KULANG SA ORAS? ITO ANG BUOD
Kilalang kompanya ng cybersecurity ang Bitdefender na nag-aalok ng mga produkto at serbisyong poprotekta sa mga indibidwal at negosyo laban sa mga cyber threat. User-friendly ang interface ng software nito at may kasamang dagdag na mga feature tulad ng VPN, proteksiyon sa webcam, proteksiyon sa pag-atake sa social media, at marami pa. Magaling sa trabaho nito ang Bitdefender, minimal lang ang epekto sa system resources, at madaling gamitin sa lahat ng platform. Mahusay rin ang proteksiyon nito sa web at nakatanggap na ng maraming parangal mula sa iba't ibang independiyenteng laboratoryo na sumusuri ng mga software. Sa pangkalahatan, inaasahan ang Bitdefender na magiging isa sa mga nangungunang antivirus program sa 2025.
Kilalang kompanya ng cybersecurity ang Bitdefender na nag-aalok ng mga produkto at serbisyong poprotekta sa mga indibidwal at negosyo laban sa mga cyber threat. User-friendly ang interface ng software nito at may kasamang dagdag na mga feature tulad ng VPN, proteksiyon sa webcam, proteksiyon sa pag-atake sa social media, at marami pa. Magaling sa trabaho nito ang Bitdefender, minimal lang ang epekto sa system resources, at madaling gamitin sa lahat ng platform. Mahusay rin ang proteksiyon nito sa web at nakatanggap na ng maraming parangal mula sa iba't ibang independiyenteng laboratoryo na sumusuri ng mga software. Sa pangkalahatan, inaasahan ang Bitdefender na magiging isa sa mga nangungunang antivirus program sa 2025.
👍 KAPAKINABANGAN:
- Real-time na proteksiyon laban sa lahat ng virus at ransomware
- Mga regular na pag-update sa software para labanan ang mga bagong banta
- May mga feature na wala sa karamihang antivirus software: kontrol para sa magulang
- Matibay na depensa laban sa malware na pinatutunayan ng matataas na marka sa pagsusuri ng ilang independiyenteng lab
- Pinoprotektahan ang online na pagkapribado at personal na impormasyon para makapag-browse at makapamili ka nang ligtas
- Malakasang proteksiyon laban sa mga pag-atake ng phishing
- Malaking dagdag-puntos ang seguridad para sa webcam at mic
- Multi-platform na suporta
- Malinis at maayos na user interface
- Ini-scan ang mga profile mo sa social networking para sa mga mapaminsalang link at iba pang mga cyber threat
- Kapag na-install na, tahimik na gumagana ang Bitdefender sa background at bihirang makaistorbo sa ibang mga program
- Maliit na footprint na may minimum na kahingian sa system resources, kaya maayos itong gumagana kahit sa mas luma o lower-end na mga computer
- May ilang plan para sa parehong mga user sa bahay at negosyo
- May coverage para sa Identity Theft na hanggang tinatayang P110 milyon
- 24/7 na customer at tech support sa pamamagitan ng phone, chat, email, forum ng Bitdefender, at maging Twitter
👎 KAHINAAN:
- Mga limitadong feature sa Mac kompara sa Windows
- Medyo hindi ganoon kaganda ang iOS app
- Mas mabilis pa sana ang pag-scan
- Limitado ang VPN sa 200MB bawat araw
- Magagamit lang ang ilang feature para sa may bayad na bersiyon ng software
Bumili ng Bitdefender – Protektahan ang mga Device Mo!
