KULANG SA ORAS? ITO ANG BUOD

Bago-bagong player lang ang Surfshark, pero pinapakaba na nito ang mas matagal nang mga VPN provider. Patuloy na lumalaki ang share nito sa market ng VPN, salamat sa di-mapantayang panimulang presyo, magandang performance, at bilis. Puwede rin sa Surfshark ang sabay-sabay na koneksiyon ng kahit ilang device sa ilalim ng iisang subscription. At sa walang limitasyon ding bandwidth, puwede kang gumamit ng X na device nang hindi naaapektuhan ang bilis ng koneksiyon. Dahil sa mga ito, kasama ang no-log na patakaran at madaling gamiting apps, nararapat lang na makasama sa VPN shortlist ang Surfshark.
👍 KAPAKINABANGAN:
  • Kahit ilang sabay-sabay na mga koneksiyon
  • Jurisdiction na pumoprotekta sa pagkapribado
  • Malawak na hanay ng mga app na maganda ang dinisenyo
  • Natatanging mga feature tulad ng MultiHop at Whitelister
  • Napakabilis na mga server
  • Gumagana sa China
  • A+ na customer support
👎 KAHINAAN:
  • Mas transparent pa sana ang patakaran nito sa pagkapribado

Bumili ng Surfshark - Protektahan ang Pagkapribado!

Mga Lokasyon ng Server

AlbaniaAustriaBelgiumBosnia And HerzegovinaBulgariaCroatiaCyprusCzech RepublicDenmarkEstoniaFinlandFranceGermanyGreeceHungaryIcelandIrelandItalyLatviaLuxembourgMoldovaNetherlandsMacedoniaNorwayPolandPortugalRomaniaRussian FederationSerbiaSierra LeoneEl SalvadorSpainSwedenSwitzerlandUkraineUnited KingdomBrazilCanadaChileColombiaCosta RicaPanamaUnited StatesIsraelLibyan Arab JamahiriyaNicaraguaSouth AfricaTurkeyUnited Arab EmiratesAustraliaAzerbaijanHong KongIndiaIndonesiaJapanKazakhstanMalaysiaNew ZealandPhilippinesSingaporeKoreaTaiwanThailandViet Nam


SURFSHARK KEY DATA

Jurisdiction: British Virgin Islands
Miyembro ng intelligence-sharing na alyansa: HINDI
Mga Server: 3,200+
Lokasyon ng server: 65 bansa
Sabay-sabay na koneksiyon: walang limitasyon
Mga desktop app: Windows, macOS, Linux
Mga mobile app: iOS, Android
Mga app ng browser: Chrome, Firefox
Pag-encrypt: AES 256-bit
Mga Protocol: OpenVPN (UDP), OpenVPN (TCP), IKEv2, WireGuard, Shadowsocks, L2TP
Proteksiyon sa DNS at IP leak: OO
Awtomatikong kill switch: OO
Mga Kapansin-pansing Feature: Walang limitasyong koneksiyon sa device, Cleanweb, Whitelister, MultiHop, mahigpit na no-log na patakaran, Camouflage Mode, NoBorders mode, 24/7 na customer support, 30 araw na garantiyang ibabalik ang pera


ALAMIN KUNG ANO ANG SINASABI NG MGA USER

Trustpilot Rating: 4.3 sa 8,962 rebyu

"Napakadaling gamitin, mabilis at nakakatulong ang customer service, at mas mura kaysa mga kakumpitensya. Pinakamagandang VPN na nasubukan ko at talagang inirerekomenda ko sa sinumang interesado sa VPN."

"Pambihirang application at napakagaling na customer support system. Medyo hindi ko lang gusto ang variable connectivity sa ilang bansa. Pero hindi titigil ang team hangga't hindi nila ito nareresolba para sa iyo. Salamat kay Harvey para sa lahat ng tulong. "

"Astig talagang magkaroon ng ganitong murang VPN na may napakagandang serbisyo. Minimal lang ang pagbagal sa VPN, mas mabilis pa nga kung minsan pagkatapos itong i-on."

"Ginagamit ko sa 2 iphone, 2 ipad, at desktop. Madaling i-install at i-set up. Walang problema sa bilis. Gusto ko ang pag-access sa mga lokal na address nang hindi kinakailangang idiskonekta ang VPN (hal. printer)."


PANANATILIHIN BA AKO NITONG LIGTAS AT ANONIMO ONLINE?

Kapag pumipili ng VPN para sa pagkapribado, kailangan mong tingnan hindi lang ang pag-encrypt at mga protocol ng seguridad. Tingnan mo rin ang legal na jurisdiction. Mabuti na lang at walang problema sa lokasyon ng Surfshark. Nakabase ito sa British Virgin Islands, isang bansang walang mga batas sa pagpapanatili ng data at labas sa anumang mga kasunduan sa pagbabahagi ng intelligence. Kaya naman ang Surfshark ay hindi nangongolekta ng mga IP address, history ng pagba-browse, impormasyon ng sesyon, ginamit na bandwidth, mga time stamp ng koneksiyon, traffic sa network, at iba pang katulad na data.

