KULANG SA ORAS? ITO ANG BUOD
Ang PC Protect ay nilabas noong 2016 ng UK-based na kompanyang SS Protect Limited โ ang parehong security software developer ng TotalAV. Natutugunan ng full-featured antivirus suite na ito ang mga pangangailangan mo sa seguridad at pagkapribado, ginagamit mo man ito sa bahay, sa negosyo, o sa mobile. Nagbibigay ito ng real-time na proteksiyong antivirus at iba pang mga tool tulad ng VPN, ad blocking, firewall control, tool sa system tune-up, browser cleaner, at iba pa. Puwede ang PC Protect sa Windows, macOS, Android, OS X, iPhone, iPad, at mga Android tablet. Madaling gamitin ang interface at laging handang tumulong ang customer support nito, kaya humahabol ang batang antivirus brand na ito sa mga beterano na sa industrIya. Pero magtatagumpay kaya ito? Alamin ang mga kalakasan nito sa komprehensibong rebyu namin sa ibaba.
Ang PC Protect ay nilabas noong 2016 ng UK-based na kompanyang SS Protect Limited โ ang parehong security software developer ng TotalAV. Natutugunan ng full-featured antivirus suite na ito ang mga pangangailangan mo sa seguridad at pagkapribado, ginagamit mo man ito sa bahay, sa negosyo, o sa mobile. Nagbibigay ito ng real-time na proteksiyong antivirus at iba pang mga tool tulad ng VPN, ad blocking, firewall control, tool sa system tune-up, browser cleaner, at iba pa. Puwede ang PC Protect sa Windows, macOS, Android, OS X, iPhone, iPad, at mga Android tablet. Madaling gamitin ang interface at laging handang tumulong ang customer support nito, kaya humahabol ang batang antivirus brand na ito sa mga beterano na sa industrIya. Pero magtatagumpay kaya ito? Alamin ang mga kalakasan nito sa komprehensibong rebyu namin sa ibaba.
๐ KAPAKINABANGAN:
- Malakasang real-time na mga antivirus protection tool tulad ng pag-detect ng malware, adware, at spyware
- BAGONG next-gen cloud scanning para sa real-time na pag-detect ng mga zero-day vulnerability
- Makabagong two-way firewall
- Mga libreng tool sa pag-optimize ng system tune-up
- Integrated na ad blocker
- May kasamang disenteng VPN
- Mabilis na pag-setup at pag-install
- Mababang resource/CPU usage
- Interface na madaling i-navigate at magugustuhan ng mga baguhan
- Proteksiyon sa maramihang device at iba't ibang platforms
- Mga app na madaling gamitin at maraming feature para sa Windows, Mac, Android, at iOS
- Tuloy-tuloy na suporta sa pamamagitan ng email, phone, at live chat
- Malaking tulong na 30 araw balik-perang garantiya
๐ KAHINAAN:
- Hindi pa nasusuri ng anumang independiyenteng organisasyon na sumusuri ng mga software na panseguridad
- Pinagandang bersiyon lang ng Windows optimizer ang mga tool sa pag-optimize
- Kulang sa kontrol para sa magulang, gamer mode, file o backup capabilities
Bumili ng PCProtect - Protektahan ang mga Device Mo!
