KULANG SA ORAS? ITO ANG BUOD

Kasama sa kompletong proteksiyon ng Scanguard ang lahat ng features ng isang napakagaling na security package. Mabilis na antivirus engine, real-time na proteksiyong antivirus, at technical support na nakatutok sa Scanguard. May dagdag ding mga pambihirang feature ang Scanguard tulad ng VPN para sa ganap na pagkapribado at anonimidad online, password manager para itago ang lahat ng password mo sa isang lugar, ad blocker, at marami pa. Protektahan ang sarili ngayon!

👍 KAPAKINABANGAN:
  • Malakasang antivirus at proteksiyon sa malware
  • Mabilis at simpleng UI
  • Remote na firewall protection, VPN, vault ng password
  • Napakamura para sa unang taon
  • Puwede sa iba't ibang platform
  • Real-time na awtomatikong pag-scan ng malware
  • Mga tool sa pag-optimize ng system tune-up
  • Hindi nagpapabagal sa mga device
  • Libreng karagdagang lisensiya para sa hanggang 5 device
  • 24/7 na email, live chat, at walang bayad na suporta sa telepono
  • 4.5 star na rating sa TrustPilot
  • Garantiyang ibabalik ang pera
👎 KAHINAAN:
  • Wala pang mga resulta ng mga independent na lab test
  • Walang community forum
  • May ilang problema sa compatibility kapag ginagamit ang default na Windows Defender

Bumili ng Scanguard - Protektahan ang mga Device Mo!


SCANGUARD ANTIVIRUS KEY DATA

PANGKALAHATANG IMPORMASYON:

Presyo: P1600
Balik-perang Garantiya: OO
Mga Platform: PC, Mac, Android, at iOS

PAG-SCAN:

Real-time na Antivirus: OO
USB Virus na Pag-scan: OO
Awtomatikong Pag-scan ng Virus: OO
Mano-manong Pag-scan ng Virus: OO
Registry Startup na Pag-scan: OO
Nakaiskedyul na Pag-scan: OO

URI NG BANTA:

Anti-Spyware: OO
Anti-Trojan: OO
Anti-Phishing: OO
Anti-Adware: OO
Anti-Ransomware: OO
Anti-Malware: OO
Proteksiyon sa Email: HINDI
Anti-Worm: OO
Anti-Rootkit: OO
Anti-Spam: HINDI
Proteksiyon sa Chat/IM: HINDI

MGA DAGDAG NA FEATURE:

Personal na Firewall: OO
Password Manager: OO
Ad Blocker: OO
Gamer Mode: HINDI
Proteksiyon ng webcam at mic: HINDI
Smartphone Optimizer: OO
Ligtas na Browser: HINDI
Mga Kontrol para sa Magulang: OO
Serbisyong VPN: OO
Pag-tune-up ng Device: OO

SUPORTA:

Live Chat: OO
Suporta sa Email: OO
Suporta sa Phone: OO
Suporta sa Ticket: HINDI


ALAMIN KUNG ANO ANG SINASABI NG MGA USER

"Madalas kong iniisip kung gaano ito kagaling at halos wala na akong makitang virus o trojan sa computer ko. Nalaman kong nag-update ang Scanguard at napaka-efficient talaga nito at naka-detect agad ng tatlong pag-atake. Mas ligtas ako rito at mukhang hindi naman bumabagal ang computer ko habang gumagana ito sa background."

"Ang galing ng program na ito sa paglinis ng "basura" na iniiwan ng internet na naka-embed sa computer mo.....Kaya gumagana ito nang maayos. Ayos na ayos!!!!"

"Pagkatapos ng 5 taon ng paggamit ng Scanguard, nasisiyahan pa rin ako 100% sa kanilang software. Nagagamit ko ulit ang lumang notebook na itatapon ko na sana, salamat sa mas mabilis na processing. Astig ang Scanguard!"

"Propesyonal na ginagawa ng Scanguard ang trabaho nito nang walang makukulit at istorbong alok, o program na kailangang i-upgrade sa susunod na 2.5 segundo. Ginagawa ito ng ibang software program habang binubutasan ka ng bulsa! Hindi ka lang nila ginugulo bawat 5 minuto para sa credit card mo."


