Ang Pinakamahusay na VPN sa 2025 (Compatible sa PC, Mac, at Mobile Phone)
Dave Garcia | Na-update noong 6/21/23Consultant sa Privacy at Teknolohiya Nagmamadali? Ito ang aming nangungunang VPN para sa 2025:
Protektahan ang pagkapribado at seguridad mo online gamit ang mga nangungunang na VPN na ito.
Tinitiktikan tayo ng Big Tech. Nakakatakot, pero napagtanto lang natin ito nang unti-unti nating mapansin ang pagsulpot ng mga ad sa internet. Ang totoo, noon pa nangyayari ito. Matagal nang ginagamit ng Google ang Gmail para tiktikan ang history ng mga binibili natin sa internet, ibinabahagi ng Facebook ang data ng user sa mga tech na kompanya tulad ng Lazada, at ibinebenta maging ng Internet Service Provider natin ang ating data sa pinakamataas na bidder.
Sa kasamaang palad, higit pang lalala ito sa paglaganap ng smart tech kasama ng artificial intelligence. Halimbawa, alam na alam ng Amazon Echo at ng Alexa voice assistant kung ano ang hinahanap at pinakikinggan mo, saan ka susunod na magbabakasyon, at ano ang flight mo. Nakakatakot, hindi ba? May mga insidente pa nga na nagkakaroon ng “sariling isip” ang mga voice assistant na ito at ibinabahagi ang mga mensahe at impormasyon sa ibang mga user!
Hindi lang iyan ang banta. Malubhang cybercrime ang dala ng hindi ligtas na browsing: pagnanakaw ng pagkakakilanlan, mga phishing scam, at mga umaaligid na hacker na gustong nakawin ang data mo, i-hijack ang mga device mo, at ubusin ang laman ng mga bank account mo. Ito ang dahilan kung bakit napakahalagang magkaroon ng ligtas at matalinong pagba-browse sa web, kaya gawin ang sumusunod:
- Huwag gumamit ng mga password na nagamit na.
- Huwag i-click ang mga URL na walang icon ng padlock o “https:“
- Huwag gumamit ng hindi ligtas na pampublikong WiFi.
- Huwag paganahin ang autocomplete para sa mga form o para sa pag-alala ng detalye ng password mo.
- Panatilihing updated ang browser mo at anumang mga plug-in.
- Paganahin ang “do not track“ sa browser mo.
- Paganahin ang popup blocker ng browser mo.
- Tingnan mo paminsan-minsan ang mga bank statement mo.
- I-clear ang cache at cookies ng web browser mo.
- Basahin ang mga patakaran sa pagkapribado.
- Iwasang mag-post ng personal na impormasyon online.
- Protektahan ang device mo gamit ang antivirus at firewall.
- Iwasang i-click ang mga link sa email, ad, at offer.
Ang daming dapat tandaan, ano? Huwag mag-alala! Ito ang dahilan kung bakit kailangan mo ng VPN. Ginawa para tiyakin ang online na pagkapribado at anonymity, tutulungan ka ng VPN na kumonekta sa internet sa pamamagitan ng naka-encrypt na tunnel na ginugulo ang ayos ng data mo para hindi ito mabasa. Kung nanakaw ng mga cyber thief ang data mo sa anumang dahilan, hindi nila maiintindihan ang ninakaw nila. Pinoprotektahan ka ng mahusay na VPN laban sa online snooping at iba pang interference.
Overview ng pinakamahusay na mga VPN para sa 2025:
Ano ba ang ginagawa ng VPN? Bakit ako bibili nito?
- Itago ang iyong online na pagkakakilanlan sa pamamagitan ng pagbabago/pagtatago ng IP address mo. Ine-encrypt at nire-reroute ng VPN ang traffic mo sa internet mula sa aktuwal na IP address mo tungo sa IP address ng VPN server na pinili mong konektahan. Tumutulong itong protektahan ang impormasyong naglalantad ng personal na pagkakakilanlan, tulad ng mga detalye ng bank account at credit card mo, numero ng lisensiya sa pagmamaneho, at SSS o GSIS. Pero tandaan din na nagtatabi, nagla-log, o nagta-track ng impormasyon ng IP ang ilang VPN. Huwag mag-alala, may mahigpit na no-log na patakaran ang lahat ng VPN sa listahan namin.
