KULANG SA ORAS? ITO ANG BUOD

Ang Shopify ay may intuitive na interface, ilang features sa pagbuo ng online store, malakasang mga hakbang sa seguridad, maaasahang performance, at versatile na customer support. Ang presyuhan nito ay para sa lahat ng negosyo gaano man kalaki, at meron itong higher-tier na mga plan para sa mas advanced na function. Kung naghahanap ka ng madaling gamitin, pero malakasang solusyon sa e-commerce na may maaasahang customer service, subok nang magandang pagpipilian ang Shopify.
👍 KAPAKINABANGAN:
  • Hindi kailangan ang kasanayan sa coding
  • Napakadaling gamitin ng mga user na di-techie
  • Drag-and-drop na mga tool
  • Malakasang features ng eCommerce
  • Suporta sa mga payment processor
  • Para sa iba’t ibang negosyong e-commerce, kabilang ang mga produktong digital
  • Scalability para sa paglago ng negosyo
  • Hanggang 88% diskuwento sa shipping
  • Ganap na hosted
  • Feature sa pag-recover ng abandonadong cart
  • Mga temang mobile-responsive
  • Mahigit 8000 app integration
  • 25% diskuwento sa mga taunang plan
  • Pambihirang bilis ng website at SEO
  • 24/7 email at live chat support
👎 KAHINAAN:
  • Walang email hosting
  • Walang libreng bersiyon
  • Karaniwang functionality sa pagba-blog

Get Ionos - Optimize your website for maximum success!


ALAMIN KUNG ANO ANG SINASABI NG MGA USER

Seamless na integrasyon, patas na analytics at mga report.

"Ilang buwan na akong gumagamit ng Shopify para sa online store ko, at talagang nasisiyahan ako sa serbisyo. User-friendly at napakadaling i-navigate ng platform, kaya perpekto ito sa mga baguhang tulad ko. Napakaraming opsiyon sa pag-customize, at pambihira ang customer support.

Isa sa mga bagay na pinakagusto ko sa Shopify ang suwabeng integrasyon sa iba pang mga app at platform. Madali kong naikonekta ang store ko sa social media, email marketing, at sa iba't ibang mga opsiyon sa pagbabayad. Nakatulong ito na mai-streamline ko ang mga operasyon ko sa negosyo at pataasin ang mga benta ko.

Isa pang magandang feature ng Shopify ang analytics at mga report. Madali kong nasusubaybayan ang mga benta ko, behavior ng mga kostumer, at trapiko sa website, na nagbibigay sa akin ng mahahalagang insight sa pagpapabuti ng store ko.

Sa pangkalahatan, inirerekomenda ko talaga ang Shopify sa sinumang magbubukas ng online store. Ito ay maaasahan, episyente, at maraming mga feature na matutulungan kang magtagumpay. Binibigyan ko ito ng 5-star na rating at patuloy ko itong gagamitin sa negosyo ko.”


Dalawang Sites sa Ngayon, Ang Galing Talaga!

"May ginawa akong dalawang website gamit ang Shopify. Gusto ko ang mga seleksiyon ng mga tema at kung gaano ito ka-user friendly. Wordpress ang gamit namin dati at lagi kong kailangang lumapit sa isang developer para sa mga update. Dito, nakakagawa ako ng maraming pagbabago sa site nang ako lang, at importante ito sa akin! Gusto ko rin na hindi ko kailangang magkaroon ng hiwalay na platform ng pagho-host para sa site ko, all in one na ito.”

Perpekto para sa mga start-up!

"Napakaganda ng karanasan ko sa Shopify. Isang buwan ko na itong ginagamit - ang panahon ng start-up para sa akin, at natulungan ako ng customer service sa bawat tanong ko. Ipapaliwanag nila ang lahat ng dapat mong malaman at napakabait nila.

Madaling makasanayan ang platform ng shopify dahil napakagannda at simple ng mga function. Pagdating sa disenyo, walang gaanong pagpipilian - PERO simple at maganda ang mga disenyong mapipili mo.”



ANO ANG SHOPIFY?

Nagsisilbi ang Shopify bilang SaaS (software-as-a-service) na solusyon sa eCommerce, na nag-aalok ng all-inclusive na mga tool sa pagbuo ng website. Sa halip na mag-manage ng mga pagho-host at teknikal na mga aspekto, puntahan mo lang ang pangunahing website, gumawa ng account, at boogsh! Walang aberya at napakasimple ng paggawa ng iyong Shopify store.


ANO ANG MGA PANGUNAHING FEATURE NG SHOPIFY?