MGA FEATURE

Ang Scanguard ay British antivirus na kompanyang may punong tanggapan sa Surrey. Ipinakilala lang ito noong 2016, pero milyon-milyon na ang umaasa rito para protektahan ang kanilang mga smartphone, tablet, laptop, at desktop computer. Ang mataas na kumpiyansang ito ay maaaring dahil pag-aari ito ng Protected.net. Oo, ang parehong negosyo ng TotalAV, isa pang nangungunang antivirus brand sa industriya. Kaya bago man ang brand, matagal at subok na ang batayang teknolohiya nito.

May apat na pangunahing feature sa seguridad ang Scanguard. Ginawa ang Malware Guard para protektahan ka mula sa mga mapanganib na software tulad ng mga trojan at worm, na baka makapinsala sa computer at smartphone mo kung made-detect. Nariyan din ang Ransomware Guard na pumipigil sa mga cybercriminal na i-hostage ang computer mo hanggang hindi nakakakuha ng ransom. Nag-aalok din ang Scanguard ng Spyware Guard na poprotektahan ka laban sa malware na lihim na kumukuha ng impormasyon tungkol sa iyo, tulad ng mga kredensiyal mo sa pag-log in at impormasyon ng credit card. Panghuli, tumutulong ang Adware Guard sa pag-iwas sa nakakainis na mga ad.

Nagtutulungan ang mga feature na ito na magtayo ng matatag na depensa laban sa iba't ibang banta ng malware. Sinusuri din ng real-time na proteksiyon ng Scanguard ang parehong papasok na trapiko at ang mga program at file na kasalukuyang nasa device mo. Naghahanap ito ng anumang mga pagbabago o kaduda-dudang aktibidad at, kung may mahanap, pinipigilang mabuksan o gumana ang mga ito hanggang sa tanggapin o tanggihan mo ang mga ito. Talagang natutuwa kami kung gaano katutok at kakomprehensibo ang Scanguard pagdating sa mga aktibidad sa pagmonitor. Tunay ngang mas mainam na ma-detect agad ang anumang mga alalahanin para hindi na maging mapanganib na banta ng malware ang mga ito.


MAY MGA EKSTRA BA?

Itinataguyod ng Scanguard ang reputasyon nitong "isang produkto, ganap na proteksiyon," at hindi lang ito mabulaklak na islogan. Bukod sa ilang solid na feature ng seguridad, nag-aalok ang Scanguard ng ilang magandang tool sa pagkapribado at pag-optimize ng device. Narito ang ilan sa mga ito:

  • Ad Block Pro - Hinaharang ang mga mapanghimasok at hindi kanais-nais na mga ad para makapag-browse ka sa web nang ligtas at panatag ang loob.

  • Vault ng Password - Nagbibigay ng sentral na lokasyon para itago ang lahat ng password mo. Ang nag-iisang Master Password lang ang kailangan mong tandaan. Hindi mo na kailangang isulat o isaulo ang maraming password!

  • Safe Browsing (VPN) - Pinoprotektahan ang mga online na aktibidad at pagkapribado mo sa pamamagitan ng pag-mask sa tunay mong IP address at sa pagbuo ng ligtas at naka-encrypt na tunnel para sa internet access. Hindi mali-link sa iyo ng mga snoop, tracker, o iba pang curious party ang mga aktibidad mo sa internet.

  • Browser Manager - Gaganda ang performance, mahaharang ang mga mapanghimasok na mga ad, at makakaiwas ka sa panloloko kung pananatilihing malinis ang browser.

  • Cookie Cleaner- Pinapalaki ang espasyo sa disk at ino-optimize ang computer mo habang pinipigilan ang mga advertiser na subaybayan ang mga nakagawian mo online at paulanan ka ng mga ad.

  • System Optimization Scan - Tinutukoy ang anumang mga potensiyal na bahagi ng mga device mo na puwedeng mas mapabuti pa ang performance at mas patagalin pa.

