Itinatag noong 1991, ang Norton ang isa sa mga pinakamalaking pangalan sa negosyo ng seguridad. Totoong beterano na ito, pero malinaw na hindi napag-iiwanan. Palagi itong nangunguna sa taunan naming ranking dahil sa di-mapantayang rates nito sa detection at real-time na proteksiyon sa mga virus, malware, ransomware, spyware, at iba pang mga uri ng banta. Gusto rin namin ang lahat ng bagong bonus na feature tulad ng School Time, Credit Monitoring, SafeCam, Phone Takeover Monitoring, Bank & Credit Card Activity Alerts, at marami pang iba. Mabilis at mabisa, nag-aalok ang Norton ng maraming plan at serbisyong tumutugon sa mga pangangailangan mo. Basahin nang buo ang rebyu namin para makakuha ng detalyadong impormasyon sa mga feature, pagpepresyo, customer service, dali ng paggamit, epekto ng system, at iba pa.
- Pumoprotekta laban sa lahat ng uri ng malware, virus, spam, at iba pa
- Dine-detect at bina-block ang phishing na mga website at mga kahina-hinalang email
- Proaktibong proteksiyon gamit ang Smart Firewall + Intrusion Prevention System
- Bina-block ng SafeCam ang hindi awtorisadong pag-access sa webcam mo
- Malakasang proteksiyon sa pagnanakaw ng pagkakakilanlan
- Puwedeng ma-customize ang mga feature ng seguridad
- May cloud backup na storage
- Napakahusay na mga tool sa seguridad ng mobile
- Mabilis at tahimik na pag-scan nang may maliit na epekto sa system
- Tuloy-tuloy na proteksiyon sa home at public wireless network
- Hindi malakas kumain ng resources, kaya gumagana rin ito sa mga mas lumang device
- Makatwirang presyo
- 60 Araw na Balik-perang Garantiya at Pangako sa Proteksiyon sa Virus
- Limitado ang mga kakayahan sa pag-uulat
- Hindi suportado sa MacOS ang ilang feature tulad ng Kontrol para sa Magulang at SafeCam
- Hindi puwede sa Linux
Bumili ng TotalAV – Protektahan ang mga Device Mo!
NORTON ANTIVIRUS KEY DATA
PANGKALAHATANG IMPORMASYON:
Presyo: Mula P830
Balik-perang Garantiya: OO
Mga Platform: Windows, Mac, Android, iOS
PAG-SCAN:
Real-time na Antivirus: OO
Pag-scan ng USB Virus: OO
Awtomatikong Pag-scan ng Virus: OO
Mano-manong Pag-scan ng Virus: OO
Pag-scan ng Registry Startup: OO
Nakaiskedyul na Pag-scan: OO
URI NG BANTA:
Anti-Spyware: OO
Anti-Trojan: OO
Anti-Phishing: OO
Proteksiyon ng Email: OO
Pag-iwas sa Adware: HINDI
Anti-Worm: OO
Anti-Rootkit: OO
Anti-Spam: OO
Proteksiyon ng Chat/IM: HINDI
KARAGDAGANG MGA FEATURE:
Personal na Firewall: OO
Gamer Mode: HINDI
Pang-optimize ng Smartphone: HINDI
Ligtas na Browser: HINDI
Mga Kontrol para sa Magulang: OO
Serbisyong VPN: OO
Pag-tune-up ng Device: OO
SUPORTA:
Live Chat: OO
Suporta sa Email: OO
Suporta sa Phone: OO
Suporta sa Tiket: HINDI
ALAMIN KUNG ANO ANG SINASABI NG MGA USER
"Senior na ako at hindi ako tech-savvy. Nanakaw ang pagkakakilanlan ko at kinailangan kong humanap ng paraan para ma-secure ang computer ko at iba ko pang mga smart device. Marami akong sinubukan, pero wala akong nakita ni isa na kayang i-secure ang mga account ko. Saka ko nakita ang NORTON 360! Bumili ako ng isang premium package, na sobrang okay ang presyo, at hulog ng langit ang bagong IP address at ang kanilang password manager! Hindi na na-breach ang desktop, phone, o seguridad ng system, kompara noong bago ako mag-subscribe, na kailangan kong gumawa ng mga bagong password para sa mga account ko buwan-buwan! Panalo ang produkto, hindi mapantayan ang customer service, at hindi mo kailangang maging technical wizard para magamit ito! Ito na ang pinakamagaling na nabili kong software sa seguridad (at marami na akong nasubukan)."
"Napakagaling nitong produkto na ilang taon ko nang ginagamit. Laging mataas ang marka/reward nito sa mga independent malware testing lab para sa proteksiyon, magaan sa system ko, at nagtatampok ng isa sa mga pinakamahusay na 2-way na firewall sa market. Ang talagang gusto ko ay ang insight module na nagre-rate sa kaligtasan ng isang program. Gustong-gusto ng mga anak ko ang Minecraft mods, at magandang makita na marami na ang nakagamit nito nang ligtas at matagal na ito sa market."
