KULANG SA ORAS? ITO ANG BUOD

Itinatag noong 1990, ang Panda Security ay Espanyol na kompanyang multinasyonal na may mahigit 30 taon nang karanasan sa cybersecurity. Nagsimula ito sa antivirus software, pero hindi nagtagal at nag-alok na rin ito ng mga produkto at serbisyo sa cybersecurity. Ngayon, pinoprotektahan nito ang mahigit 30 milyong user sa 180+ bansa. Nagbibigay ang Panda Security ng mga tailor-made na solusyon sa seguridad para sa mga device mo sa opisina at sa bahay, kabilang ang laptop, desktop, tablet, smartphone, at maging mga smartwatch. Bukod sa mga advanced na feature ng antivirus, ang suite na ito ay may mga dagdag ding module ng proteksiyon tulad ng VPN, kontrol para sa magulang, password manager, at standalone na USB antivirus program. Puwede ang Panda Security sa Windows, MacOS, Android, at iOS.
👍 KAPAKINABANGAN:
  • 24/7 Real-time na proteksiyon para sa lahat ng device mo at mga karagdagang module tulad ng Kontrol para sa Magulang, Cleanup, Password Manager, PC Recovery, Proteksiyon ng Identidad, at marami pa
  • Mataas na rate ng pag-detect sa Real-World Protection Test
  • Nagbibigay ng proteksiyon sa WiFi laban sa mga hacker
  • May libre at premium na VPN
  • Talagang low maintenance, at kailangan lang ng napakakaunting interaksiyon
  • Magaan ito, kaya hindi kailangan ng malaking espasyo sa memory para patakbuhin ang software na ito sa computer mo
  • Puwede sa lahat ng uri ng device — computer, laptop, tablet, at mobile phone
  • Gamit ang control panel, simple at madali mong mama-manage ang lahat ng feature
  • Napakadaling i-configure at gumagana nang maayos kahit sa mga default na setting
  • Sa abot-kayang presyo, napakagandang opsiyon nito para sa mga user sa bahay at nagtitipid na maliliit na negosyo
  • Ligtas ang navigation system kaya ligtas din ang iyong mga bank key, account number, at iba pang sensitibong impormasyon
  • 30 araw na balik-perang garantiya
👎 KAHINAAN:
  • Limitado sa 150MB/araw ang libreng VPN
  • May 24/7 na teknikal na suporta lang para sa mga Premium na user
  • Medyo mahirap i-customize ang ilang report

Bumili ng Panda - Protektahan ang mga Device Mo!


PANDA KEY DATA

PANGKALAHATANG IMPORMASYON:

Presyo: Mula P970
Balik-perang Garantiya: OO
Mga Platform: PC, Mac, Android, at iOS

PAG-SCAN:

Real-time na Antivirus: OO
USB Virus na Pag-scan: OO
Awtomatikong Pag-scan ng Virus: OO
Mano-manong Pag-scan ng Virus: OO
Registry Startup na Pag-scan: OO
Nakaiskedyul na Pag-scan: HINDI

URI NG BANTA:

Anti-Spyware: OO
Anti-Trojan: OO
Anti-Phishing: OO
Anti-Adware: OO
Anti-Ransomware: OO
Anti-Malware: HINDI
Proteksiyon sa Email: HINDI
Anti-Worm: OO
Anti-Rootkit: OO
Anti-Spam: HINDI
Proteksiyon sa Chat/IM: HINDI

KARAGDAGANG MGA FEATURE:

Personal na Firewall: OO
Password Manager: OO
Tagasuri ng Pagnanakaw ng Identidad: OO
Ad Blocker: OO
Gamer Mode: OO
Smartphone Optimizer: HINDI
Ligtas na Browser: OO
Mga Kontrol ng Magulang: OO
Serbisyong VPN: OO
Pag-tune-up ng Device: OO

SUPORTA:

Live Chat: HINDI
Suporta sa Email: HINDI
Suporta sa Phone: HINDI
Suporta sa Tiket: OO

ALAMIN KUNG ANO ANG SINASABI NG MGA USER

Trustpilot Rating: 4.1 sa 5 stars mula sa 5,845 rebyu

"Ilang taon ko nang ginagamit ang panda security, at patuloy silang nagdaragdag ng mga upgrade at produktong malaki ang tulong sa tech-advanced nating lipunan. Sa totoo lang, lifesaver ito para sa mga computer at file mo. Inirerekomenda ko ito sa lahat."