PCPROTECT KEY DATA
PANGKALAHATANG IMPORMASYON:
Presyo: Mula P1600
Balik-perang Garantiya: OO
Mga Platform: PC, Mac, Android, at iOS
PAG-SCAN:
Real-time na Antivirus: OO
USB Virus na Pag-scan: HINDI
Awtomatikong Pag-scan ng Virus: OO
Mano-manong Pag-scan ng Virus: OO
Registry Startup na Pag-scan: HINDI
Nakaiskedyul na Pag-scan: OO
URI NG BANTA:
Anti-Spyware: OO
Anti-Trojan: OO
Anti-Phishing: OO
Anti-Adware: HINDI
Anti-Ransomware: OO
Anti-Malware: OO
Proteksiyon sa Email: OO
Anti-Worm: OO
Anti-Rootkit: OO
Anti-Spam: OO
Proteksiyon sa Chat/IM: HINDI
MGA DAGDAG NA FEATURE:
Personal na Firewall: OO
Vault ng Password: OO
Identity Theft Checker: OO
Ad Blocker: OO
Gamer Mode: HINDI
Smartphone Optimizer: OO
Ligtas na Browser: HINDI
Mga Kontrol para sa Magulang: HINDI
Serbisyong VPN: OO
Pag-tune-up ng Device: OO
SUPORTA:
Live Chat: OO
Suporta sa Email: OO
Suporta sa Telepono: OO
Suporta sa Tiket: OO
ALAMIN KUNG ANO ANG SINASABI NG MGA USER
Trustpilot Rating: 4.3 sa 5 mula sa 1,401 rebyu
"Mukhang gumagana talaga ang program na ito at gusto ko ang lahat ng malware at iba pang mga pag-scan na ginagawa nito. Kapag kailangan kong kontakin ang PCProtect, napakalaking tulong nila at madaling kausap!"
"Mahusay. Pangalawang taon ko nang gamit ang PCprotect at gagamitin ko ulit ito sa susunod na taon. Walang mga isyu sa virus o pag-hack dahil sobrang galing nila sa agarang pag-alis ng lahat ng mga banta/breach. Ayos ito para sa pag-clear ng storage at pagbibigay ng babala tungkol sa mga di-ligtas na app/website at nakaka-detect ng mga virus. Hindi ako eksperto sa IT kaya magandang magkaroon ng software na gumagawa ng lahat para sa iyo."
"Talagang nagagalingan ako, mabilis at simple ang pag-install, pati na rin ang pag-download. Walang problema sa pag-aalis ng mga junk file, na-clear ang 107Meg ng HD space nang wala pang isang minuto. Naging maayos din ang unang pag-scan at walang nakitang mga virus sa loob ng halos dalawang minuto."
"Madaling gamitin. Ni-run ko ito nang isang beses sa isang linggo at nagulat ako nang makita ang ilan sa mga na-detect nito. Isa na rito ang pag-track ng Facebook sa history ng browser ko lalo na kapag hindi ko naman binisita ang Facebook o hindi ako nag-log in sa pc ko."
MGA FEATURE
Gumagana ang PCProtect gamit ang malakas pero magaang antivirus engine na ginagamit ng Avira. Nito lang, pinagsama nito ang lahat ng modernong antivirus program gamit ang cloud-based na teknolohiya para sa pag-detect ng malware. Bukod dito, hindi makakaapekto sa bilis ng device ang multi-layer na proteksiyon nito. Tingnan ang ilang pangunahing komponent sa ibaba:
MAY MGA EKSTRA BA?
Sinusuri ng PCProtect ang iyong OS, mga download, browser, email, app, pag-install, at executable para mabantayan laban sa mga potensiyal na banta. Bilang antivirus program, medyo inaasahan na ito. Pero marami pang inaalok ang PCProtect:
LIGTAS AT MAAASAHAN NAMAN BA ITO?
Medyo nabigla kami nang malamang hindi pa nasusuri ng anumang mga independiyenteng laboratoryo ang PCProtect. Karaniwan naming tinitingnan kung ano ang iskor ng isang antivirus software sa mga ebalwasyon ng AV-Test at AV-Comparatives, kaya medyo dismayado kami. Sa kabila nito, napatunayan naming konsistent itong magaling sa mga VB100 test ng sikat na independent testing at certification body na Virus Bulletin. Mula Marso hanggang Abril 2021, sinubukan ng VB100 ang 38 produkto mula sa 33 iba't ibang vendor sa Windows 10 platform. Kasama rito ang 1,046 malisyosong sample para sa WildList Detection Test at 999 sample para sa Diversity Test. Natanggap ng PCProtect ang sertipikasyon ng VB100 na may WildList detection rate na 100%, diversity test rate na 99.90%, at zero false positive. Ang Virus Bulletin ang isa sa mga nangunguna sa mundo sa pag-test ng mga software na panseguridad, kaya may sinasabi ang mga resultang ito sa kaligtasan at pagiging maaasahan ng PCProtect.
