Nangungunang Antivirus Programs para sa Windows, Android, iOS at Mac
Dave Garcia | Na-update noong 3/23/24Consultant sa Privacy at Teknolohiya Nagmamadali? Ito ang aming nangungunang Antivirus Software para sa 2025:
Sa napakaraming antivirus program sa merkado ngayon, malaking hamon talaga ang pagpili ng pinakamahusay na proteksiyon na pasok sa iyong badyet. Totoo, mahirap intindihin ang lahat ng impormasyon at teknikal na jargon. Gayunpaman, hindi ka mahihirapan hangga't alam mo kung ano ang hinahanap mo. Mag-ingat lang sa pag-download ng ilang "mura" at "libreng" antivirus brand dahil malware talaga ang marami sa mga hindi gaanong kilalang brand na ito. Bago ka mag-download ng anuman, tiyaking mula sa mapagkakatiwalaan at lehitimong brand ang software.
Ang mahalaga, nagbibigay ang iyong antivirus program ng proteksiyon laban sa mga bago at umuusbong na mga anyo ng malware — hindi lang mga virus kundi pati na rin mga worm, Trojan horse, spyware, rootkit, at ransomware. Ang lahat ng nasa listahan namin ng 10 nangungunang antivirus brand ay nag-aalok ng abanteng proteksiyon laban sa lahat ng ganitong uri ng malware. Ang ilan ay full-suite na package sa seguridad ng Internet na nag-aalok din ng sumusunod na dagdag na mga feature:
- Virtual Private Network (VPN) — Isa itong software application na idinisenyo para makapag-surf ka sa web nang anonimo.
- Mga kontrol para sa magulang — Tumutulong ito sa mga magulang na protektahan ang kanilang mga anak online sa pamamagitan ng paghihigpit sa uri ng content na puwedeng ma-access.
- Password manager — Isa pang app na idinisenyo para gumawa at magtago ng ligtas na password sa naka-encrypt na vault.
Higit na mapapahusay ng pagkakaroon ng mga dagdag na panseguridad na feature na ito, kasama ang mga pangunahing feature ng napili mong antivirus, ang pangkalahatang proteksiyon ng mga built-in na sistemang panseguridad ng iyong device. At mas ligtas ang iyong device, mas maliit ang posibilidad na mabiktima ka ng mga cyber crime tulad ng hacking, phishing scam, ransomware, website spoofing, at marami pa.
Kaya, paano mo mapipili ang pinakamahusay na brand ng antivirus para sa iyong device? Huwag mag-alala! Nagsaliksik kami para sa iyo at gumugol ng mahabang panahon sa pagrerebyu at paghahambing ng pinakamahusay na mga antivirus program sa merkado ngayon. Inihambing namin ang mga function ng bawat brand, tulad ng pagtukoy ng malware, mga feature ng seguridad, epekto sa system resources, value for money, at serbisyo sa kostumer.
Overview ng pinakamahusay na Antivirus Software para sa 2025:
- 🥇 1. TotalAV — Pinagkakatiwalaan ng 25 milyong user sa buong mundo, ang TotalAV ang #1 na pinipili namin para sa Windows, Mac, Android, at iOS. Nag-aalok ang buong security suite na ito ng real-time na proteksiyon laban sa mga virus, malware, ransomware, adware, at marami pang iba sa napakababang presyo!
- 🥈 2. Panda — Napakahusay na mga rate sa pagtuklas ng virus, advanced na mga kontrol para sa magulang, at ganap na proteksiyon laban sa lahat ng uri ng mga banta.
- 🥉 3. Aura — Madaling gamitin.
- Paghahambing ng mga feature ng aming nangungunang Antivirus Software na rekomendasyon para sa 2025.
- Mga Madalas Itanong tungkol sa Antivirus Software (FAQs).
Mga nangungunang bagay na dapat tandaan bago mag-download ng antivirus software.
Naghahanap ng pinakamahusay na antivirus program? Narito ang ilang mahalagang konsiderasyon bago ka pumili ng ida-download na software.