"Mahigit 10 taon ko nang ginagamit ang Norton 360, at hindi na problema ngayon ang pagbagal. Hindi ako gumagamit ng Norton Safe Web, at ayon sa ilang rebyung nabasa ko, ito malamang ang problema. Nag-i-scan lang ito sa background kapag idle ang pc ko. Matagal ko nang hindi tinitingnan ang mga setting, pero sa tingin ko, madali namang maayos ang marami sa mga problemang nararanasan ng iba. Hindi ko kailangang kausapin ang tech support maliban sa pag-renew, at kung gagamit ka ng chat, tutugon sila sa loob lang ng ilang minuto."
MGA FEATURE
Gumagamit ang Norton ng kombinasyon ng machine learning at heuristic analysis kasama ang napakalawak na malware directory para magbigay ng real-time na proteksiyon laban sa lahat ng uri ng cyber threat. Tahimik na gumagana ito sa background, na nagtitiyak na ligtas ang mga device namin sa mga virus, worm, trojan, keylogger, exploit, bot, botnet, rootkit, ransomware, spyware, at marami pang ibang malisyosong program. Nangunguna ang anti-malware engine ng Norton, at napatunayan ito nang matagumpay nitong na-detect ang 100% ng mga malware file mula sa test database namin.
Talagang gusto rin namin ang Smart Firewall ng Norton, na pinapaganda pa ang kung ano na ang meron sa mga device namin. Ang firewall ay nagsisilbing gatekeeper, na nagpoprotekta sa personal mong impormasyon laban sa mga cyberthreat. May 5 layer ang firewall ng Norton: Intrusion Prevention Wall, Antivirus File Scan, Reputation Database, Behavior Monitoring, at Powerful Erase and Repair. Sa isinagawa naming mga test, na-detect din ng Norton ang lahat ng intrusion sa network. Sapat ang lakas ng firewall para sa baguhang user nang walang karagdagang configuration, pero magugustuhan ng mga sanay nang user ang napakaraming opsiyon sa pag-customize.
May dalawang feature din ang Norton na idinisenyo para tulungan kang bumili online o mag-browse at maghanap sa web nang mas ligtas. Tinatawag na Norton Safe Web at Norton Safe Search ang mga browser-add-on na ito. Huwag malito sa mga ito. Pinoprotektahan ng Norton Safe Web ang website sa pamamagitan ng pagsusuri sa binibisita mong mga website. Batay sa mga rating ng kaligtasan, malalaman mo kung walang threat ang website o kung puno ito ng mga virus, malware, spyware, at iba pa. Puwede mo ring i-browse ang Web sa "isolation mode" para protektahan ang sensitibong impormasyon kapag nagna-navigate sa mga financial site tulad ng mga bangko o Paypal mo.
Ang Norton Safe Search ay mas parang search engine. Kapag pinagana mo ito, ang mga resulta ng paghahanap ay naa-annotate ng color-coded na mga assessment — ligtas ang ibig sabihin ng berde, posibleng hindi ligtas ang orange, at mapanganib naman ang pula. Kapag pinagsama-sama, hindi lang pinapaganda ng mga feature na ito ang karanasan mo online. Protektado ka rin laban sa phishing, pagnanakaw ng pagkakakilanlan, at iba pang online na scam.
MAY MGA EXTRA BA?
Walang dudang ang Norton ang isa sa pinakamatatag at may pinakamaraming feature na mga produktong panseguridad, kaya hindi lang ang proteksiyon sa malware at virus ang inaalok nito. Depende sa antivirus package mo, masisiyahan ka sa sumusunod na dagdag na mga feature:
Makikita mong sineseryoso ng Norton ang pagkapribado at proteksiyon sa pagnanakaw ng pagkakakilanlan. Tandaan lang na hindi kasama sa lahat ng plan ang mga feature na nabanggit sa itaas; magagamit lang sa mas mataas na mga package ang ilan sa mga ito.
LIGTAS AT MAAASAHAN BA ITO?
Huwag mag-alala kung tumitingin ka sa mga plan na hindi gaanong komprehensibo, pero mas abot-kaya. Pinapagana ng parehong malware engine ang bawat isa sa mga antivirus package ng Norton. Hindi mo man magamit ang ilang extra, meron ka namang parehong level ng proteksiyon sa mga virus, spyware, malware, ransomware, at iba pang kasalukuyan at umuusbong na mga banta. Sinuri din namin kung gaano kagaling ang Norton sa tatlo sa pinakakilalang testing lab na sumusuri ng mga solusyon sa seguridad: SE Labs, AV-Comparatives, at AV-Test Institute.
Nire-replicate ng SE Labs ang mga live na naka-target na pag-atake at nagbibigay ng 4 na markang letra depende sa husay ng performance ng program ng seguridad. Ang AAA ang pinakamataas, na sinusundan ng AA, A, B, at C. Nakatanggap ang Norton ng AAA na certification sa huling test.