DALI NG PAGGAMIT AT PAG-SETUP
Bukod sa mga tool sa pag-optimize ng device nito, isa sa talagang kalakasan ng PCProtect ang madaling paggamit nito. Ang dashboard nito ay may maganda sa paninging madilim na background na binabalanse ng mangilan-ngilang kulay. Nasa toolbar sa kaliwa ang lahat ng mahalagang feature, kabilang ang System Boost, Disk Cleaner, at Web Security. Mapapansin mo rin ang malalaking button para sa Quick Scan, System Scan, Quarantine, at Real-Time na Proteksiyon. Sa kabuuan, madaling i-navigate ang pangunahing interface, kaya hindi magkakaproblema kahit na ang hindi tech savvy sa paggamit ng lahat ng ito.
PABABAGALIN BA NITO ANG COMPUTER KO?
Hindi gaanong mabigat ang background impact ng PCProtect, kaya hindi mo mapapansing naroon ito. Sa katunayan, sinasabi ng maraming user na ang average na RAM usage ay hindi hihigit sa 80MB sa standby mode at mas mataas lang nang kaunti sa pag-scan ng system. Bukod dito, patatakbuhin ng ilang tool sa pag-optimize ng device ang iyong device sa parehong bilis o mas mahusay pa.
PAGPEPRESYO AT MGA PLAN
Ngayon ang pinakamagandang oras para subukan mo ang PCProtect. Karaniwan itong nagkakahalaga ng P5500 para sa isang taon, pero nag-aalok sila ngayon ng napakalaking 80% diskuwento. Magbayad lang ng P1100 para sa proteksiyon sa isang taon at lahat ng freebies: VPN, ad blocker, vault ng password, mga tool sa pag-tune-up, at marami pang iba. Limitadong deal ito, kaya i-click na ang anumang mga link sa page na ito para mapakinabangan ang promo.
CUSTOMER SUPPORT
Ilang review site ang nagsulat na tungkol sa hindi magandang customer service ng PCProtect. Baka luma na ang kanilang rebyu, o sa wakas ay naayos na ng PCProtect ang dapat ayusin dahil kasalukuyan silang may rating na 4.3 sa 5 stars sa Trustpilot. May ilang support channel ang PCProtect: live chat, email, telepono, at knowledge base. Madaling i-navigate ang support page na may magkahiwalay na mga tab para sa suporta, billing, at FAQ. Sinubukan namin ang kanilang opsiyong live chat at natutuwa kaming makontak ang isang ahente sa loob lang ng wala pang 2 minuto. Sa pag-click ng button na "Start Live Chat", papipiliin ka sa billing at technical department. Pinili namin ang huli. Magiliw at magalang ang rep, at kinumpirma rin niya na puwede silang magsagawa ng remote access kung kinakailangan. Malaking puntos iyon, lalo na para sa mga user na hindi masyadong marunong sa teknolohiya. Sinubukan din namin ang kanilang email support at nakatanggap kami ng tugon sa loob ng halos isang oras. Mabilis lang, kung tatanungin ninyo ako. Kung gusto mong makipag-usap sa telepono, tumawag ka sa (001) 833 201 8683.
ANG HATOL
Sa pangkalahatan, disenteng antivirus software ang PCProtect na may maaasahang virus scanning engine laban sa lahat ng uri ng malware. Solid ang VPN at madaling gamitin ang mga tool sa pag-optimize ng device. Ang maganda pa, sulit na sulit ang unang taon, at sakaling magbago ang isip mo sa kalagitnaan ng unang buwan, makakakuha ka ng buong refund, walang tanong-tanong.