- Gumawa ng listahan ng mga feature na pinakamahalaga para sa iyo. Idinisenyo ang lahat ng antivirus program na protektahan ang iyong device laban sa malware, at tiniyak namin na lahat ng rekomendasyon namin ay mahusay sa usaping ito. Ang kailangan mong pagtuunan ng pansin ay ang ilang dagdag na feature na tutugon sa mga partikular na pangangailangan. Halimbawa, kung nagkakaproblema ka sa pag-alala ng mga password, makikinabang ka sa antivirus na may password manager. Kung gusto mo ng online na pagkapribado at seguridad, mainam iyong may VPN. Kung may mga anak kang gumagamit ng internet nang hindi binabantayan, baka gusto mo ng package sa seguridad gaya ng Norton 360 na may napakahusay na kontrol para sa magulang.
- Ilang device ang gusto mong protektahan? Tulad ng karamihang tao, malamang ay mahigit sa isa ang device mo: mobile phone, tablet, at laptop. Kung kailangan mong protektahan ang mga device na ito, maghanap ng suite ng seguridad na nag-aalok ng maramihang lisensiya tulad ng TotalAV.
- Magpasiya kung aling device ang gusto mong protektahan. Hindi lahat ng antivirus program ay gumagana sa bawat platform, kaya kailangan mong tiyakin na tugma ang pinili mong software sa iyong device. Tingnan ang bahaging FAQ sa ibaba para makita kung aling mga program ang inirerekomenda namin para sa bawat device. Kailangan mo ring ikonsidera ang iba pang mga bagay, tulad ng kasalukuyang performance ng iyong device. Kung tumatagal ng kalahating oras bago mag-boot ang iyong device, kailangan mong maghanap ng antivirus program na may mababang resource/CPU na paggamit. Halimbawa, ang TotalAV ay isang magaang opsiyon na hindi kakain ng mga resources at magpapabagal sa iyong computer.
- Ikonsidera kung madaling gamitin. Ang magandang antivirus software ay dapat na madaling gamitin kapwa ng mga user na sanay sa teknolohiya at mga karaniwang user na kaunti o walang alam sa cybersecurity. Halos lahat ng nangungunang brand sa listahang ito ay nag-aalok ng "walang tanong-tanong" na garantiyang ibabalik ang pera. Samantalahin ang pagkakataong ito na subukan ang software at alamin kung saan ka pinakakumportable. Dapat itong gumana sa background at gawin ang trabaho nito nang hindi nakakaabala sa mga aktibidad mo. Kung makakita ka ng anumang bagay na hindi mo gusto, makipag-ugnayan sa customer support para makakuha ng refund. Pagkatapos, sumubok ng iba hanggang makatisod ka ng ginto.
Sa artikulong ito, makikita mo ang nangunguna naming mga rekomendasyon batay sa aming pananaliksik.
1. TotalAV — Pinakamahusay na Pangkalahatang Antivirus na Package

Itinatag noong 2016 lang, masasabing batang-bata pa ang TotalAV sa industriya ng antivirus. Gayunpaman, matagal nang nakatutok ang mga eksperto sa bagong player na ito para sa abante nitong proteksiyon sa malware, mga kapaki-pakinabang na feature ng seguridad, at walang kapantay na value for money. Pagkatapos ng komprehensibo naming pagsusuri, masasabi namin nang walang anumang pagdududa na pambihirang opsiyon ang TotalAV. Bagama't bagong saltang brand, ginagamit nito ang white label na bersiyon ng pangunahing teknolohiyang antivirus ng Avira. Kaya mapagkakatiwalaan mong gumagana ito sa isa sa mga pinakamaaasahang teknolohiya ng cybersecurity ngayon.
Bukod sa presyo nito, gustong-gusto namin ang TotalAV dahil madali itong gamitin at i-navigate. Wala kaming maipintas dahil tahimik at mabisang gumagana ito sa background kaya matututukan mo ang iba pang mga bagay. Maliban na lang kung isa kang tech wizard na naghahanap ng mas abanteng feature, magugustuhan mo ang walang arteng functionality at simpleng interface ng TotalAV.
