KULANG SA ORAS? ITO ANG BUOD

Ang Avast Antivirus ay malakasang tool sa cybersecurity na may maraming feature sa proteksiyon. Mula sa pag-detect ng malware hanggang sa real-time na pag-scan, ginawa ang Avast para pangalagaan ang mga device mo sa mga online na banta. Ipinagmamalaki nito ang user-friendly na interface na angkop para sa mga baguhan habang nag-aalok ng mga advanced na opsiyon para sa mga naghahanap ng mas abanteng pag-customize. Ginagamit ito ng mahigit 435 milyong user sa buong mundo at pinipigilan ang mahigit 1.5 bilyong banta bawat buwan. Sa Avast, makakaasa kang mananatili kang ligtas sa digital na mundo nang hindi nakokompromiso ang performance.
👍 KAPAKINABANGAN:
  • Malakasang proteksiyon sa malware
  • User-friendly na interface
  • Premyadong antivirus software
  • Real-time na pag-scan
  • Maramihang layer ng seguridad
  • Mga makabagong tool sa pagkapribado at seguridad
  • Nade-detect kahit na ang mga bago at lumalakas na mga banta
  • Nako-customize na mga setting ng seguridad
  • 435+ milyong user sa buong mundo
  • Web Shield at Email Shield para sa karagdagang proteksiyon
  • Protektado ang hanggang 10 device
  • Maganda ang performance sa mga independiyenteng lab test
  • Mahigit 30 taon ng kahusayan
👎 KAHINAAN:
  • Available lang ang ilang advanced na feature sa mga premium na plan
  • Paminsan-minsang mga pop-up ad para sa mga karagdagang produkto

Bumili ng Avast - Protektahan ang mga Device Mo!


AVAST KEY DATA

PANGKALAHATANG IMPORMASYON:

Presyo: Mula P1700
Balik-perang Garantiya: OO
Mga Platform: PC, Mac, Android, at iOS

PAG-SCAN:

Real-time na Antivirus: OO
Pag-scan ng USB Virus: OO
Awtomatikong Pag-scan ng Virus: OO
Mano-manong Pag-scan ng Virus: OO
Pag-scan ng Registry Startup: OO
Nakaiskedyul na Pag-scan: OO


URI NG BANTA:

Anti-Spyware: OO
Anti-Trojan: OO
Anti-Phishing: OO
Pag-iwas sa Adware: OO
Anti-Ransomware: OO
Anti-Malware: OO
Proteksiyon ng Email: OO
Anti-Worm: OO
Anti-Rootkit: OO
Anti-Spam: OO
Proteksyon ng Chat/IM: OO

KARAGDAGANG MGA FEATURE:

Personal na Firewall: OO
Password Vault: OO
Tagasuri ng Pagnanakaw ng Pagkakakilanlan: OO
Ad Blocker: OO
Gamer Mode: OO
Pang-optimize ng Smartphone: OO
Ligtas na Browser: OO
Mga Kontrol para sa Magulang: HINDI
Serbisyong VPN: OO
Pag-tune-up ng Device: OO

SUPORTA:

Live Chat: OO
Suporta sa Email: OO
Suporta sa Telepono: OO
Suporta sa Tiket: OO


ALAMIN KUNG ANO ANG SINASABI NG MGA USER

“Nasabihan ako tungkol sa Avast noong 2006. Mga 14 taon ko nang ginagamit ang libreng bersiyo. Tatlong taon nang premium ang gamit ko at nasisiyahan naman ako. Inirekomenda ko ang Avast sa katrabahong kaibigan dahil sinabi niyang mabagal ang computer niya. Sinabi niyang dalawang beses niyang pinagana ang anti-virus at bumilis ang computer niya. Meron din nito ang mga computer ng mga kamag-anak ko at anumang computer na ginawa ko para sa pamilya at mga kaibigan. Kakagawa ko lang ng computer para sa pamangkin ko noong Agosto 19, 2023. May Avast sa computer niya.”

“Naiiwasan ko ang mga mapanganib na site dahil sa abisong ibinibigay sa akin ng Avast kapag nagki-click ako ng mga link at napupunta ako sa mga ito. Nila-lock ng ibang mga anti-virus program ang computer ko, pero pagkatapos gamitin ang Avast sa loob ng mahigit sampung taon, hindi pa nangyayari ito.”

