KULANG SA ORAS? ITO ANG BUOD
Sa lahat ng buzz tungkol sa VPN na ito, nakakagulat na mahigit isang taon pa lang ang operasyon nito. Ang hype, ito raw ang "pinakamagaling na libreng VPN sa mundo." May bahid ba ng katotohanan ito, o pakana lang ito sa marketing? Malalaman natin sa ibaba.

👍 KAPAKINABANGAN:
- Mahigpit na no-log na patakaran
- Gumagamit ng military-grade na encryption
- Puwede ang kahit ilang sabay-sabay na koneksiyon
- Madali at mabilis na pag-setup
- Mas ligtas, mas malinis, at walang ad na karanasan online dahil sa SafeSwap
- Mga simpleng app na madaling gamitin
- Tina-track ang anumang mga data breach gamit ang built-in nitong Data Breach Monitor
- Magagandang extra tulad ng Best Location Detector, mga security shield, at iba pa
- Mabilis, stable, at walang abalang koneksiyon kahit saan
- Nag-aalok ng isa sa pinakamahusay na mga libreng bersiyon sa market
- Sulit na sulit ang pera
- 30 araw na balik-perang garantiya
👎 KAHINAAN:
- Hindi gumagana sa China
- Nakabase sa US na isa sa mga nagtatag ng 5/9/14 Eyes na mga alyansa
Bumili ng TotalVPN - Protektahan ang Pagkapribado Mo!
Mga Lokasyon ng Server

ATLASVPN KEY DATA
Jurisdiction: US
Miyembro ng intelligence-sharing na alyansa: OO
Mga server: 700+
Lokasyon ng server: 32 bansa
Sabay-sabay na koneksiyon: Kahit ilang device
Mga desktop app: Windows, macOS
Mga mobile app: iOS, Android
Pag-encrypt: AES 256-bit
Mga Protocol: IPSec/IKEv2, SHA-384, PFS
Proteksiyon ng DNS at IP leak: OO
Awtomatikong kill switch: OO
Mga Kapansin-pansing Feature: Ad, malware, at tracker blocker, SafeSwap server, Advanced Leak Protection (IPv6), data breach monitor, pribadong DNS, no-log na patakaran, at Kill Switch
ALAMIN KUNG ANO ANG SINASABI NG MGA USER
"Dahil hindi naman talaga ako tech-geek, gusto ko ang pagiging simple ng app na ito. Nirekomenda ito sa akin ng anak kong senior developer na kabisado na ang mga bagay na ito, at sinabing kaya nito akong protektahan. May tiwala naman ako sa kaniya."
"Talagang nagulat ako sa VPN na ito. Ito na yata ang isa sa mga pinakamagaling na VPN na nagamit ko. Mabilis talaga at ang galing ng premium na access kahit na mura lang ito. Sana lang ay magkaroon na ng google chrome support."
"Ilang buwan ko nang ginagamit ang Atlas VPN Premium sa Android Smartphone ko. Hindi ako nagsisisi. Dagdag-puntos sa akin ang bilis, UI, at pagiging abot-kaya ng Atlas VPN."
"Gustong-gusto ko ang kasimplehan nito! Pagkatapos gumamit ng ilang premium na VPN sa nakaraang taon, malakas ang loob kong sabihing hindi nagpapahuli Atlas VPN. Hindi na ako makapaghintay sa mga desktop app."
PANANATILIHIN BA AKO NITONG LIGTAS AT ANONIMO ONLINE?
Sa unang tingin, parang hindi magandang opsiyon ang AtlasVPN para sa sinumang gustong tiyakin ang pagkapribado online. Nakabase kasi ito sa Delaware, USA. Oo, isa sa mga bansang nagtatag ng 5/9/14 Eyes surveillance na mga alyansa. Bilang karaniwang user, ano ba ang ibig sabihin nito para sa iyo? Nangangahulugan ito na maa-access ng gobyerno ang online data mo at puwede nilang ibahagi ito sa iba pang mga miyembrong bansa.
Nakakaalarma, ano? Oo, kung lalabas na hindi magdadalawang-isip ang AtlasVPN na ibigay ang data mo sa mga awtoridad. Pero hindi naman ito ang kaso. May mahigpit na patakaran sa zero-logs ang AtlasVPN, kaya wala silang maibabahaging data. Bukod pa rito, walang patakaran sa sapilitang pagtatabi ng data ang US, kaya hindi obligado ang mga VPN na nakabase sa US na magtabi ng data ng user.
Pagdating sa seguridad, hindi lalampa-lampa ang AtlasVPN. Gumagamit sila ng military-grade na AES 256-bit encryption, na pareho ng ginagamit sa gobyerno at mga pribadong sektor, kabilang ang NSA. Kahit na gamitan pa ng pinakabagong teknolohiya, imposibleng ma-break o mapuwersa ang encryption nito, kaya ligtas ang data mo laban sa di-awtorisadong pag-access. Kritikal na hakbang ito sa seguridad dahil laging naghahanap ang mga cybercriminal ng mabe-break at maka-crack na mahihinang link.