Nasa TotalAV ang lahat ng hinahanap pagdating sa usapin ng mga tampok na panseguridad, hindi tulad ng ilang produktong antivirus na taglay ang lahat maliban ang pinakamahalagang features. Halimbawa, nag-aalok ito ng ligtas na pag-browse ng VPN, password manager, proteksiyon sa ransomware, proteksiyon sa firewall, panlinis ng disc, at abanteng proteksiyon sa phishing.
Bottom Line:Dahil sa pangmalakasan nitong antivirus engine, napakahusay na deteksiyon ng malware, at napakadaling gamiting interface, ang TotalAV ay isang mahusay na solusyon sa antivirus para sa lahat ng iyong device. Mahilig ka ba sa mga diskuwento? I-click ang link sa ibaba para makakuha ng 85% diskuwento. Magmadali bago matapos ang promo!
Bumili na ng TotalAV - Protektahan ang mga Device Mo!
2. Panda — Napaka-Intuitive at Napakadaling Gamitin

Ang Panda Antivirus ay nangungunang kompanya ng cybersecurity na nakatutok sa pagbibigay ng antivirus at mga solusyon sa seguridad sa internet sa mga indibidwal at negosyo. Itinatag ang kompanya noong 1990 ni Mikel Urizarbarrena sa Bilbao, Spain, at lumago ito mula noon bilang brand na kinikilala sa buong mundo na may maraming kostumer sa mahigit 180 bansa.
Kilala rin ang antivirus software na ito para sa makabagong pamamaraan nito sa cybersecurity, na gumagamit ng mga advanced na teknolohiya gaya ng artificial intelligence (AI) at machine learning para ma-detect at maharang nang real-time ang malware, virus, ransomware, at iba pang cyber threat. May malawak na hanay ng mga produkto at serbisyo ang kompanya, kabilang ang antivirus software para sa mga PC, Mac, at mobile device, pati na rin ang cloud-based na mga solusyon sa seguridad para sa mga negosyo.
Isa sa mga pangunahing kalakasan ng Panda Antivirus ay ang cloud-based na modelo ng seguridad nito, kaya may real-time na mga update at mabilis na pagtugon sa umuusbong na mga banta. Ginawa ang mga solusyon sa seguridad ng kompanya para magbigay ng komprehensibong proteksiyon laban sa maraming uri ng mga cyber threat, kabilang ang mga virus, worm, Trojans, spyware, at iba pa habang tinitiyak na maliit lang ang epekto sa performance ng system.
Nakatanggap ng maraming parangal at pagkilala ang Panda Antivirus para sa mga produkto at serbisyong cybersecurity nito, kabilang ang pagkilala mula sa mga independiyenteng organisasyon tulad ng AV-Comparatives at AV-TEST. Bumuo rin ang kompanya ng matibay na partnership sa iba pang kompanya ng cybersecurity, mga vendor ng teknolohiya, at mga organisasyon para mas mapahusay pa ang mga alok nito at magbigay ng mga holistikong solusyon sa cybersecurity.
Dahil sa tutok nito sa kasiyahan ng kostumer, makabagong teknolohiya, at global reach, ang Panda Antivirus ay naging mapagkakatiwalaang provider ng antivirus at mga solusyon sa seguridad sa internet para sa mga indibidwal at negosyo sa buong mundo.
Bottom Line:Ang Panda Dome ay napakamabisang tool para maiwasang mapasok ng mga potensiyal na banta ang iyong system. Na-verify ito hindi lang ng mga pagsusuri sa lab ng AV-Comparatives kundi pati na rin ng mga pagsusuri namin gamit ang mga live na sample ng virus. Kung gusto mong manatiling protektado mula sa mga impeksiyon, ang real-time na monitor ng Panda Security ang isa sa mga pinakamaaasahang opsiyon. Bukod dito, kung naghahanap ka ng komprehensibong suite ng seguridad na makakayanan ang di-inaasahang mga banta, ang Panda Dome ang isa sa mga may pinakamaraming feature na security package sa kasalukuyan para sa parehong mga mamimili at negosyo. Sa pangkalahatan, mahusay na application ang Panda Security at isa itong cost-effective na opsiyon para sa mga user na naghahanap ng de-kalidad na proteksiyon.