- Makatipid habang bumibili online. Narinig mo na ba ang konsepto ng price discrimination? Ito ang nakagawiang pagsingil sa mga konsumer ng iba-ibang presyo para sa parehong item. Halimbawa, mas mataas ang presyo ng produkto o serbisyo sa website ng paborito mong online shopping site para sa mas mayayamang bansa, at mas mababa ang presyo nito sa mga website ng maituturing na mahihirap na bansa. Gumamit ng VPN para makinabang sa pamamagitan ng pagpapanggap na bumibili ka mula sa mas murang bansa.
- Iwasan ang pag-throttle ng bandwidth. Gusto mo bang maglaro ng Call of Duty, pero patuloy kang nakakatanggap ng "nadiskonekta ang server" na error? Namumuti na ba ang buhok mo sa pag-download ng isang file? Baka tino-throttle ng Internet Service Provider (ISP) mo ang koneksiyon mo sa internet. Ginagawa umano ito ng mga ISP para pigilan ang labis na paggamit at maiwasan ang mga overloaded na server, pero sa tingin ko ay pakana lang ito para maengganyo ang mga subscriber na bumili ng mga data package. Sa pamamagitan ng pag-encrypt ng data mo gamit ang VPN, mapipigilan mo ang ISP mo na limitahan ang iyong bandwidth o putulin ang koneksiyon.
- Kumonekta sa home o business network habang nasa labas ka. Kung nagtatrabaho ka mula sa bahay at kailangan mong kumonekta sa work network mo para ma-access ang mga file nang malayuan, kakailanganin mo ng VPN. Mag-setup ka ng VPN at magsisilbi itong mobile gateway sa home o business LAN mo, at sa pamamagitan nito ay makakapagtrabaho ka kahit saan hangga't may koneksiyon sa internet.
Astig, ‘di ba? Ngayong alam mo na kung paano ka makikinabang sa VPN, tingnan pa natin nang mas mabuti ang mga nangungunang serbisyo ng VPN sa 2025:
1. Private Internet Access — Pinakamahusay para sa Ganap na Anonymity Online

Hindi sila nagtatabi ng anumang uri ng mga log, at puwedeng i-verify ito gamit ang mga rekord ng pampublikong hukuman. Malinaw ding nakasaad sa kanilang patakaran sa pagkapribado na hindi sila nagbabahagi, nagbebenta, nagpapaupa, o nangangalakal ng personal na data ng user sa mga third party. Ang PIA rin ay isa sa iilang ganap na open-source na VPN, kaya puwede itong i-verify ng publiko. Ang dedikasyong ito sa transparency at pagkapribado ang dahilan kung bakit namumukod-tangi ang Private Internet Access sa larangan nito.
Pagdating sa seguridad, pangmalakasan din ang PIA na may military-grade na teknolohiya sa pang-encrypt at mga protocol na pasado sa mga pamantayan sa industriya, kabilang ang OpenVPN, PPTP, IPSec, L2TP, at SOCKS5 (Proxy). Meron ding proteksiyon sa pag-leak ng DNS at IP, ad blocker, at ang napakahalagang kill switch. Makukuha mo rin ang Identity Guard system nang libre! Ang bonus na add-on na ito ay nagpapadala ng alerto kung makikita ang email address mo sa isang network breach. Ang pinakamagandang bonus? Puwede mong piliin ang antas ng pag-encrypt at i-customize ang mga in-app na feature ng seguridad ng PIA depende sa personal mong pangangailangan at kagustuhan!
Sa panahon ng testing, hindi naman talaga naging isyu ang bilis, at nakapag-browse at nakapag-enjoy kami ng ilang round ng Battle Royale nang walang anumang aberya. Puwede sa Private Internet Access ang sabay-sabay na koneksiyon ng hanggang 10 device, higit pa sa doble ng karaniwang pinapayagan ng ibang mga VPN! Sa kabuuan, lumalabas na isa sa mga pinakamahusay na all-rounder sa listahan namin ang PIA.
Bottom Line:Halos wala kaming maipintas sa VPN na ito. Ito ay siksik sa mga advanced na feature ng seguridad, may simpleng interface, at puwede ang magkakasabay na koneksiyon para sa hanggang 10 device. Gumagana ito sa halos lahat ng device, na may mahusay na performance sa presyong abot-kaya. Naka-sale ngayon ang PIA. May 78% diskuwento kapag bumili ka gamit ang link namin.