“Inirerekomenda ko ang Avast dahil pinoprotektahan nito ang impormasyon mo laban sa mga cyber attack, data breach, at lahat ng uri ng masasamang bagay sa web. Kriminal ang pagnanakaw ng pangunahing impormasyon pero ginagawa nila ito dahil wala silang pakialam. Protektahan ang sarili mula sa maling impormasyon at mga scammer na naka-link sa dark web. Walang nakakalusot sa Avast. Mag-scan at malalaman mo kung ano ang mali sa computer mo at aalisin nito ang masasamang bug na wala dapat doon.”


MGA FEATURE

Pangmalakasan ang Avast Antivirus, salamat sa mga feature na ginawa para protektahan ang mga device mo laban sa mga di-mabuting layunin. Narito ang detalyadong breakdown ng bawat feature at kung ano ang pakinabang nito:

  • Real-time na Pag-scan: Tuloy-tuloy na minomonitor ng real-time na pag-scan ng Avast ang system mo para sa mga malisyosong file at aktibidad. Mabilis nitong nakikilala at inaalis ang mga bantang pausbong pa lang, na nagtitiyak na ligtas ang mga device mo sa lahat ng oras.

  • Web Shield: Ang feature na Web Shield ay nagsisilbing proteksiyon na hadlang laban sa mga mapanganib na website at online na banta. Hinaharangan nito ang akses sa mga malisyosong site, na pumipigil sa mga potensiyal na impeksyon ng malware at mga pagtatangka sa phishing.

  • Email Shield: Gamit ang Email Shield, hindi uubra sa inbox mo ang mga phishing attack at malisyosong attachment. Ini-scan nito ang mga papasok na email at tinitiyak na hindi mapapasok ng mapaminsalang content ang system mo sa pamamagitan ng mga komunikasyon mo sa email.

  • Smart Scan: Ang Smart Scan ay komprehensibong feature sa pag-scan na masusing sinusuri ang device mo, masigasig na naghahanap ng mga kahinaan na maaaring nakatago sa mga lugar na mahirap hanapin.

  • Wi-Fi Inspector: Ini-scan ng Wi-Fi Inspector ang network mo para sa mga kahinaan at tinitiyak na mananatiling ligtas ang koneksiyon mo sa Wi-Fi. Tinutukoy nito ang mga potensiyal na kahinaan at nagpapayo kung paano tugunan ang mga ito, kaya lumalakas ang proteksiyon ng network mo.

  • Behavior Shield: Ang Behavior Shield ay dinamikong defense mechanism na tumutukoy at pumipigil sa kahina-hinalang behavior ng mga application. Pinipigilan nito ang mga potensiyal na mapaminsalang programa na magdulot ng pinsala sa pamamagitan ng real-time na pagsusuri sa mga aksyon nito.

  • Firewall: Ang Firewall ng Avast ay nagsisilbing digital gatekeeper, na kumokontrol sa papasok at papalabas na traffic sa network. Nagbabantay ito laban sa di-awtorisadong akses, na nagbibigay ng karagdagang layer ng seguridad sa system mo.

  • CyberCapture: Ang CyberCapture ay feature na awtomatikong nagpapadala ng mga potensiyal na kahina-hinalang file sa Cloud para masuri. Kung kinakailangan, nagbibigay ito ng solusyon sa mga user ng Avast para matugunan ang anumang na-detect na mga banta.

  • Ransomware Shield: Pinoprotektahan ng feature na ito ang mahahalagang file mo laban sa mga atake ng ransomware. Minomonitor at hinaharang nito ang mga kahina-hinalang aktibidad, na nagtitiyak na hindi makakalapit sa data mo ang malisyosong bantang ito.

  • Quarantine: Ang Quarantine ay ligtas na lagayan ng mga potensiyal na mapaminsalang file, at epektibong inihihiwalay ang mga ito sa iba pang bahagi ng operating system mo para maiwasan ang anumang karagdagang pinsala o potensiyal na banta.

  • Anti-Phishing: Tinutukoy at hinaharang ng Anti-Phishing na teknolohiya ng Avast ang mga pagtatangka sa phishing, o mga mapanlinlang na pagtatangka para makakuha ng sensitibong impormasyon tulad ng mga password o detalye ng credit card. Pinipigilan ka nitong mabiktima ng mga online scam.