Bumili na ng Panda - Protektahan ang mga Device Mo!
Paano namin sinuri ang mga Nangungunang Antivirus Program sa 2025?
Sinuri namin ang mahigit 20 iba't ibang produktong panseguridad at nakabuo kami ng napakataas na ekspektasyon sa usapin ng cybersecurity. Bago kami magrekomenda, dapat matugunan ng produktong antivirus ang mga kahingiang ito:
- Malakas na proteksiyon laban sa lahat ng uri ng malware. Iniendorso lang namin ang software na may napatunayang track record laban sa mga pinakabagong banta ng malware. Ang mga virus ay isang uri lamang ng malware — Nangangailangan ngayon ng proteksiyon ang mga device mo laban sa mga spyware, rootkit, ransomware, at anumang maaaring makapinsala sa device mo online.
- Minimum ang pagbagal sa system resources. Ang listahan namin ng nangungunang mga proteksiyon ay kinabibilangan lang ng magagaang programa na hindi nagpapabagal sa iyong computer (kahit na hindi ito ang pinakabagong modelo).
- Madaling gamitin at user-friendly. Dahil kailangan ng lahat ang proteksiyon sa malware, ang nangunguna naming rekomendasyon ay madaling i-set up at gamitin, gaano man ka-tech-savvy.
- May dagdag na feature ng seguridad. Nag-aalok ang inirerekomenda naming mga antivirus program ng mga feature na nagpapabuti sa mga native na sistema ng seguridad ng device mo bukod pa sa proteksiyon laban sa malware.
- Sulit ang gastos. Lahat ng napili naming antivirus ay nag-aalok ng balik-perang garantiya, kaya maaari mong subukan ang mga ito bago ka bumili. Nag-aalok din sila ng mga package para sa proteksiyon ng ilang device at mga karagdagang feature na maituturing na mahalagang puhunan sa online na proteksiyon.
Mga Sikat na Brand ng Antivirus na Hindi Namin Gaanong Gusto:
Baka napansin mong wala ang ilan sa mga pinakamalaking pangalan sa merkado ng antivirus. Tandaan na may mahigit 50 antivirus brand, at sinisikap naming limitahan ang listahan sa pinakamahuhusay. Hindi pumasa ang ilan sa mga kilalang-kilala dahil hindi lang sapat ang kanilang galing para magkapuwesto sa aming listahan, dahil sa paglabag sa seguridad, o dahil baka nakompromiso na dati.
- Kaspersky. Perpekto ang antivirus engine nito. Pero may mga paratang na nakikipagsabwatan sila sa Federal Security Service ng Russia. Sa katunayan, mula noong 2017, ipinagbabawal na ng U.S. Department of Homeland Security ang mga produkto ng Kaspersky sa lahat ng departamento ng gobyerno. Napakalaking dagok nito sa reputasyon ng Kasperky, bagay na hindi natin dapat balewalain.
- Avast & AVG. Alam mo bang inalis ng Mozilla, Opera, at Chrome marketplace ang Avast sa kanilang mga marketplace mula noong 2019? Ang Avast ay di-umano'y nagbebenta ng data ng user sa malalaking korporasyon para sa layunin ng marketing. Sa panahong malaking isyu ang pagkapribado online, hindi tayo dapat magbulag-bulagan sa malaking pagkakamaling ito sa seguridad.
- ESET. Mataas ang rating ng antivirus software na ito, pero sa palagay namin, mas angkop ito sa mga korporasyon at negosyo kaysa pamilya o indibidwal na mga user. May home edition sila, pero may kahirapan itong gamitin.
Paghahambing ng Feature ng mga Nangungunang Antivirus Program
Brand | Firewall | System Optimization | Password Manager | VPN | Real-time na Proteksiyon | Libreng Bersiyon |
---|
TotalAV | ✔ | ✔ | ✔ | ✔ | ✔ | ✔ |
Panda | ✔ | - | ✔ | ✔ | ✔ | - |
Aura | ✔ | ✔ | ✔ | ✔ | ✔ | - |
Mga Nangungunang Antivirus Program - Mga Madalas Itanong
🏆 Ano ang pinakamahusay na antivirus para sa mga gumagamit ng Windows?
