Ang VPN ay nangangahulugang Virtual Private Network. Virtual ito dahil gumagawa ito ng point-to-point na koneksiyon sa umiiral na network at pribado rin dahil naka-encrypt ang mga nilalaman. Isipin mong kumokonekta ang laptop o mobile phone mo sa pampublikong internet sa pamamagitan ng isa pang computer (na tatawagin nating server). Ngayon, paano kung nasa ibang bansa ang server na ito? Lumalabas na parang kumokonekta ka sa bansang iyon sa halip na sa pisikal na kinaroroonan mo. At dahil gumagamit ka ng isa pang "computer," hindi lantad ang aktuwal na IP address mo, kaya halos hindi mate-trace ang mga aktibidad mo online.
Ano ang disenteng serbisyong VPN? Anong mga feature ang dapat kong hanapin kapag bumibili?
Depende sa kung para saan mo ito gagamitin. Ito ang hahanapin sa isang VPN provider:
Maaasahang protocol ng pag-encrypt. Maghanap ng serbisyong VPN na may mga protocol na nangunguna sa industriya tulad ng OpenVPN, IPSec/IKEv2, Wireguard, at SSTP.
Mabilis at walang limitasyong bandwidth. Maghanap ng nasubok na at may sapat na bilis para sa araw-araw na online na aktibidad at maging sa paglalaro, pag-download ng malalaking file, at iba pa.
Malaking network ng server. Lalo itong mahalaga kung pupunta ka sa isang bansang regulado ang internet. Ang pagkakaroon ng ilang server sa isang lokasyon ay nangangahulugan ding maiiwasan mo ang network congestion sa "internet rush hour."
Sabay-sabay na koneksiyon sa mga device. Ipinapakita ng iba't ibang pag-aaral na ang isang tahanan sa karaniwan ay may access sa mahigit sampung konektadong device. Hangga't maaari, maghanap ng VPN provider na kayang protektahan ang maraming device sa isang account. Puwede sa Pribadong Internet Access, halimbawa, ang sabay-sabay na koneksiyon ng hanggang 10 device.
Suportado ang maramihang OS. Dapat may clients at apps ang VPN mo na gumagana sa Windows, Mac, Android, iOS, Linux, OS X, at iba pa. Mas mainam kung may mga extension ng browser ang mga ito.
Lokasyon at patakarang nagtitiyak ng pagkapribado. Hangga't maaari, maghanap ng VPN na may jurisdiction sa labas ng 5/9/14 Eyes Alliances. Puwede mo ring tingnan ang patakaran nila sa pagkapribado para kumpirmahin na zero-log VPN nga ang mga ito.
Dapat ka bang bumili ng VPN? Ano ang mga pakinabang nito?
Oo, kung gusto mo ang mga sumusunod na pakinabang:
+ Itago ang IP address mo para makapag-surf ka sa web nang hindi nakikilala.
+ Pangalagaan ang sensitibong impormasyon tulad ng mga kredensiyal mo sa online banking, mga password sa email at social media, mga numero ng credit card, at iba pa.
+ Iwasan ang geographical na price bias at makatipid kapag bumibili online, nagbu-book ng mga flight o hotel, bumibili ng mga app o online na kurso, at iba pa.
+ Pigilan ang ISP mo na pabagalin ang serbisyo kapag naabot na ang data cap mo para sa buwan.
Narinig kong pinapabagal daw ng VPN ang koneksiyon mo sa internet? Totoo ba ito?
Well, oo at hindi. Talagang makakaapekto sa bilis ang pagkonekta sa VPN dahil nagdaragdag ito ng isang layer ng seguridad na wala sa koneksiyon mo dati. Magdedepende rin ito sa base speed mo o kung kumokonekta ka o hindi sa lokal o long-distance na server. Pero kung gumagamit ka naman ng disenteng VPN, hindi mo na mapapansin ang bahagyang pagbagal. Sa katunayan, puwede pa ngang mapabilis ng paggamit ng VPN ang system kapag tino-throttle ng ISP mo ang data at bandwidth mo.
Disclaimer
Nilalayon ng website na ito na tulungan kang mahanap ang perpektong software para sa mga pangangailangan mo sa pamamagitan ng madaling maintindihang listahang naghahambing. Maaari mong mabasa sa seksiyong Tungkol sa Amin ng website na ito ang higit pa tungkol sa kung paano kami nagsusuri at tungkol sa background namin. Hindi itinatampok ng Software.fish ang lahat ng software sa merkado, sa halip ay pinipili namin kung ano ang itinuturing naming nangunguna sa bawat vertical. Sinusubukan naming panatilihing naka-update at bago ang site na ito, pero hindi magagarantiya ang katumpakan ng impormasyon pati na rin ang mga tampok na presyo sa lahat ng oras. Nasa USD ang lahat ng presyong makikita sa site na ito kaya maaaring magkaroon ng kaunting pagkakaiba dahil sa mga pagbabago sa currency. Bagama't libreng gamitin ang site, nakakatanggap kami ng mga komisyon mula sa kasosyo naming mga kompanya ng software. Kung nag-click ka sa isa sa mga link namin at pagkatapos ay bumili, babayaran kami ng kompanyang iyon. Nakakaapekto ito sa pagraranggo, iskor, at pagkakasunod-sunod ng presentasyon ng software sa aming listahan at sa ibang lugar sa buong site. HINDI nagpapahiwatig ng pag-endorso ang mga listahan ng software sa page na ito.