  • Rescue Disk: Magaling na tool ang Rescue Disk na detalyadong ini-scan ang device mo kahit na naka-off ang system mo. Dahil dito, panatag ang loob mong ligtas na maaalis ang malware at iba pang mga malisyosong banta.

  • Mga Alerto sa Data Leak: Makatanggap ng mga agarang abiso kung nakompromiso ang anumang password na nauugnay sa email account mo, kaya alam mo ang tungkol sa mga potensiyal na paglabag sa seguridad.

    Gumagana ang iba't ibang features ng Avast Antivirus para magbigay ng komprehensibong proteksiyon, na magtitiyak na ligtas ang digital mong mundo, pribado ang personal mong data, at protektado ang mga online na aktibidad mo laban sa napakaraming banta.


    MAY MGA EXTRA BA?

    Higit sa karaniwan ang Avast. May mga karagdagang feature ito na nagbubukod dito sa iba pang mga antivirus program:

  • SecureLine VPN: Ine-encrypt ng SecureLine VPN ang koneksiyon mo sa internet, kaya mas nasisiguro ang pagkapribado at anonymity online. Pinipigilan nito ang iba na mapasok ang data mo habang gumagamit ng mga pampublikong Wi-Fi network.

  • Avast Cleanup: Ginawa ang feature na ito para pahusayin ang performance ng device mo. Nililinis nito ang junk files, inaalis ang mga natirang data, at tinatanggal ang mga di-kinakailangang program, kaya lumalaki ang espasyo ng storage. Nagbibigay rin ang Avast Cleanup ng awtomatikong updates sa software at hina-hibernate ang mga app na mabigat sa resources, at marami pa, kaya tiyak na gagana nang maayos at mahusay ang device mo.

  • Webcam Shield: Kapag na-activate, bina-block ng Webcam Shield ang anumang pagtatangka ng mga hindi awtorisadong application na i-access ang webcam mo nang walang pahintulot mo. Minomonitor nito ang aktibidad ng mga application na maaaring magtangkang i-access ang webcam mo, tulad ng mga video conferencing app, browser, o malware. Kung sinusubukan ng isang application na i-access ang webcam mo nang walang pahintulot mo, agad kang aabisuhan ng Webcam Shield at ipo-prompt ka na pahintulutan o i-block ang tangkang pag-access.

  • SafeZone Browser: Ang SafeZone Browser ng Avast ay nagbibigay ng ligtas na pag-browse, na nagpoprotekta sa iyo laban sa mga website na may malware at mga potensiyal na banta habang bumibili, nagbabangko, o nagba-browse ka online.

  • Password Manager: Tinatago at tinitiyak na ligtas ng Password Manager ng Avast ang mga password mo, kaya mas madaling i-manage ang mga kredensiyal mo habang pinapanatiling ligtas ang mga ito mula sa masasamang loob. Nagpo-promote ng malakasan at natatanging mga password ang feature na ito para sa lahat ng account mo, kaya nababawasan ang risk ng hindi awtorisadong pag-access.

  • Proteksiyon sa Pagnanakaw ng Pagkakakilanlan: Magagamit sa Avast One Platinum, nakatutok ang feature na ito sa pagprotekta sa personal mong impormasyon mula sa mga online na banta at pagnanakaw ng pagkakakilanlan. Aktibo nitong minomonitor ang iba't ibang online sources, kabilang ang dark web, para ma-detect ang anumang exposure ng sensitibong data mo. Kung may makitang kahina-hinalang aktibidad, makakatanggap ka ng mga agarang alerto, para maaksiyonan agad at ma-secure ang pagkakakilanlan at pagkapribado mo.

  • Game Mode: Sa Avast Game Mode, mapapaganda mo ang karanasan mo sa paglalaro sa pamamagitan ng pag-optimize sa performance ng system mo. Priyoridad ng feature na ito ang mga system resource mo para matiyak na maayos na gumagana ang laro mo, nang walang anumang hindi kaaya-ayang pagkaantala.

  • Data Shredder: Tinitiyak ang permanenteng pag-alis ng mga sensitibong file sa pamamagitan ng pag-overwrite sa mga ito, para hindi na ma-recover ang mga ito.