"Ang security software ng Panda ang pinakamagaling sa lahat. Isa ako sa mga unang gumamit ng software at hindi pa ako nadidismaya. Magaling ang araw-araw na pag-update ng data file sa pagpigil sa lahat ng isyu. Ginagamit ko rin ang kanilang software sa PC at mga mobile device ko. Inirekomenda ko rin ang software sa maraming kakilala ko. Hindi matatapatan ng mga kakumpetensiya sa market ang dali ng paggamit nito at ang proteksiyong ibinibigay nito. Hindi ka magsisisi rito."

"Ang libreng download na antivirus ng Panda ang tanging antivirus package na magagamit ko sa lumang Windows XP na computer gamit ang core AMD Athlon XP2600+, 2.09Ghz processor na sumusuporta lang ng SSE 1 instruction set. Talagang irerekomenda ko ito para sa mga lumang computer batay sa karanasan ko at sa pagsubok ko ng lahat ng uri ng iba pang antivirus package."

"Napakalaking tipid ng produktong ito para sa aming pamilya. Dati, lagi kong dinadala sa repair shop ang mga computer namin dahil sa virus. Limang taon na akong kostumer ng Panda at mula noon ay hindi na ako bumalik sa repair shop."


MGA FEATURE

Hindi tulad ng mga reaktibong diskarte ng tradisyonal na produktong antivirus sa proteksiyon, mas proaktibo ang pamamaraan ng Panda Security. Naghahatid ito ng one-two-punch na proteksiyon, salamat sa cloud security system, Collective Intelligence, at patented na teknolohiya nito na tinatawag na TruPrevent.

May code name na Proteus, ang TruPrevent ay may dalawang bahagi: behavioral analysis at behavioral blocking. Nade-detect at nahaharang ng natatanging kombinasyong ito ang bagong malware na nakalusot sa karaniwang paraan ng pagtuklas ng virus tulad ng signature, behavioral, at heuristic analysis. Gumagana lang ang mga tradisyonal na solusyon sa antivirus kapag sa tingin nito ay delikado ang isang app o proseso. Hindi ang Panda Security. Maagap ito at hinaharang ang mga mga di-kilalang virus at iba pang mga malisyosong pag-atake bago pa ito mangyari. Kapag ginamit kasama ang grupo ng mga server na tinatawag na Collective Intelligence na nagde-detect, nag-i-scan, nag-uuri, at nagdi-disinfect ng bagong malware, magkakaroon ka ng bulletproof na depensa laban sa mga virus at iba pang cyberattack.


MAY MGA EKSTRA BA?

Hindi lang pinoprotektahan ng Panda Security ang mga device mo laban sa malware, ransomware, at iba pang bago at umuusbong na mga banta; sineseryoso rin nito ang online na seguridad at pagkapribado mo! Tingnan ang mga bonus na feature na ito na nilalayong i-secure ang digital mong buhay.

  • Proteksiyon sa Pagnanakaw ng Identidad - Alam mo bang tinatarget na ngayon ng mga magnanakaw ng identidad ang mga SSS check at mga benepisyo sa kawalan ng trabaho, bukod pa sa mga credit card at mortgage? Ayon sa pag-aaral ng Javelin, ang pagkawala ng pera dahil sa identity fraud ay iniulat na nasa P940 bilyon noong 2020 lang. Sa kabutihang palad, nag-aalok ang Panda Security ng proteksiyon sa pagnanakaw ng identidad para hindi ka mabiktima. Nagsisilbing pangharang ang feature na ito para hindi makita o manakaw ang personal mong data. Aabisuhan ka sa pamamagitan ng awtomatikong alerto kapag natukoy ng system ang ilegal na pagbebenta ng iyong personal, credit, at pinansiyal na impormasyon. Dagdag pa, puwede ka ring magtakda ng limitasyon sa pag-transfer at makakuha ng babala sa tuwing lalampas sa limitasyong iyon ang pag-transfer o pag-withdraw mula sa account mo. Sa ganitong paraan, makakabili, makakapagbangko, at makakapagbayad ka online nang walang pag-aalala!

  • Multimedia/gaming mode - awtomatikong nag-a-activate kapag naka-full-screen mode ang PC mo, halimbawa, kapag naglalaro ka o nanonood ng Netflix. Sa pamamagitan nito, nakakagawa ang Panda Security ng mga naaangkop na desisyon para protektahan ang computer mo nang hindi nakakaabala sa mga online mong aktibidad.

  • Mga anti-theft tool - sinusubaybayan ang lokasyon ng iOS, Windows, at Android device at nila-lock at binubura ang data remotely kung may pagnanakaw. May motion sensor at thief photo capture pa ito!