Ang Shopify ay may komprehensibong koleksiyon ng mga tool at serbisyo para suportahan ang bawat yugto ng pakikipagsapalaran mo sa eCommerce:

1. Pagbuo at Pag-customize ng Store - May nako-customize na mga template at user-friendly na interface ang Shopify para magawa at ma-personalize mo ang online store mo ayon sa estetika at pangangailangan ng brand mo. Salamat sa drag-and-drop na editor nito, napapadali ng platform ang pag-customize kahit wala kang malawak na kasanayang teknikal.

2. Pamamahala ng Produkto - Madaling magdagdag, magkategorya, at mag-manage ng mga produkto at mga variant nito (tulad ng iba't ibang laki, kulay) gamit ang simpleng dashboard. Sa Shopify, nasusubaybayan ang imbentaryo at nama-manage ang availability ng produkto sa iba't ibang channel ng pagbebenta.

3. Pagproseso ng Pagbabayad - Naka-integrate ang Shopify sa iba't ibang gateway ng pagbabayad, kaya nakakatanggap ang mga negosyo ng mga bayad sa pamamagitan ng mga credit card, digital wallet, at iba pang paraan ng pagbabayad. Ang Shopify Payments na built-in na processor ng pagbabayad ng platform ay nagbibigay ng ligtas at walang aberyang karanasan sa transaksiyon ng mga kostumer.

4. Pamamahala ng Order at Kostumer - Ini-streamline ng platform ang pagproseso, pag-track, at pagkompleto ng order. Dahil dito, episyenteng nakikita, nama-manage, at nakokompleto ng mga negosyante ang mga order. Madaling nakukuha ang impormasyon ng kostumer at mga detalye ng order para sa mga layunin ng komunikasyon at pag-manage.

5. Marketing at mga SEO Tool - May mga tool at feature ang Shopify na tumutulong para mapahusay ang marketing, tulad ng SEO, integrasyon sa social media, marketing sa email, mga diskuwento, at mga promo. Makakagawa at makakapag-manage ka ng mga campaign sa marketing para maakit at mapanatili ang mga kostumer.

6. Analytics at mga Report - Nagbibigay ang Shopify ng mga insight sa performance ng store sa pamamagitan ng analytics at mga tool sa reporting. Mata-track mo ang mga trend sa pagbebenta, behavior ng kostumer, pinagmumulan ng trapiko, at iba pang sukatan para sa matalinong mga desisyon sa negosyo.

7. Mobile Optimization - Tinitiyak ng Shopify na mobile-responsive ang mga online store, para manatiling maganda ang karanasan sa pamimili ng mga kostumer na pumapasok sa store sa pamamagitan ng mga mobile device.

8. Integrasyon ng App - Nagbibigay ang platform ng akses sa napakalawak na library ng mga third-party na app at plugin sa pamamagitan ng Shopify App Store. Pinapalawak ng mga app na ito ang functionality ng store, na nagbibigay ng dagdag na mga feature at integrasyon na iniayon sa partikular na pangangailangan ng negosyo.

9. Checkout - Sa Shopify, may mga opsiyon sa pag-customize ng checkout para sa mga online na negosyo. Habang inaayos ang mga pangunahing function ng cart, puwedeng i-personalize ang hitsura ng checkout cart mo sa pamamagitan ng pagdaragdag ng logo, mga kulay ng brand, at mga font gamit ang editor ng Checkout sa dashboard. Bukod dito, may 27 checkout apps ang Shopify App Store para sa dagdag na mga functionality tulad ng upselling, mga loyalty program, at insurance sa pagpapadala kaya mas maayos ang proseso mo ng pag-checkout.

10. Integrasyon ng Point of Sale (POS) - May komprehensibong functionality ang Point of Sale (POS) system ng Shopify para sa episyenteng pag-manage ng staff, tumpak na pag-track sa imbentaryo, at dagdag na mga tool sa pag-streamline ng mga proseso ng personal na pagbebenta.

11. Pamamahala ng Imbentaryo - Sa Shopify, puwede kang maglaan ng imbentaryo sa hanggang 1,000 lokasyon, kabilang ang mga retail store, warehouse, at pop-up shop. I-manage at baguhin ang mga antas ng imbentaryo, pati ang mga bilang para sa iba't ibang variant ng produkto tulad ng kulay at sukat, sa bahaging Imbentaryo sa dashboard ng Shopify na store.

12. Pamamahala at Pagkompleto ng Order - Sa isang dashboard, mamomonitor at malalagyan mo ng label ang mga order mula sa ilang channel ng pagbebenta, maaayos ang mga detalye ng order, at maitatakda ang mga tuntunin sa pagkompleto. Sa Shopify, may mga detalye ng kontak ng kostumer ang bawat order, kaya madali ang komunikasyon para sa mga tanong o mga notipikasyon sa pagpapadala.

