KULANG SA ORAS? ITO ANG BUOD
Kung nagtitipid at naghahanap ka ng mura pero pangmalakasang VPN, masuwerte ka! Sulit na sulit ang bayad mo sa NordVPN dahil sa mga pambihirang feature nito sa seguridad, bukod pa sa napakabilis nito at napakarami nitong extra. Bagama't pareho ang teknolohiyang ginagamit ng NordVPN at ng iba pang mga VPN tulad ng AES-256, IKEv2 / IPsec, at OpenVPN encryption protocol, ang nagpasabik sa amin ay ang komprehensibong set ng mga advanced na feature sa seguridad. Meron itong split-tunneling, obfuscated server, Onion Over VPN, Cybersec, cloud encryption, Double VPN, NordLocker, NordPass, at marami pang iba. Huwag mag-alala kung napakateknikal ng mga ito sa iyo! Iisa-isahin natin ang mga feature sa ibaba. May 5,364 server na rin ito ngayon sa 59 na bansa. Sa ngayon, mukhang malaki ang potensiyal ng NordVPN sa papel, pero totoo kaya ito?

👍 KAPAKINABANGAN:
- Intuitive at user-friendly
- Napakaraming feature sa seguridad at pagkapribado
- Malakasang mga pamantayan sa pag-encrypt
- Hindi sakop ng Five Eyes, Nine Eyes at 14 Eyes
- Pambihirang bilis kahit sa malalayong server
- Magandang gamitin kapag naglalaro
- Malaking tulong na customer support na may 24/7 live chat na feature
- 30 araw balik-perang garantiya
- Gumagana sa China
👎 KAHINAAN:
- Bumibigat ang mga server paminsan-minsan
- Magagamit lang ang split tunneling sa Windows at Android
- Walang suporta sa phone
Subukan ang NordVPN - Protektahan ang pagkapribado mo!
Mga Lokasyon ng Server

NORDVPN KEY DATA
Jurisdiction: Panama
Miyembro ng intelligence-sharing na alyansa: HINDI
Mga server: 5,324
Lokasyon ng server: 59 na bansa
Sabay-sabay na koneksiyon: hanggang 6 na device
Mga desktop app: Windows, macOS, Linux
Mga mobile app: iOS, Android
Mga app ng browser: Chrome, Firefox
Iba pang mga device: Firestick, Xbox, Playstation, Nintendo Switch, Raspberry Pi, Chromebook, Chromecast, Kindle Fire
Pag-encrypt: AES na may 256-bit na mga key
Mga Protocol: OpenVPN, IKEv2 / IPsec, NordLynx
Proteksiyon sa pag-leak ng DNS at IP: OO
Awtomatikong kill switch: OO
Mga Kapansin-pansing Feature: Na-verify na patakaran sa anti-logging, one-click na mobile encryption, obfuscated server, split tunneling, dedicated IP address, Onion Over VPN, Cybersec, cloud encryption, password manager, SmartPlay, 24/7 na support sa chat
ALAMIN KUNG ANO ANG SINASABI NG MGA USER
Trustpilot Rating: 4.0 sa 5,924 na rebyu
“...ang 24/7 na Customer Service ang pinakamagandang bagay sa Nord. Puwede mong makausap ang totoong tao o kung gusto mo, puwede mo ring PILIIN na makipag-chat sa bot. Ang mga nasa likod ng Customer Service, tulad ng nakausap ko ngayong gabi, ginagawa ang lahat para matiyak na masagot o maresolba ang LAHAT ng tanong o isyu.”
“2 taon ko nang ginagamit ang NordVPN at nasisiyahan ako rito. Gumagana sa Mac at Windows at halos hindi ako nagkaproblema. Hindi ko napapansin na tumatakbo ito, halos pareho lang ang bilis ng internet meron o wala man nito (500up/500down mbs)”
“Bago ako sa konsepto ng VPN, at matiyaga ang rep nilang si Dwayne sa pagtuturo sa akin sa VPN at kung paano gamitin ang app nila. Sinusubukan ko pa rin ang produkto at natututo naman ako kahit paano, pero sa tingin ko ay magiging customer nila ako nang matagal!”
“ Gusto ko ang Nord. Napakagaling ng customer service. Lagi kong ginagamit ito para sa mga pangangailangan ko sa VPN. May dedicated IP ako at maayos itong gumagana. Talagang inirerekomenda ko sa sinumang nangangailangan ng VPN. ”
PANANATILIHIN BA AKO NITONG LIGTAS AT ANONYMOUS ONLINE?
Itinatag ang NordVPN noong 2012 at naka-headquarter ito ngayon sa Panama. Magandang balita para sa mga pinapahalagahan ang kanilang pagkapribado dahil walang batas ang bansang ito sa sapilitang retention. Hindi rin ito miyembro ng mga intelligence alliance tulad ng Five Eyes o Fourteen Eyes. Ano ang ibig sabihin ng lahat ng ito? Nangangahulugan ito na hindi kinakailangan ng NordVPN na magtago ng mga log, kaya hindi mo aalalahanin na makukuha ng mga ahensiya ng gobyerno ang carbon footprint mo - ang iyong IP address, mga online na aktibidad, history ng pag-browse, at iba pa. At totoo nga, nang basahin namin ang patakaran sa pagkapribado ng NordVPN, nakita namin ang sumusunod:
"Dahil nakabase kami sa Panama, hindi namin kailangang magtabi ng mga log ng mga online na aktibidad ng mga user (walang mga IP address, data sa pag-browse, impormasyon sa traffic, atbp.). Ibig sabihin, hindi namin nali-link ang indibidwal na user sa partikular na IP address, timestamp ng koneksiyon, o iba pang impormasyong hindi namin kinokolekta. Kaya kahit na hilingin sa amin ng korte, wala kaming kakayahang matukoy ang isang tao o magbigay ng anumang impormasyong magpapakilala sa taong iyon."