Medyo nagulat lang kami at nadismaya na di-suportado ng AtlasVPN ang koneksiyon sa OpenVPN. Sa halip, gumagamit sila ng mekanismo ng IPSec/IKEv2. Baka dahil mas bagay ito sa mga karaniwang user. Alam naman nating hindi madali ang pag-set up ng OpenVPN protocol at nangangailangan ito ng ilang teknikal na kaalaman. Ligtas din ang IPSec/IKEv2, pero mas direkta ito at hindi gaanong CPU-intensive. Mas mabilis din ito kaysa OpenVPN!
Kung pag-uusapan ang dagdag na mga feature sa seguridad ay pagkapribado, marami kang makukuha sa Atlas VPN. Nariyan ang SafeBrowse nito na hinaharang ang mga malisyosong website, tracker, at ad para protektahan ka laban sa phishing, malware, at iba pang mga site na nakakalat ng virus. Siyempre, meron din silang Kill Switch, na pinuputol ang koneksiyon mo sa internet kapag nawalan ka ng koneksiyon sa VPN. Tinutulungan ka ng bagong tool sa seguridad na Data Breach Monitor na alamin kung nakompromiso o na-leak online ang personal mong impormasyon. Bagama't wala itong feature na Multi-Hop, meron naman itong pantapat dito, ang SafeSwap. Kapag nakakonekta sa mga server ng SafeSwap, nagbabago-bago ang VPN IP address mo nang hindi mo kailangang magdiskonekta.
GAANO ITO KABILIS?
Dahil medyo bago pa, may 700 na server lang sa ngayon ang AtlasVPN sa 32 bansa. Bakit mahalaga ito pagdating sa bilis? Kasi, kung mas malapit ka sa server (at mas mababa ang pag-load ng server), mas mabilis ang koneksiyon mo. Kumusta naman ang bilis sa AtlasVPN nang subukan namin ito? Sinubok ito sa London na may batayang bilis na 53.2Mbps. Nang kumonekta kami sa ilang lokal na server, ang average na pagbagal ay 10% lang o tinatayang 48Mbps. Pagkatapos, sinubukan naming kumonekta sa mga server sa New York at Miami. Nakakagulat na hindi ito bumagal gaya ng inaasahan namin. Sa katunayan, average pa rin ang bilis sa 41Mbps. Magandang balita ito sa mga mahilig maglaro at mag-browse. Kahit na konti lang ang mga server nito, makakasiguro kang ayos pa rin ang bilis saan ka man pumunta.
PAGPEPRESYO AT MGA PLAN
Bihirang makakita ngayon ng libreng VPN, lalo na iyong walang cap sa data at walang ad. Salamat at merong AtlasVPN. Pero, tandaan na sa libreng tier, may access ka lang sa 3 server sa Amsterdam, Los Angeles, at New York. Kung gusto mo ng mga karagdagang server at feature, mag-upgrade ka sa isa sa mga bayad na plan nito. Kahit may bayad, napakamura pa rin nito kung iisiping makikinabang ka sa sumusunod:
• 700+ server sa buong mundo
• Kahit ilang device
• I-block ang mga tracker at Ad
• 24/7 na Suporta
• Proteksiyon sa pag-leak ng data
• Pag-encrypt na military-grade
Ang buwanang plan ay nagkakahalaga ng P555, pero mas makakamura ka sa taunang subskripsiyon sa halagang P140 kada buwan. Kung naghahanap ka ng diskuwento, masuwerte ka! I-click lang ang link namin sa itaas para sa 86% diskuwento sa planong 3 taon. Ibig sabihin, P80 lang ang buwanang bayad! May 30 araw na balik-perang garantiya ang lahat ng plan na ito.
CUSTOMER SUPPORT
Maganda ang performance ng AtlasVPN sa halos lahat ng bagay, kaya medyo dismayado kami nang malamang wala silang 24/7 na suporta sa live na chat. Wala pa naman itong dalawang taon, kaya sigurado kaming hinahanda na nila ang opsiyon sa live chat. Nasa social media sila ngayon (Twitter, Facebook, Instagram, at YouTube) at puwede kang mag-email sa support@atlasvpn.com. Sinubukan naming magpadala sa kanila ng mga karaniwang tanong sa Twitter at email para malaman kung gaano sila kabilis tumugon. Hindi na namin kailangang maghintay nang matagal dahil wala pang isang oras ay nakatanggap na kami ng tugon. Sa kabila ng pag-aalala namin noong una, masaya kaming malaman na hindi ka nila iiwan sa ere sakaling kailanganin mo ng tulong.
ANG HATOL
Irerekomenda ba namin ang AtlasVPN? Siyempre naman! Ang galing ng mga feature sa seguridad, at para talaga sa mga estudyante, baguhan, o nagtitipid ang libreng bersiyon. Kahit mas kaunti ang mga server nila kompara sa iba, ayos pa rin ang performance nito. Sa kabuuan, ang AtlasVPN ay abot-kayang one-click na solusyon para masiguro ang pagkapribado mo at mapaganda ang karanasan mo online.