Sa mga piniling hindi asikasuhin ang sariling mga order, ang Fulfillment Network ng Shopify ang bahala sa storage, pagpapadala, at pagbabalik. May badge na Shop Promise ang mga site na gumagamit ng serbisyong ito, na garantiya ang paghahatid sa loob ng limang araw.

Puwede mo ring piliin ang mga third-party na solusyon sa pagkompleto ng order na meron sa Shopify App Store, kabilang ang mga sikat na app tulad ng ShipHero Fulfillment, ShipMonk, ShipBob Fulfillment, at Amazon Multi-Channel Fulfillment.

13. Dropshipping - Sa Shopify, madali lang ang paglulunsad ng dropshipping na negosyo. May mahahalagang tool sa platform at maayos ang integrasyon sa ilang nangungunang third-party na dropshipping provider tulad ng Sprocket, Zendrop, CJdropshipping, Dropshipman, Printful, DropCommerce, at FashionGo Dropshipping.

14. Pagpapadala - Maraming opsiyon ang Shopify sa pagpapadala:

Mga Custom na Rate sa Pagpapadala: Gumawa ng mga personalisadong panuntunan sa mga rate batay sa mga pirming presyo, halaga ng order, timbang, at lokasyon.

Libreng Pagpapadala: Mag-alok ng libreng padala sa mga kostumer sa lahat ng order kung gusto nila.

Lokal na Paghahatid: Magtakda ng mga customized na rate para sa mga lokal na serbisyo sa paghahatid.

Lokal na Pickup: Mag-alok ng click-and-collect na serbisyo para sa mga lokal na kostumer.

Integrasyon sa Pagpapadala: Ikonekta nang walang hirap ang store mo sa mga provider tulad ng FedEx o UPS.

Integrasyon sa Fulfillment: I-link ang store mo sa mga serbisyo sa fulfillment tulad ng Shopify Fulfillment Network, Amazon, Rakuten Super Logistics, at Shipwire.


ANO-ANONG MGA PRODUKTO AT SERBISYO ANG PUWEDE MONG IALOK SA SHOPIFY?

Versatile ang platform ng Shopify kaya puwede rito ang malawak na hanay ng mga produkto at serbisyo. Sa isang plan ng Shopify, kakayanin mong magbenta ng iba't ibang item, tulad ng:

  • Mga pisikal na produkto

  • Mga digital na download, kabilang ang mga e-book, audio file, at non-fungible token (NFTs)

  • Mga serbisyong mina-manage sa pamamagitan ng mga online na booking

  • Mga gift card

  • Mga membership

  • Mga buhay na halaman at bulaklak

  • Mga online na kurso at pagsasanay

  • Mga tiket para sa mga pagtitipon, atraksiyon, at pamamasyal


  • Puwede rin sa Shopify ang pagtanggap ng mga donasyon o pag-host ng mga fundraiser.

    Pero may ilang produktong bawal ibenta sa Shopify. Kabilang dito ang mga resetang gamot, buhay na hayop, pasabog, sigarilyo, produktong seksuwal, warranty, at mga plan ng serbisyo. Bagaman puwedeng magbenta sa Shopify ng mga CBD na hemp-derived, bawal ipadala ang mga produktong ito sa labas ng U.S.


    GAANO ITO KALIGTAS?

    Pinakamahalaga ang seguridad, at inuuna ito ng Shopify sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga malakasang hakbang. Sumusunod ang platform sa mga pamantayan ng industriya, gumagamit ng SSL encryption para pangalagaan ang sensitibong data, sumusunod sa PCI DSS para sa mga ligtas na pagbabayad, at tinitiyak ang regular na pag-update ng seguridad at pagmonitor. Sa ligtas na imprastraktura ng pagho-host ng Shopify, panatag ang loob mo sa kaligtasan ng store mo at ng impormasyon ng kostumer.


    MABILIS AT MAAASAHAN BA ITO?

    Ginawa ang imprastraktura ng Shopify para maghatid ng optimal na bilis at reliability. Gamit ang global na content delivery network (CDN) at maaasahang pag-host, tinitiyak ng platform ang mabilis na pag-load at mataas na rate ng uptime, kaya naiiwasan ang mga antala at napapaganda ang karanasan sa pamimili ng mga kostumer mo.


    DALI NG PAGGAMIT

    Isa sa mga natatanging feature ng Shopify ang user-friendly na interface nito. Anuman ang teknikal mong kasanayan, mana-navigate at magagamit mo ang mga feature nito nang walang kahirap-hirap. Mula sa pag-set up ng store hanggang sa pag-manage ng mga produkto at pagproseso ng mga order, pinasimple ng Shopify ang mga komplikadong gawain, kaya maayos at streamlined ang karanasan ng mga user.