BITDEFENDER KEY DATA
GENERAL INFO:
Presyo: Mula P1340
Balik-perang Garantiya: OO
Mga Platform: Windows, macOS, Android, iOS
PAG-SCAN:
Real-time na Antivirus: OO
USB Virus na pag-scan: OO
Awtomatikong Pag-scan ng Virus: OO
Mano-manong Pag-scan ng Virus: OO
Registry Startup na Pag-scan: OO
Nakaiskedyul na Pag-scan: OO
URI NG BANTA:
Anti-Spyware: OO
Anti-Trojan: OO
Anti-Phishing: OO
Anti-Adware: OO
Anti-Ransomware: OO
Anti-Malware: OO
Proteksiyon sa Email: OO
Anti-Fraud: OO
Anti-Adware: HINDI
Anti-Worm: OO
Anti-Rootkit: OO
Anti-Spam: OO
Proteksiyon sa Chat/IM: HINDI
KARAGDAGANG MGA FEATURE:
Personal na Firewall: OO
Monitor ng Microphone: OO
Proteksiyon sa Webcam: OO
Password Manager: OO
Anti-Tracker: OO
Gamer Mode: OO
Pag-encrypt ng File: OO
Smartphone Optimizer: HINDI
Ligtas na Browser: OO
Ligtas na Online Banking: OO
Mga Kontrol para sa Magulang: OO
Serbisyong VPN: OO
Proteksiyon sa Social Network: OO
File Shredder: OO
Mode ng Baterya: OO
Pag-tune-up ng Device: OO
SUPORTA:
Live Chat: OO
Suporta sa Email: HINDI
Suporta sa Telepono: OO
Suporta sa Tiket: OO
ALAMIN KUNG ANO ANG SINASABI NG MGA USER
Trustpilot Rating: 4.1 sa 5 stars mula sa 5,717 rebyu
"Napakagandang customer experience kapag ginamit ito. Ginagawa ng produktong ito ang ipinapangako nito nang wala o halos walang kinakailangang interaksiyon. Kaya nagagamit kong pareho ang laptop at mobile ko para makapagtrabaho nang hindi inaalala kung paano at kung ano ang ginagawa nito. Sa mga nakaraang security provider, araw-araw ang abala at pag-update. Natatangi ang customer service ng Bitdefender. Nagkaisyu ako sa malware sa mobile ko bago i-load ang Bitdefender, at sa tulong at pag-unawa nila, nasolusyonan agad ang isyu."
"Dalawang taon ko nang ginagamit ang proteksiyong Bitdefender Total at VPN. Madaling i-install nang walang mapapansing paghina ng performance ng system. Ang maganda pa rito ay ang Bitdefender Central portal na tumutulong sa iyong masubaybayan ang lahat ng device mo na may naka-install na Bitdefender. Madaling i-configure. Ang mga update ay puwedeng kada oras o hanggang kada 24 oras, at lahat maliban sa mga update sa feature ay "tahimik" na nag-i-install kaya iwas-abala. Pambihirang produkto sa presyong abot-kaya."
"May mga glitch at isyu sa VPN, kaya nag-email ako sa Bitdefender at nakatanggap ng tugon na may napakalinaw na direksiyon kung paano lutasin ang isyu. Hindi lang malinaw ang komunikasyon nila sa akin, kundi masasabi mong pinapahalagahan nila ang pagtuturo sa mga kostumer nila kung paano sosolusyonan at uunawain ang mga isyu. Bilib ako sa Customer Care ng Bitdefender."
"Palagi akong natataranta at nababalisa kapag iniisip kong may virus ang computer ko. Protektado ng Bitdefender ang computer ko. Isang beses ko lang kinailangang kontakin ang Bitdefender, at sa loob ng 1 oras, tumugon si Alberto M. at sinolusyonan ang problema ko, at matiyaga nilang ipinaliwanag sa akin kung ano ang isyu at tinuruan ako kung paano ko ito lulutasin nang ako lang at kung paano ko ito maiiwasang mangyari ulit. ITO talaga ang masasabing customer service. Salamat!"
MGA FEATURE
Gumagamit ang Bitdefender ng kombinasyon ng mga behavioral at heuristic na teknolohiya sa pag-detect para magbigay ng ganap at real-time na proteksiyon laban sa lahat ng uri ng mga banta: mga virus, worm, Trojan, adware, spyware, zero-day exploits, rootkit, at ransomware. Mula sa mga URL na nauugnay sa botnet hanggang sa mga brute force na pag-atake, nagpoprotekta rin ito sa antas ng network para pigilan ang intrusion bago pa ito mangyari. Ipinagmamalaki ng Bitdefender ang mga tool sa seguridad na may ilang layer, at narito ang ilan sa mga ito:
MAY MGA EKSTRA BA?
Higit pa sa proteksiyong antivirus ang binibigay ng Bitdefender at naglabas pa ito ng ilang feature sa pagkapribado para manatili kayong ligtas at pribado ng pamilya mo sa web. Narito ang ilan sa mga ito:
LIGTAS AT MAAASAHAN NAMAN BA ITO?