Bilhin ang Private Internet Access - Protektahan ang Iyong Pagkapribado!
2. Cyberghost VPN — Pinakamahusay na Pangkalahatang Serbisyo ng VPN

Ang nangungunang VPN na ito ay may tumataginting na 7,000 servers sa mahigit 90 bansa sa buong mundo, partikular sa U.S., U.K., European Union, at Asia. Suportado nito ang mga sabay-sabay na koneksiyon para sa hanggang pitong device at gumagana sa halos lahat ng platform: Windows, macOS, Android, iOS, Linux, Fire Sticks, at iba pa.
Kalakasan ng Cyberghost ang bilis at walang limitasyong traffic at bandwidth, kaya walang problema sa gaming at video conferencing at iba pang aktibidad online. Hindi rin sila nagkukulang pagdating sa seguridad dahil sa mahigpit na "zero logs" na patakaran, AES 256-bit encryption, proteksiyon sa DNS at IP leak, at awtomatikong kill switch. Puwede na rin ngayong samantalahin ng mga subscriber ng Cyberghost ang bagong WireGuard® protocol, na itinuturing na mas mabilis at hindi gaanong resource-intensive kaysa iba pang mga protocol ng VPN.
Bottom Line:Napakalakas ng mga inaalok ng CyberGhost - malawak na network ng server, split tunneling at app protection, ad, tracking, at malware blocker, at walang limitasyong bandwidth. Angat na angat ang mga hakbang sa seguridad, at pambihira din ang mga opsiyonal na extra. May libreng lihim na photo vault at mga NoSpy na server at mga add-on na may bayad tulad ng mga dedicated IP at password manager. Sa kabuuan, magandang desisyon ang Cyberghost para sa mga gamer, remote worker, at iba pang mga user.
Bilhin ang Cyberghost VPN - Protektahan ang Iyong Pagkapribado!
Paano namin binuo ang listahan namin ng nangungunang VPNs sa 2025?
Hindi alam ng maraming baguhan kung ano ang hahanapin sa isang VPN, kaya marami sa kanila ang nalilito kapag bibili na. Napakaraming pagpipiliang VPN vendors, kaya paano ba mahahanap ang tumutugma sa mga pangangailangan mo? Mabuti na lang at sinubukan ng mga eksperto namin ang dose-dosenang serbisyong VPN para sa iyo. Bago namin isama ang isang brand sa listahan namin, dapat meron ito ng sumusunod na mga katangian/kakayahan:
- Mga server na sapat ang bilis para sa mga gawaing malakas kumain ng bandwidth, tulad ng video conferencing at online gaming.
- Tinitiyak ang anonymity mo kapag nagsu-surf sa internet.
- Puwede ang sabay-sabay na mga koneksiyon sa iba't ibang platform at operating system.
- Intuitive at simpleng interface na para din sa mga baguhan.
- Ligtas na koneksiyon sa mga local hotspot at pampublikong WiFi nasaan ka man.
Mga Kilalang Brand na Hindi Namin Inirerekomenda:
- McAfee VPN: Napakasikat ng McAfee, kaya baka nagugulat kang wala ito sa listahan namin. Pero hindi namin mapapalampas ang mapanghimasok nitong mga patakaran sa pag-log. Hindi rin namin gusto na nakabase ito sa US, na miyembro ng Five, Nine, 14 Eyes na intelligence sharing na mga alyansa. Kaya naman hindi namin ito lubos na mapagkakatiwalaan.
- Avast Secureline: Simple lang ang dahilan kung bakit wala ito sa listahan namin. Unang-una, nahuli itong nangongolekta ng data ng user noong 2019 sa pamamagitan ng subsidiary nitong Jumpshot. Hindi rin nakakatulong na kaduda-duda ang kanilang Patakaran sa Katanggap-tanggap na Paggamit at kailangan mong bumili ng hiwalay na mga lisensiya para sa bawat device mo.