  • Bank Mode: Pinoprotektahan nito ang online banking at shopping mo sa pamamagitan ng pag-secure ng iyong mga password, detalye ng credit card, at personal na impormasyon. Para magamit ang feature na ito, kakailanganin mong i-install ang Avast Secure Browser na libreng mada-download.

    Tandaan na magagamit lang ang ilan sa mga karagdagang feature tulad ng VPN sa komprehensibong Avast One package.


    LIGTAS BA AT MAAASAHAN BA ITO?

    Hindi matatawaran ang reputasyon ng Avast sa cybersecurity. Pambihira ang rates nito sa pag-detect ng malware at ang madalas na pag-update ng virus definition, kaya handang-handa ang Avast na direktang harapin ang mga umuusbong na banta. Nag-aambag ang malaking user base nito sa pagpapahusay ng mga kakayahan nito sa pag-detect, kaya kumpiyansa itong mapoprotektahan ang kaligtasan ng mga user nito.


    DALI NG PAGGAMIT AT SETUP

    Madali lang i-set up ang Avast Antivirus, kahit na para sa mga hindi gaanong marunong sa teknolohiya. Gagabayan ka ng intuitive na interface sa proseso ng pag-install, at madaling ma-access sa dashboard ang mga feature. Mag-aayos ka man ng mga setting o magsasagawa ng scan, tinitiyak ng Avast na walang aberya ang pag-manage ng seguridad mo.


    PABABAGALIN BA NITO ANG COMPUTER KO?

    Alam na alam ng Avast ang mga alalahanin ng mga user sa performance ng security software. Ang magandang balita? Ginawa ito para gumana sa background nang may kaunting epekto lang sa bilis ng computer mo. Intelligent ang mga pag-scan ng Avast at inuuna ang mga task na kasalukuyang aktibo, kaya nababawasan ang anumang potensiyal na pagbagal.


    PAGPEPRESYO AT MGA PLAN

    Iba-iba ang mga plan at rate ng Avast para matugunan ang iba't ibang mga pangangailangan, kabilang ang Premium Security, Avast One, Essential Business Security, Premium Business Security, at Ultimate Business Security. Para sa rebyung ito, tututukan natin ang mga solusyong nakatuon sa mga home user.

  • Avast Premium Security: May antivirus protection package ang plan na ito na nagsasagawa ng mga advanced na hakbang sa seguridad para maprotektahan ka laban sa mga online na banta. Gamit ito, maiiwasan mo mga pekeng website, matitiyak na ligtas ang online shopping, at maiiwasan ang mga web spy. Ang presyo ng Avast Premium Security ay P1330 para sa unang taon, na magagamit sa isang Windows device (o P1295 para sa Mac), o P1700 para sa unang taon, na magagamit sa hanggang 10 device.

  • Avast One: Ginawa ang Avast One bilang all-in-one na serbisyo na nagbibigay ng proteksiyon sa malware at virus, walang limitasyong VPN, monitoring ng data breach, at mga tool para sa paglilinis ng device. Puwede kang magsimula sa P1700 para sa unang taon, na magagamit sa limang device. Kung mas marami kang paggagamitan, may Avast One Platinum sa halagang P2385 para sa unang taon, na puwede sa hanggang 30 device.


    CUSTOMER SUPPORT

    Sa mundong pinahahalagahan ang mabilis at epektibong suporta, hindi ka bibiguin ng Avast. Makikita mo sa website nila ang isang komprehensibong knowledge base, mga gabay sa pag-troubleshoot, at mga madalas itanong. Para sa mga may premium na plan, magagamit ang priyoridad na customer support sa pamamagitan ng email, telepono, o chat


    ANG HATOL

    Walang dudang malakasang solusyon sa cybersecurity ang Avast Antivirus, na nagbabalanse sa komprehensibong proteksiyon at performance. Ito ang mainam na opsiyon para sa iba't ibang user base dahil sa user-friendly na interface nito at pati na rin sa napakahusay na pag-detect nito ng malware. Bagama't may kapalit ang ilang advanced na feature, sulit na sulit naman ang kapanatagan ng loob na hatid ng Avast sa digital landscape ngayon. Baguhan ka man o batikang user, tinitiyak ng Avast na mananatili kang ligtas sa digital na mundo, para ma-navigate mo ito nang may kumpiyansa.

    Bumili ng Avast - Protektahan ang mga Device Mo!