  • VPN - Sa pamamagitan ng Virtual Private Network o VPN, napapanatili mo ang online na pagkapribado at makakapag-surf sa web nang hindi nakikilala, bukod pa ang ibang praktikal na mga benepisyo. Magtrabaho remotely, i-bypass ang mga naka-block na website at mga filter sa internet, manood ng mga banyagang content saan ka man sa mundo, iwasan ang pag-throttle ng bandwidth, at marami pa. Ang libreng VPN ay may Essential, Advanced, at Complete na mga plan, pero hanggang 150Mb lang ito bawat araw. Kung gusto mo ng walang limitasyong pag-browse, kailangan mo ng Premium na package.

  • Kontrol para sa Magulang - hindi madaling magpalaki ng bagong henerasyon ng mga batang techie. Bagama't mahusay na kasangkapan ng pagkatuto at komunikasyon ang internet at mga gadget ng mga anak mo, hindi ibig sabihin ay wala na itong dalang panganib. Ilan sa mga bantang ito ay kinabibilangan ng cyberbullying, porn, online na mga manyakis, nakamamatay na mga dare sa internet, phishing, mga scam, at maging mga post sa social media na maaaring makasira ng buhay kalaunan. Gamit ang feature na Kontrol para sa Magulang ng Panda Security, makokontrol mo ang mobile device, app, at paggamit ng internet ng anak mo. Gumawa ng blocklist para ihinto ang mga hindi kaaya-ayang tawag, i-locate ang mga device nila, subaybayan ang mga anak mo gamit ang mga geofence, at marami pa.

  • Password Manager - maaaaring gamitin bilang standalone program o kasama ng Panda Dome Complete at Premium na mga package, tutulungan ka ng feature na ito na gawing ligtas at i-manage ang mga password mo gamit ang naka-encrypt na password storage, two-factor na awtentikasyon, at monitor ng istatus ng seguridad. Sa pamamagitan ng mga autofill form at auto-save, ligtas at madali kang makakapag-log in, at sa pamamagitan ng mga password generator hindi mo na kailangang gamitin nang paulit-ulit ang parehong mga password. Browser extension ang password manager ng Panda Security para sa Chrome at Firefox at mobile app para sa Android at iOS.

  • PC Cleaner - nililinis at ino-optimize ang computer mo sa pamamagitan ng pagtanggal ng cookies, cache, at mga temporary file, at binubura ang history ng browser at dine-defragment ang hard disk para mapabuti ang performance nito. Kasama rin dito ang boot manager at registry cleaner na magpapabilis ng computer mo.

  • Proteksiyon sa Web - hinaharang at dine-detect ang phishing at iba pang mga delikadong site.

  • Update Manager - makakapag-iskedyul ka ng mga gawain para masuri ang mga kahinaan. Maaari ka ring gumawa ng mga system restore point para bumalik sa luma mong system at data sakaling ma-corrupt o masira ng mga pagbabago o problema kalaunan ang lahat ng nasa computer mo.


    LIGTAS AT MAAASAHAN NAMAN BA ITO?

    Ayon sa kanilang website, ipinagmamalaki ng Panda Security ang 100% detection rate sa Real-World Protection Test na isinagawa ng AV-Comparatives. Sistematikong sinusuri ng independiyente at ISO-certified na organisasyong ito ang iba't ibang software na panseguridad para sa Windows, Mac, at Android. Pero kung titingnang mabuti, halos isang taon na ang resultang ito. Kumusta kaya ang Panda Security nito lang? Tingnan natin kung ano ang performance nito sa mga kamakailang pagsusuri ng ilang independiyenteng organisasyon:

  • Advanced Real-World Protection Award ng AV-Comparatives (Hunyo 2021). Sinusukat nito ang mga kakayahan sa "real-world" na proteksiyon ng antivirus program sa pamamagitan ng paggamit ng daan-daan at kung minsan ay libo-libong malisyosong URL. Sa partikular na pagsubok na ito, nagawang i-block ng Panda Security ang 99.9% ng 380 live test cases.

  • Katibayan ng "Deceptor Fighter" mula sa AppEsteem para sa pagharang sa 100% ng mga program na nag-i-install ng mga virus sa computer mo. Sine-certify ng AppEsteem ang mga app sa seguridad at kaugnay na suporta at mga serbisyo sa seguridad para bigyan ng impormasyon ang mga konsumer tungkol sa kanilang kaligtasan at pagiging maaasahan.


    DALI NG PAGGAMIT AT PAG-SETUP

    Sa kabuuan, ang Panda Security ang isa sa pinakamadaling solusyong antivirus na nagamit namin. Kahit na wala ka pang karanasan sa pag-install ng antivirus program o iba pang software, makikita mong madali lang ang mga hakbang at prompt sa pag-install. Sa katunayan, ilang minuto lang mada-download mo na ang software.