- TunnelBear: Cute talaga ang mascot ng TunnelBear, pero hindi namin nagustuhan ang mismong serbisyo. Una sa lahat, hanggang 500MB lang ang libreng data allowance nila, na hindi sapat para ma-test ang serbisyo. Mas masahol pa, pagkatapos magbayad para sa unlimited plan nila (para sa rebyung ito), nalaman naming mabagal at hindi maaasahan ang marami sa mga server na sinubukan namin.
Paghahambing ng mga Feature ng mga Nangungunang VPN
Pangalan ng Brand | Presyo | Rating ng Trustpilot | Bilis | Seguridad | # Ng Mga Bansa | Balik-perang Garantiya |
---|
TotalVPN | ₱91.25 | 4,7 | Napakahusay | Napakahusay | 78 | 30 Araw |
Private Internet Access | ₱116.45 | 4,4 | Napakahusay | Napakahusay | 78 | 30 Araw |
Cyberghost VPN | ₱116.45 | 4,8 | Napakahusay | Napakahusay | 91 | 45 Araw |
Mga Nangungunang Serbisyong VPN - Mga Madalas Itanong (FAQs)
🍎 Kailangan ko ba ng VPN sa Mac ko?
Kung gumagamit ka ng Mac, mas mabilis ba ang koneksiyon mo sa internet kompara sa bilis nito sa Windows computer? Mapipigilan ba ng Mac computer ang iyong ISP na ibenta ang data mo sa mga advertiser at ibang mga third party na bidder? Mapipigilan ba nito ang mga tracker na tiktikan ang bawat galaw mo sa internet? Hindi. Kung pinapahalagahan mo ang pagkapribado mo at ayaw mong magkaproblema sa pag-browse, kailangan mo ng VPN.
💻 Mas lapitin ba ng mga cyber-attack ang mga Windows-based na device?
Sa kasamaang palad, lapitin ng mga problema sa seguridad ang mga Windows computer. Noong 2019 lang, lumabas sa security report ng AV Test na 78.64% ng 114 milyong bagong malisyong programa ang nakapasok sa Windows systems. Nagkataon ding ang Microsoft Windows ang pinakaginagamit na computer operating system sa mundo. Kaya naman mas ito ang tinatarget ng mga cybercriminal kompara sa ibang mga operating system. Ayon sa lohika ng suplay at demand, mas maraming maha-hack sa mga user ng Microsoft.
📱 Dapat ba akong gumamit ng VPN sa phone o tablet ko?
Oo! Mas madalas na nating ginagamit ang mga mobile device natin sa pag-transfer ng pera, pagbili ng mga bagong damit, pagpapa-deliver ng groceries, paglalaro, at marami pa. Araw-araw, nagbabahagi tayo ng impormasyon, mula sa mga email na may mga sensitibong data, mga litrato sa mga social media account natin, hanggang sa mga detalye ng credit card kapag bumibili online. Kaya kinakailangang protektahan mo ang phone mo laban sa online snoops, tulad ng pagprotekta mo sa laptop at desktop computer mo.
Transparensiya at Pagtitiwala: Nilalayon ng website na ito na tulungan kang mahanap ang perpektong software para sa mga pangangailangan mo sa pamamagitan ng madaling maintindihang listahang naghahambing. Maaari mong mabasa sa seksiyong Tungkol sa Amin ng website na ito ang higit pa tungkol sa kung paano kami nagsusuri at tungkol sa background namin. Hindi itinatampok ng Software.fish ang lahat ng software sa merkado, sa halip ay pinipili namin kung ano ang itinuturing naming nangunguna sa bawat vertical. Sinusubukan naming panatilihing naka-update at bago ang site na ito, pero hindi magagarantiya ang katumpakan ng impormasyon pati na rin ang mga tampok na presyo sa lahat ng oras. Nasa USD ang lahat ng presyong makikita sa site na ito kaya maaaring magkaroon ng kaunting pagkakaiba dahil sa mga pagbabago sa currency. Bagama't libreng gamitin ang site, nakakatanggap kami ng mga komisyon mula sa kasosyo naming mga kompanya ng software. Kung nag-click ka sa isa sa mga link namin at pagkatapos ay bumili, babayaran kami ng kompanyang iyon. Nakakaapekto ito sa pagraranggo, iskor, at pagkakasunod-sunod ng presentasyon ng software sa aming listahan at sa ibang lugar sa buong site. HINDI nagpapahiwatig ng pag-endorso ang mga listahan ng software sa page na ito.