Magagamit ang mga brand sa aming nangungunang 10 rekomendasyon sa mga pinakabago at naunang bersiyon ng Windows - mula Windows 7 hanggang Windows 10. Kung naghahanap ka ng LIBRENG antivirus program, mahirap talunin ang TotalAV. Kung kaya mong magbayad ng serbisyo, ang Norton ang pinakamainam na pipiliin.
🍎 Ano ang pinakamahusay na antivirus para sa mga gumagamit ng Apple / Mac?
Magagamit ang lahat ng nangungunang rekomendasyon sa listahan namin sa itaas sa lahat ng operating system, kabilang ang Apple o Mac. Ang Intego ang numero uno naming rekomendasyon dahil eksklusibo itong idinisenyo para sa mga produkto ng Apple. Isa pang magandang rekomendasyon ang Norton. Tingnan ang listahan naming Pinakamahusay na Mac Antivirus Software 2025 para sa higit pang mga detalye.
📲 Ano ang pinakamahusay na antivirus para sa mga Android smartphone?
Norton ang paborito naming antivirus app para sa mga android device. Depende sa package na pipiliin, maaari kang magkaroon ng 3, 5, o 10 lisensiya para maprotektahan ang lahat ng device ng iyong pamilya. May pambihira ding track record ang Norton pagdating sa pag-scan sa trabaho at pagprotekta laban sa mga malisyosong app. Ang tanging isyu sa Norton, hindi ito ang pinakamurang AV engine. Para sa mga gustong makamura, ang TotalAV app ang pinakamainam para sa Android. Bagama't hindi ito libre tulad ng kanilang desktop software, napakamura na nito sa halagang $2.95 lang!
📱 Ano ang pinakamahusay na antivirus app para sa mga gumagamit ng iPhone?
Bagama't itinuturing na mas ligtas ang iOS ng Apple kaysa Android, maling isipin na 100% protektado ito laban sa mga hacker. Totoo, mas mahirap itong i-hack kaysa Android device, pero hindi ito imposible. Inirerekomenda pa rin namin ang pagkuha ng disenteng antivirus app para maprotektahan ang phone mo mula sa mga phishing scam at pagnanakaw ng data, at para mapanatag din ang loob mo habang nagbabangko, namimili, o nagba-browse lang sa web. Para sa mga gumagamit ng iPhone, inirerekomenda namin ang alinman sa Norton o Bitdefender.
Transparensiya at Pagtitiwala: Nilalayon ng website na ito na tulungan kang mahanap ang perpektong software para sa mga pangangailangan mo sa pamamagitan ng madaling maintindihang listahang naghahambing. Maaari mong mabasa sa seksiyong Tungkol sa Amin ng website na ito ang higit pa tungkol sa kung paano kami nagsusuri at tungkol sa background namin. Hindi itinatampok ng Software.fish ang lahat ng software sa merkado, sa halip ay pinipili namin kung ano ang itinuturing naming nangunguna sa bawat vertical. Sinusubukan naming panatilihing naka-update at bago ang site na ito, pero hindi magagarantiya ang katumpakan ng impormasyon pati na rin ang mga tampok na presyo sa lahat ng oras. Nasa USD ang lahat ng presyong makikita sa site na ito kaya maaaring magkaroon ng kaunting pagkakaiba dahil sa mga pagbabago sa currency. Bagama't libreng gamitin ang site, nakakatanggap kami ng mga komisyon mula sa kasosyo naming mga kompanya ng software. Kung nag-click ka sa isa sa mga link namin at pagkatapos ay bumili, babayaran kami ng kompanyang iyon. Nakakaapekto ito sa pagraranggo, iskor, at pagkakasunod-sunod ng presentasyon ng software sa aming listahan at sa ibang lugar sa buong site. HINDI nagpapahiwatig ng pag-endorso ang mga listahan ng software sa page na ito.