    Ito ay hindi lang dahil sa simpleng proseso ng pag-install kundi dahil magaan ang mismong software. Sa katunayan, 64 MB ang minimum na kinakailangan sa pag-install para lang sa antivirus unit. Walang gaanong kahingian ang software at hardware kaya hindi nito mapapabagal ang system mo, hindi tulad ng ilang mga produktong antivirus kamakailan (nakatingin kami sa iyo, McAfee!). Nangangahulugan din ito na gagana nang maayos ang antivirus kahit sa mga mas lumang PC o operating system. Hindi ka na rin mag-aaksaya ng oras sa mga nakagawiang gawain tulad ng pag-update ng antivirus gamit ang mga awtomatikong pag-update ng Panda Security.

    Pagkatapos ng overhaul tatlong taon na ang nakalipas, malayong-malayo sa dati nitong mala-cartoon na aesthetic ang user interface ng Panda Security ngayon. Suwabe ang disenyo, may malalaking panel, at malinaw na mga icon, mukha itong modernong interface ng iOS at Windows. Lahat ay nasa lugar, at maa-access mo ang karamihan sa mga feature sa isang click o pindot lang ng button. Lahat-lahat, madaling i-manage ang Panda Security.


    PABABAGALIN BA NITO ANG COMPUTER KO?

    Hindi. Tulad ng nabanggit na dati, cloud-based na antivirus solution ang Panda Security. Ginagawa sa panlabas na cloud server ang lahat ng pag-scan at pag-detect, kaya hindi mo mapapansin ang anumang epekto sa performance ng computer mo. Mapapansin mo lang ang kaibahan sa panahon ng deep scan, pero kahit na, walang magiging isyu sa device na katamtaman ang bilis. Bukod dito, meron ding Cloud Cleaner ng Panda Security na tumutukoy at nag-aalis ng anumang malware o junk na nagpapabagal sa PC mo. Sa kabuuan, ang Panda Security ang perpektong solusyon sa seguridad para sa mga naghahanap ng pinakamahusay na produktong antivirus na hindi magpapabagal sa kanilang device.


    PAGPEPRESYO AT MGA PLAN

    Mahahanap mo sa mga maingat na idinisenyong seleksiyon ng Panda Security ang pinakamagandang plan na akma sa mga pangangailangan mo. Piliin ang Panda Dome Essential, Panda Dome Advanced, Panda Dome Complete, o Panda Dome Premium. Kagaya ng sinasabi ng pangalan nito, kasama sa basic plan ang lahat ng "esensiyal" tulad ng real-time na proteksiyong antivirus, firewall, at proteksiyon sa WiFi. Sa kabilang banda, nagbibigay ang premium na package ng tunay na proteksiyon gamit ang walang limitasyong VPN at 24/7 na teknikal na suporta. Kapaki-pakinabang at praktikal ang bawat feature, hindi tulad ng ilang produktong antivirus na taglay ang lahat maliban ang pinakamahalagang features. Napakaraming features, pero iilan lang ang talagang nakakatulong. Sa kabutihang palad, hindi ganito ang Panda Security. Kung handa ka nang subukan ang antivirus na ito, bilhin ito sa halagang P970 na may 50% diskuwento. Bisitahin ang aming link at samantalahin ang limitadong promong ito!


    CUSTOMER SUPPORT

    May 24/7 na teknikal na suporta ang Panda Security, kabilang ang remote assistance sakaling kailanganin mo ng tulong sa pagtanggal ng virus, pag-tune-up, at iba pang mga proseso ng maintenance. Ang catch? Puwede lang ito sa mga premium na subscriber. Nakakadismaya ang kakulangan ng suporta sa telepono at chat para sa iba pa nilang mga kostumer. Kung Essential, Advanced, o Complete na subscriber ka, ang magagawa mo lang ay magbigay ng ticket o mag-browse sa mga artikulo sa kanilang page ng suporta. Kung real-time na tulong ang hinahanap mo, tiyaking mag-subscribe ka sa premium na plan. Puwede mo ring tingnan ang Bitdefender o TotalAV na parehong may round-the-clock na suporta sa phone at chat.


    ANG HATOL

    Kung ikokonsidera ang lahat, ang Panda Security ay isa pa rin sa mga pinakaligtas na solusyong antivirus sa market. May malakasan itong proteksiyon sa malware at ilang mga bonus na feature na madaling gamitin ng mga user sa bahay at negosyo, kabilang ang password manager at proteksiyon sa web. Isa pang kalakasan ng software ang madali itong gamitin at nangangailangan lang ng kaunting resources. Sa kabila ng kakulangan ng live support sa kostumer, pambihira pa rin ang value for money ng Panda Security.

    Bumili ng Panda - Protektahan ang mga Device Mo!