buong online store sa loob lang ng ilang oras, kahit na wala kang karanasan sa paggawa nito. Madaling makasanayan ito dahil sa simple nilang drag-and-drop na functionality, kaya maisasama mo ang anumang feature kung kailangan nang walang aberya. At kung kulang sa feature ang builder, puwede kang gumamit ng ilang plugin para mapaganda ang site mo.
Bukod dito, makakatipid ka ng libo-libong dolyar. Madalas na abot-kaya ang presyo ng mga eCommerce website builder kaya hindi masisira ang badyet mo, at marami ka ring magagamit na mga libreng solusyon.
Kapag pumipili ng gagamiting eCommerce website builder, kakailanganin mong magtuon sa sumusunod na mga feature:
Tutulungan ka ng mga feature na ito na pasimplehin ang mga proseso, mas pasayahin pa ang mga kostumer, at palaguin ang iyong online store.