Pagdating sa seguridad, umaangat din ang Surfshark. Gumagamit ito ng karaniwang AES 256-bit encryption, pero may opsiyon ang mga user ng Android na baguhin ang encryption cipher sa pagitan ng AES-256-GCM at Chacha20Poly1305. Meron din silang 5 protocol na puwede mong subukan para malaman kung alin ang pinakamagaling pagdating sa bilis, stability, atbp. Puwede mong gamitin ang IKEv2, L2TP, Shadowsocks, WireGuard, o OpenVPN. Kung gusto mo ng mabilis na gaming o walang aberyang video conferencing, gamitin ang OpenVPN (UDP).

May ilang dagdag na feature din ang Surfshark na hindi mo karaniwang makikita sa iba pang mga VPN. May feature na split-tunneling na tinatawag na Whitelister, halimbawa, na puwede kang pumili kung aling app at site ang ikokonekta sa VPN. Maganda ito dahil nakakainis kumonekta at magdiskonekta kapag gumagamit ng iba't ibang serbisyo tulad ng sa bangko. Dinodoble rin ng Surfshark ang seguridad at pagkapribado mo sa pamamagitan ng pagbibigay ng karagdagang patong ng encryption. Paano? Kapag ginamit mo ang feature na Multi-hop nito, "tumatalon" ang traffic mo sa internet sa dalawa o higit pang mga server bago makarating sa nilalayon nitong destinasyon. Sa madaling salita, puwede kang "magtago" sa likod ng ilang tagapamagitang server sa halip na sa isa lang. Astig, 'di ba?!

Ang CleanWeb ay isa pang magandang feature ng Surfshark sa lahat ng plan nito. Hinaharang nito ang mga ad, tracker, at malisyosong link. Sa pagharang sa malware bago ito mag-load, pinoprotektahan ka nito laban sa mga pagtatangka sa phishing. Tinatago ng Camouflage Mode ang koneksiyon mo para hindi makita ng ISP mo na gumagamit ka ng VPN. Hindi lang nito tinitiyak ang pagkapribado mo, kundi pinipigilan din nito ang internet provider mo na i-throttle ang bandwidth mo. Naniniwala ang Surfshark na dapat bukas sa lahat ang internet kaya itinatampok nito ang No Borders Mode.


GAANO ITO KABILIS?

Magagandang feature, pero mabilis ba ito? Oo! Ipinakita ng speed test namin na isa talaga sa mga pinakamabilis na VPN sa 2025 ang Surfshark. Nag-test kami gamit ang batayang bilis na 300Mbps gamit ang WireGuard protocol ng Surfshark. Pagkatapos, kumonekta kami sa mga server sa North America at nakakuha ng average na bilis na 250Mbps. Sinubukan namin ang ilang server sa iba pang mga bansa. Inaasahan namin ang malaking pagbagal dahil kailangang maglakbay ng data namin sa isa pang server sa UK. Ganoon pa rin, average ang bilis sa 220Mbps. Sinubukan din namin ang mga server sa Asia at nag-average ang mga ito sa 190Mbps. Makikita ninyo sa mga resulta na 220Mbps ang average na bilis sa tatlong lokasyon, na daig ang iba pang mga "express" na VPN. Habang nakakonekta sa Surfshark, nakapaglaro kami ng League of Legends at nakapag-HD video conferencing nang hindi nagla-lag.


PAGPEPRESYO AT MGA PLAN

May tatlong-tier na modelo ng pagpepresyo ang Surfshark:

• P720/buwan
• P360/buwan para sa 6 na buwang subscription
• P140/buwan para sa 2 taon na subscription

Binabayaran ang bawat plan bago gamitin at saklaw ito ng isang 30 araw na balik-perang garantiya.


CUSTOMER SUPPORT

May suporta ang Surfshark sa sumusunod:

• Help Center
• Email
• Live Chat

Makikita sa page ng Help Center ang ilang tutorial tungkol sa maraming bagay, mula sa pagsisimula hanggang sa pag-troubleshoot ng mga teknikal na isyu. May mga artikulo ring nauugnay sa pagsingil, impormasyon ng account, mga feature, at iba pa. Kung wala kang mahanap ng solusyon, puwede kang mag-email sa kanila sa pamamagitan ng isang form. Asahan ang tugon sa loob ng 24 oras. Kung hindi ka makapaghintay, puwede mong kausapin ang live na ahente sa live chat.


ANG HATOL

Totoo ba ang hype sa Surfshark? Isang malaking OO! Halos tatlong taon pa lang ito, pero nakabuo na agad ito ng malawak na network na may mabibilis na server na na-optimize para sa gaming at iba pang mga aktibidad na malakas kumain ng bandwidth. Ligtas din ito, salamat sa mga feature na bihirang makita sa iba. Bukod dito, nasa ligtas na jurisdiction din ang mga ito. Isa rin sila sa iilang VPN na may Warrant Canary page. Para sa isang baguhan sa digital na mundo, marami nang ginagawang tama ang Surfshark.

Bumili ng Surfshark - Protektahan ang Pagkapribado!