  • Disc Cleaner Pro - Ini-scan ang hard drive mo at ipinapakita ang mga temporary file, Internet cache file, at hindi nagamit na mga software file na ligtas na matatanggal para makahinga ang napupuno nang espasyo ng disc.

  • Battery Monitor - Pinapahaba ang buhay ng baterya mo sa pamamagitan ng paghinto ng mga proseso at app na hindi mo kailangang gumana sa background.


  • LIGTAS AT MAAASAHAN NAMAN BA ITO?

    Bilang bagong negosyo, ang Scanguard ay hindi pa nasusuri ng anumang mga independiyenteng laboratoryo tulad ng AV-Comparatives, SE Labs, at AV-Test. Pero puwede naming suriin ang pagiging maaasahan ng ScanGuard batay sa hawak naming data at sa personal naming kaalaman. Mukhang gumagamit ito ng last-generation na antivirus engine dahil sa mga pagsusuri namin, natanggal nito ang lahat ng natukoy na virus at nakahanap ng mga zero-day na sample. Mabisa ang anti-phishing tool nito sa pagharang sa mga kahina-hinalang page. Kahit ang entry-level na edisyon ng software ay may built-in na firewall. Episyente ang awtomatikong pag-scan at hindi mapapansin ang epekto sa system. Kung may mga kahinaan man, hindi namin nahanap ang mga ito, kaya sa pangkalahatan, wala kaming masasabing hindi maganda sa Scanguard.


    DALI NG PAGGAMIT AT PAG-SETUP

    Angat ang Scanguard sa usapin ng dali ng paggamit at husay ng disenyo. Kawili-wili at nakakarelaks ang opisyal na website, at napakadaling gamitin ng mismong antivirus. Madali at direkta ang pag-download at pag-install. Magagamit mo ang lahat ng feature. Maiintindihan ito ng user kahit wala siyang degree sa agham. Panalo rin ang paggana nito sa iba't ibang device, kaya makakasiguro kang ang karanasan sa Android ay tulad din ng sa lahat ng iba pang device. Simple at accessible din ang mas mataas na mga opsiyon. Puwede mo ring i-customize ang antivirus depende sa gusto mo sa ilang click lang ng mouse. Sa kabuuan, adaptable at user-friendly na solusyon sa seguridad ang Scanguard.

    PABABAGALIN BA NITO ANG COMPUTER KO?

    Hindi! Sa katunayan, may ilang feature ang Scanguard, tulad ng Disc Cleaner Pro at Battery Monitor, na nagpapahusay sa performance ng device. Hindi rin pinabagal ng mga real-time na pag-scan ang system nang subukan namin ito, kaya matututukan mo ang trabaho mo nang hindi nababahala sa antivirus na tumatakbo sa background.


    PAGPEPRESYO AT MGA PLAN

    May tatlong magkakaibang plans noon ang Scanguard, pero pinasimple na nila ngayon ito sa pamamagitan ng pag-aalok ng isang komprehensibong plano. Sa halagang wala pang P110 bawat buwan, makakakuha ka ng kompletong proteksiyon sa hanggang 5 device! Nag-aalok din ang Scanguard ng 30 araw na balik-perang garantiya, kaya kung magpasiya kang hindi para sa iyo ang antivirus software na ito, ibabalik nila nang buo ang bayad mo sa subskripsiyon, walang tanong-tanong.


    CUSTOMER SUPPORT

    Mahusay ang serbisyo sa kostumer. Magagamit ang live chat at email 24 na oras sa isang araw, pitong araw sa isang linggo, at talagang propesyonal at matulungin ang mga nasa kabilang linya. May malaking knowledge base din sa opisyal na website kaya maaayos mo nang mag-isa ang anumang problemang kinakaharap mo.


    ANG HATOL

    Ang talagang bentahe ng antivirus na ito ay ang madaling gamiting dashboard nito, mga kapaki-pakinabang na karagdagang feature, at de-kalidad na serbisyo sa kostumer. At sa napakalaking 75% diskuwento sa una mong taon, nasa harap mo ang alok na mahirap tanggihan.

    Bumili ng Scanguard - Protektahan ang mga Device Mo!