Ine-evaluate ng AV-TEST Institute ang mga solusyon sa seguridad batay sa kanilang proteksiyon, performance, at usability (pinakamataas na 6 na puntos para sa bawat isa). Top Product ang status ng solusyon na nakakakuha ng 17.5 - 18 puntos sa isang 2 buwang test cycle. Nasungkit ng Norton ang pagkilalang ito nang may perpektong iskor na 18 puntos.
Samantala, ine-evaluate ng AV-Comparatives ang mga solusyon batay sa mga pamantayang ito: performance laban sa mga totoong banta sa mga kondisyon sa parehong lab at totoong mundo, pag-detect ng karaniwang malware, mga false positive, proteksiyon laban sa bodiless na mga banta at exploit, at epekto sa performance ng system. Depende sa resulta, makakakuha ng Standard, Advanced, o Advanced+ na certification ang isang solusyon sa seguridad. Nakatanggap ang Norton ng isang Advanced at dalawang Advanced+ sa 3 test.
Batay sa galing ng Norton sa tatlong independent lab test na ito, walang dudang isa ngayon ang Norton sa pinakamaaasahang solusyon sa seguridad sa market.
DALI NG PAGGAMIT AT SETUP
Bumili kami ng Norton 360 Premium para sa rebyung ito, at nasiyahan kami sa dali ng setup. Pagkatapos i-click ang button na "Subscribe Now" at kompletuhin ang proseso ng pagbabayad, ni-run at in-install namin ang software. Tumatagal lang ng ilang minuto ang pag-load bago ka dalhin sa Quick Start Guide at sa dashboard mo sa Norton. Mula roon, puwede mong i-set up at i-customize ang iyong proteksiyon sa Norton. Madali rin itong gamitin, salamat sa intuitive na user interface nito. Maayos ang lahat, at maa-access mo ang mga menu at makakapag-scan ka sa isang click lang. Sa kabila ng dami ng mga feature, madaling i-navigate ang Norton, kahit na ng baguhan.
PABABAGALIN BA NITO ANG COMPUTER KO?
Kilala noon ang Norton Antivirus sa pagiging resource hog, pagkain ng RAM, at pagpapabagal ng mga computer. Masaya kaming makita na parang nagbubunga na ang mga pagsisikap ng Symantec na tugunan ang mga problemang ito. Totoong kailangan pa rin ng 2GB ng RAM space, pero kapag gumagana na ito, tinatayang 50MB na lang ang kailangan, na kapantay ng mga nangungunang solusyon sa seguridad sa industriya. Ano ang ibig sabihin ng 50MB? Nangangahulugan ito na sapat ang bilis nito para makapag-surf ka sa web at magamit ang mga computer na dekada na ang tanda.
PAGPEPRESYO AT MGA PLAN
Ang maganda sa Norton, meron itong plano para sa halos lahat ng user: mga mag-aaral, propesyonal, maliliit na negosyo, manlalaro, pamilya, negosyo, at iba pa. Sa ngayon, may 4 silang komprehensibong plan: Norton Antivirus Plus, Norton 360 Deluxe, Norton 360 Premium I, at Norton 360 na may Lifelock Select. Nag-iiba-iba ang presyo dahil may okasyonal na mga promo sila sa buong taon. Puntahan ang link namin para makakuha ng 50%-85% diskuwento at magbayad lang ng P555 hanggang P4440 sa unang taon mo!
CUSTOMER SUPPORT
Makokontak mo ang customer support ng Norton sa apat na paraan. Magagamit ang phone support sa mga oras ng pagnenegosyo mula 9am hanggang 9pm, Lunes hanggang Linggo. Kung kailangan mong makausap ang live na ahente sa labas ng mga oras na ito, puwede kang pumunta sa chat na bukas 24/7. Sinubukan namin ang opsiyon na chat, at may nakausap na kaming live na ahente wala pang isang minuto. Nakatulong ang CSR at nag-alok pa ng remote na tulong! May Facebook at Twitter ang Norton at meron din itong komprehensibong community forum. Pero napansin naming walang gaanong engagement ang mga post, kaya kung hindi mo kailangan ng feedback ng ibang mga user, mas mabuting kontakin mo na lang ang support sa pamamagitan ng chat.
ANG HATOL
Alam na natin ngayon kung bakit kilalang-kilala ang Norton. Pangmalakasan ang anti-malware engine nito, pambihira ang mga tool sa seguridad, may mga feature na hindi makikita sa ibang mga solusyon sa seguridad, madaling gamitin ang online dashboard, at malaking tulong ang customer support nito. Magaan din ito at gumagana sa mga mas lumang device at magagamit sa lahat ng pangunahing platform — Windows, Mac, Android, at iOS. Kung naghahanap ka ng abot-kayang solusyon sa antivirus na may mga feature na singgaling ng mas mahal na mga produkto, tiyak na sulit subukan ang Norton.