Pagdating sa seguridad, hindi kayang tapatan ng ibang mga VPN ang inaalok ng NordVPN. Higit pa ito sa karaniwang 256-bit na AES encryption, awtomatikong kill switch, at split-tunneling na mga feature nito. Nag-aalok ang NordVPN ng multi-layered na proteksiyon na may mga advanced na feature sa seguridad, tulad ng dobleng VPN na ine-encrypt ang traffic mo nang dalawang beses. Magandang feature ito para sa mga mamamahayag o aktibista sa politika, o sinumang gustong iwasan ang pagmamatyag ng mga awtoridad.
Nariyan din ang Onion Over VPN, na pinagsasama ang anonymity ng Tor at seguridad ng VPN tunnel. Magandang karagdagan din ang feature na Reserved IP Address. Katulad ng mga dedicated IP address, nangangahulugan lang ito na hindi ibabahagi kahit kanino ang dedicated IP address mo. Ibig sabihin, hindi mo na kailangang mag-abala sa CAPTCHA para patunayang totoong tao ka at hindi bot. Pinapadali nito ang mga online na pagbabayad at binabawasan ang mga risk na ma-blacklist ng ilang website ang IP address mo.
Puwede mo ring i-on ang CyberSec para i-block ang mga ad at malisyosong website at maiwasan ang mga pag-atake ng malware, phishing scam, at botnet control. Meron ding NordPass - suwabeng password manager na puwede mong i-save ang kahit ilang password, itago ang mga detalye ng credit card, at mag-share ng notes tulad ng mga password ng WiFi. At siyempre, nariyan ang NordLocker. Napaka-secure nitong cloud storage platform na sine-secure ang mga file mo sa isang click lang at bina-back up ang mga ito sa isang pribadong cloud. Ayos ito, pero 3GB ng cloud storage lang ang libre. Kung kailangan mo ng mas malaki, at siguradong kakailanganin mo ito, puwede kang mag-upgrade sa 500GB sa halagang P220 kada buwan.
GAANO ITO KABILIS?
Ligtas at secure ang NordVPN, pero mabilis ba ito? Inalam namin kung sapat ang bilis ng VPN na ito para sa gaming, video conferencing, at iba pang aktibidad na mabigat sa bandwidth. Nasa 250 Mbps ang base speed namin bago kumonekta sa NordVPN. Pagkatapos, sinubukan namin ang isang lokal na server sa New York, at bumagal ito sa 203Mbps. Hindi ito nakakagulat, dahil ang tunay na test ay ang pagkonekta sa isang server sa ibang bansa. Pumili kami ng server sa Singapore at nakapagtala kami ng 51% pagbagal. Pero sa download speed na 122Mbps, halos hindi namin napansin ang epekto sa lahat ng aktibidad, at nagawa pa nga ng isa sa staff namin na manalo ng 2 laban sa Battle Royale nang walang problema. Sinubukan pa namin ang ilang server gamit ang feature na auto connect ng NordVPN, at hindi kailanman bumagal sa 100Mbps ang download speed namin. Sa lahat ng nasubukan naming VPN, ang NordVPN ang isa sa mga pinaka-stable sa mga server sa loob at labas ng bansa.
PAGPEPRESYO AT MGA PLAN
Sa unang tingin, parang may kamahalan ang NordVPN, na may buwanang plan na nagkakahalaga ng P665 kada buwan. Mukhang mas abot-kaya ang taunang plan nila sa halagang P275 kada buwan, na mas mahal pa rin kompara sa iba. Pero kung kukunin mo ang 2 taon na plan, bababa ang presyo sa P205 lang kada buwan (+3 buwang libre). Isipin mo, kung paghahatian ninyo ng isa mong kaibigan ang bayad, napakaliit lang ng babayaran mo. May kasamang 30 araw na balik-perang garantiya ang lahat ng plan nila, kaya puwede mo itong subukan at kanselahin anumang oras kung hindi ka lubos na nasiyahan.
CUSTOMER SUPPORT
May 4 na bahagi ang knowledge base ng NordVPN: FAQ, pangkalahatang impormasyon, billing, at connectivity. Kung ayaw mong ikaw ang naghahanap ng mga sagot, puwede kang humingi ng tulong sa pamamagitan ng kanilang live chat na feature anumang oras. Bukas ito 24/7, at sinubukan namin ito sa on at off-peak na oras. Maganda ang karanasan namin sa parehong oras. Una kaming binati ng chatbot na nagbigay sa amin ng ilang keyword. Mag-reply lang ng "live agent", at dadalhin ka nito sa isang live chat rep. Kung mas gusto mong magpadala ng email, puwede mo silang i-email sa support@nordvpn.com.
ANG HATOL
Tulad ng sinasabi sa komprehensibong rebyu, napakagaling ng NordVPN pagdating sa dali ng paggamit, bilis, seguridad, pagkapribado, mga app para sa bawat device, at 24/7 na customer support. Kung ikokonsidera ang lahat ng extra tulad ng CyberSec, NordPass, at mga dedicated server, masasabing bargain ang NordVPN kompara sa iba pang mga kapresyo nitong VPN.