    PRESYUHAN

    Iba-iba ang presyuhan ng mga plan ng Shopify, simula P280 kada buwan para sa Starter plan at hanggang mahigit P110,500 kada buwan para sa Shopify Plus package. Tumutugon ang mga plan na ito sa iba't ibang laki at pangangailangan ng negosyo.

  • Basic Shopify Plan (P2160/buwan): Partikular para sa maliliit na negosyo, ang basic plan ay angkop sa bagong website na wala pang maraming bisita.

  • Narito ang ilan sa mga feature na kasama sa planong ito.

    + Custom na online store
    + Di-limitadong pag-login sa POS
    + Di-limitadong mga produkto
    + 2 account ng staff
    + 24/7 na suporta
    + Mga channel sa pagbebenta
    + Mga hydrogen storefront
    + Hanggang 1,000 lokasyon ng imbentaryo
    + Mano-manong paggawa ng order
    + Mga code ng diskuwento
    + Libreng SSL na sertipiko
    + Pag-recover ng inabandonang cart
    + Mga gift card
    + Mga pangunahing ulat
    + Pag-segment ng kostumer
    + Mga automation sa marketing
    + Mag-import ng mga order sa marketplace
    + Kumonekta at maglista ng mga produkto
    + Hanggang 77% diskuwento sa padala
    + Mga label sa pagpapadala
    + Analisis ng panloloko
    + Pagsasalin ng wika
    + Conversion ng pera
    + Mga rate ng online na credit card: 2.9% + P17

  • Shopify Plan (P5800/buwan): Tamang-tama para sa mga lumalagong negosyo. Kasama rito ang lahat ng nasa Starter plan, pati na rin ang sumusunod:

  • + 5 account ng staff
    + Mga istandard na ulat
    + Hanggang 88% diskuwento sa padala
    + Mga rate ng online na credit card: 2.6% + P17

  • Advanced na Shopify Plan (P22,100/buwan): May mas mataas na functionality para sa mga katamtaman at malalaking negosyo.

  • + 15 account ng staff
    + Mga advanced na ulat
    + Mga rate ng online na credit card: 2.4% + P17

    May tatlong araw na libreng trial ang lahat ng plan ng Shopify, at para sa mga store na gumagamit ng Shopify Payments, walang mga bayarin sa transaksiyon. Pero kung gagamit ng third-party na provider ng pagbabayad, may mga karagdagang bayarin na 2%, 1%, o 0.5% sa Basic Shopify, Shopify, at Advanced Shopify na mga plan, ayon sa pagkakasunod-sunod.

    Meron din ang sumusunod na mga suplementaryong plan:

  • Shopify Starter (P280/buwan): Kinakatawan ng Starter plan ang pinakasimpleng bersiyon ng Shopify. Sa presyong P280 kada buwan, mabilis ka nang makakabuo ng ng Starter store gamit ang kilalang checkout system ng Shopify.

  • Retail Plan (P4900/buwan): Ang Shopify Retail plan ay partikular na tumutugon sa mga retail na negosyo na nagnanais ng dalawang presensiya—parehong in-store at online. Saklaw ng plan na ito ang lahat ng functionality na meron sa Shopify Starter plan habang isinasama ang maraming feature mula sa Shopify POS app.

  • Shopify Plus (P110,500+/buwan): Isang komprehensibong solusyon na iniayon para sa enterprise-level na mga negosyante sa Shopify.


  • CUSTOMER SUPPORT

    Ipinagmamalaki ng Shopify ang komprehensibong customer support nito. Magagamit mo ang 24/7 na live chat, suporta sa email at telepono, at ang malawak na knowledge base para sa agarang tulong. Mahalagang resources din ang mga aktibong forum ng komunidad at grupo ng users ng Shopify para sa pag-troubleshoot at pagbabahagi ng mga best practice.


    ANG HATOL

    Lumalabas na pambihirang platform ng e-commerce ang Shopify na tumutugon sa iba't ibang pangangailangan mo para mabuo at mapalawak ang presensiya mo online. Dahil sa user-friendly na interface nito, subok na mga hakbang sa seguridad, mahusay na perfromance, at komprehensibong opsiyon sa suporta, masasabing ito ang nangungunang pagpipilian mo bilang negosyante o may-ari ng negosyo. Bagama't konsiderasyon ang presyo, sulit ang pamumuhunan dahil sa dami ng mga feature at sa scalability ng Shopify, na nagbibigay ng kalamangan sa iyo sa digital na marketplace. Para sa versatile, ligtas, at madaling gamitin na solusyon sa e-commerce na may maaasahang customer service, mairerekomenda talaga ang Shopify para sa paglago ng iyong negosyo.

    Get Ionos - Optimize your website for maximum success!