Angat ang Bitdefender sa mga independiyenteng lab test at kamakailan ay nanguna sa Product Review and Certification ng AV-TEST. Sinusukat ng AV-Test ang mga produktong panseguridad sa tatlong kategorya na may tig-6 na puntos: proteksiyon laban sa mga malware, epekto sa bilis ng computer sa araw-araw na paggamit, at usability. Nakamit ng Bitdefender Internet Security ang halos perpektong iskor na 17.5 sa 18 posibleng puntos, at nakuha nito ang inaasam-asam na "Top Product" na parangal. Apat na beses na ring napaparangalan ang Bitdefender ng Product of the Year ng AV-Comparatives, bagay na hindi matatapatan ng ibang antivirus program. Patunay ito ng bisa nito laban sa Zero-Day at malawakang malware.
Noong Hulyo 2021, ang Bitdefender ay Approved For Anti-Phishing ng AV-Comparatives na may protection rate na 87%. Sinubukan ito laban sa 260 phishing URL na tumatarget ng mga kredensiyal sa pag-log-in sa email, bangko at mga credit card, PayPal, eBay, DropBox, mga social network, online na laro, at iba pang mga online na serbisyo.
Nakakuha rin ang Bitdefender ng protection rating na 99.9% sa Real-World Protection Test, na nagpoposisyon dito kahanay ng Avast, AVG, at Panda. May kalahating bilyong user at maraming parangal mula sa mga independiyenteng testing lab at tech review site tulad ng PCMag, pinapatunayan ng Bitdefender na isa ito ngayon sa pinakaligtas at pinakamaaasahang solusyon sa seguridad.
DALI NG PAGGAMIT AT PAG-SETUP
Madali at ilang minuto lang ang pag-install ng Bitdefender. Kapag na-install na, may mabilis na "tour" ng interface. Puwede mo na itong laktawan kung nakagamit ka na dati ng antivirus. Malaking tulong ito sa mga wala pang gaanong karanasan. Maganda ang pagkakaayos ng dashboard ng Bitdefender na may malalaking pindutan at komprehensibong toolbar. Magugustuhan mo ang Quick Actions dahil puwede mong i-pin ang mga feature sa dashboard para hindi mo na kailangang mag-navigate sa partikular na module kapag kailangan mo ito. Kasama sa mga feature na maaaring i-pin ang Quick Scan, System Scan, Vulnerability Scan, Wallet, Safepay, VPN, File Shredder, at OneClick Optimizer. Sa ngayon, puwede ka lang mag-configure ng hanggang 6 na Quick Actions, pero puwede mo itong iedit at baguhin anumang oras kung gusto mong palitan ang isang naka-pin na feature.
PABABAGALIN BA NITO ANG COMPUTER KO?
Pagkatapos i-install ang Bitdefender, nakakita kami ng 13 bagong proseso sa background, mga driver ng filter, at iba pang mababang antas ng kalat sa aming system. Puwede mong isipin na magdudulot ito ng pagbagal sa computer, pero kapag ganap nang integrated ang antivirus, wala kaming napansing malaking pagkakaiba sa performance ng system namin. May ilang feature sa pag-optimize ng device ang Bitdefender para mapabilis at mapabuti ang performance ng device mo. Kabilang dito ang Bitdefender Photon™, Global Protective Network, Game, Movie, at Mga Profile sa Trabaho, pati na rin ang Battery Mode.
PAGPEPRESYO AT MGA PLAN
May ilang security package ang Bitdefender para sa iba't ibang user: indibidwal, tahanan, pamilya, maliit na negosyo, mid-market, at enterprise. Makakapag-subscribe ang mga user sa bahay sa Bitdefender Antivirus Plus, Internet Security, at Total Security sa halagang P1340 hanggang P2010 para sa unang taon. Mas komprehensibo at nagkakahalaga ng hanggang P27900 ang mga plan sa negosyo na tinatawag nilang GravityZone. Pero kakailanganin mo lang ito kung poprotektahan mo ang hanggang 100 device, 4 na server, at 15 mailbox. Para sa mga karaniwang user, sapat na ang kanilang mga produkto sa bahay na magagamit sa 3-5 device.